6

48 5 0
                                    

Chapter 6

Matulin na lumipas ang araw at anim na  buwan agad ang kanyang tiyan. Pansamantala ay nagpaalam na muli si Ekaine kay Manager Weng kahit hanggang sa pangangangak niya lang. At pansamantala ay pumapasok siya sa salon nang tiyahin. alam niya kasing hindi sapat ang naipon niya sa loob nang anim na buwan para sa kanyang panganganak.

Ang sabi naman ni Manager Weng ay handa siyang nitong tulungan Financially kapag kinulang ang kanyang naipon at bumawi nalang siya pagkatapos niyang managanak ipangako niya lang na pag katapos nito ay babalik siya sa trabaho at umuo kaagad si Elaine dahil kailangan niya talagang gawin yun. Kailangan niyang kumayod.

"Hooooo...!!!" Bulalas ni Elaine sa sinabi nang Doctor matapos ang ultrasound. Nag pa check up lang naman siya sa araw na iyon para alamin kung okay ang kanyang baby sa loob nang kayang tiyan.

"Yes misis sixtuplets ang anak niyo congratulation dahil bibihira pong ang dumarating na blessings na katulad nito."

Kung gaano katamis ang ngiti nang Doctor siya namang pag ngiwi niya at panigurado hindi maipinta ngayon ang kanyang mukha sa pag kagulat. Gusto niyang mapa mura grabe naman ang kamandag nang lalaking yun ang kapal nang mukha. Libre na ngang nakuha ang VCard niya pagkatapos napaka raming punla pa ang ibinaon sa Matris niya anong mayroon ang lalaking yun.?

"Doktora pwedi po bang ulitin niyo ang pag check up sakin baka ho kase nagkakamali lang ho kayo, hindi po pweding mangyari to.??" Gusto niyang mapaiyak nalang bigla.

Seryoso itong ngumiti.

" Hindi ako maaring mag kamali misis lumabas po sa Monoscreen ang anim na sangol.."

Nanghilakbot bigla si Elaine sa narinig. Totoong napa iyak siya nang marating ang kanyang sasakyan pag labas nang Oby Gyn dahil sa takot kung paano iluluwal ang anim na anak. At kung papaano bubuhayin ang ang mga iito.

Dahil dito Umuwi siyang matamlay sa bahay. hindi siya makapaniwalang hinplos ang malaki niyang tyan kaya pala kakaiba na ang paglaki niti ganoong mag aanim palang naman yun.

Sa bakuran ay nakita niyang may lalaking kausap ang kanyang tita Barbara pag dating.

"Ohh nandiyan na pala siya. Kayong dalawa nalang mag usap." Sabi agad nang kanyang tiyahin sa kausap nitong lalaki pag kakita sa kanyang bumaba nang sasakyan.

At namamangha siya ng makilala ang lalaking panauhin nito. Walang iba kundi si Alfred. Napa titig siya sa lalaki nang humarap ito at napatingin sa malaki niyang tyan.

Nabalitaan niyang nag taping sa cebu si Alfred para sa bagong pilikulang pinagbidahan kasama si Cara kaya kahit naka balik na siya sa trabaho ay hindi parin sila nagkikita. Hindi na kase sila nag love team ngayon. Mas bagay naman talaga kase ang dalawa lalo ngayon.

"Nabalitaan kong bumalik ka kay Manager Weng. Akala ko dati nag resign kana. Kumusta nag asawa kana ba.?" Nang makalapit sa kanya ay tanong nang lalaki.

Inirapan niya ito, masakit parin ang ginawa ni Alfred sa kanya  wala naman kase siyang kasalanan dito para ipag palit nalang nang ganon kadali.
Tapos heto magpapakita pa sa kanya.
Nanumbalik sa kanya ang sakit na ginawa ng ex. Dalawang letra pero nag iwan nang pilat sa puso niya.

Noong makipag hiwalay ito sa kanya ay wala itong narinig na sumbat mula sa kanya. Para ano pa, siguro maraming kakulangan sa kanya kaya siya inayawan nang lalaki. Marahil ay di talaga siya nito mahal.

Noong mag kasintahan kasi sila ni Alfred hindi sila lumalantad sa maraming tao tanging sa manager niya lang. Ang alam ng maramihan love team lamang sila.

"Oo nag asawa na ako. Kita mo diba ang laki nang tyan ko. " pagalit niyang turan.

"Congrats Elaine. Pero nasaan siya.?" Nagawa pa nitong itanong.

"Nag punta ka ba reto para interviewhin ako.? Oo nasa abroad ang asawa ko para sa future ng anak namin."pag sisinung aling niya para maka ganti manlang sa sakit na ginawa nito sa kanya.

Napa tango ang lalaki bago malongkot na tumingin sa kanya.

"Maniniwala kaba Elaine kung sasabihin ko sayong nag sisisi ako sa nangyari sa ating dalawa sa pakikipag hiwalay ko sayo..?”malongkot nitong tanong.

Natigilan siya na parang hinaplos ang puso niya. Malaking bahagi ang inukupa ni Alfred sa puso niya at ang totoo walang kahit na sino ang  pumalit sa puso niya noon pero huli na ang lahat. Digrasyada siyang babae na bumigay sa isang lalaking di manlang kilala.

Kung sana di nangyari iyon baka nadugtungan pa ang lahat sa kanila ng dating nobyo. Pero sa isang banda hindi yun mangyayari kung hindi siya iniwan ni Alfred kaya ito parin ang lumalabas na may kasalanan.

"Kalimutan mo na ako Alfred, dina ako babalik sayo. Masaya na ako sa asawa ko." Nasabi nalang niya.

Marahan itong lumapit sa kanya saka siya hinawakan nito sa isang kamay.

"Nandito lang ako Elaine, bilang kaibigan nalang, hindi kita masisisi dahil kasalanan ko naman eh, basta kapag kailangan mo nang tulong tawagan mo lang ako"pahayag nito.

Nagulat siya nang yakapin nito.

Pinilit niyang wag umiyak sa mga sandaling iyon dahil may damdamin pa siya para kay Alfred. pero pag dating niya sa kanyang silid ay bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya maintindihan na parang may pang hihinayang sa puso niya.

Oo pinag sisisihan niya ang isang gabing nakilala ang ama nang kanyang mga anak. nag padalos dalos siya kung sana may pag asa pang maibalik sa kanya si Alfred. Pero ngayon Hindi na maibabalik pa ang lahat sa kanila. Kasalanan iyon ng lalaking mapag samantala dahil pinakialaman siya nito.

Lalo siyang napa iyak. Ang laki tuloy nang problema niya ngayon.
Maya maya ay may kumatok sa kanyang silid at tiyahin niya iyon.

"Naka alis na siya. Anong nangyari.?" Pag uusisa nito.

"Ayaw ko na sa kanya tita nakita mo naman ang kalagayan ko hindi ba? Buntis ako sa ibang lalaki...."

"Pero mahal mo pa.?" Tanong nito na pinutol ang kanyang sasabihin.

Malongkot siyang tumango.

"Ang maipapayo ko lang sayo Elaine piliin mo kong anong magpapasaya sayo. Kung sa tingin mo hindi kana magiging masaya  kay Alfred dahil nagkalamat na ang relasyon niyong dalawa sino ba naman ako para tutulan ka. Mag pahinga kana." Saad nito sa malumanay na boses bago siya hinaplos sa pisngi naawa  ito sa kalagayan niya batid niya yun.

Sixtuplet after one nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon