7

49 4 0
                                    

Chapter 7

Three months matapos manganak si Elaine ay nag plano na siyang bumalik sa trabaho kung hindi siya pinigilan nang tiyahin dahil sa hindi naman daw niyang kailangang gawin yun kundi alagaan nalang ang kayang mga anak lalo at maliliit pa ang mga ito at kailangan pa nang pag aaruga nang isang ina.

Kumuha  ito nang isang yaya nang anim niyang sanggol tutal nandiyan naman sila ni Cheling  at katuwang niya din ang mga pinsan kapag nasa bahay ito. Sa totoo lang hindi ganun kadali ang mag alaga nang anim na bata maging ang iluwal nito, halos buong araw siyang nag labor noon at dahil cesarean isang daang libong piso ang kanyang nagastos kulang pa ang naipong pera niya. Mabuti at nandiyan ang kanyang tiyahin na siyang gumastos sa kanyang panganganak mag pa hanggang ngayon ay sagot parin nito ang gatas nang anim niyang anak.
 

Sa kabila nang hirap na pinag daanan niya hindi lang sa pag aalaga ay pilit kinakaya. May mga gabi na hindi siya pinatutulog nang anim at hindi niya alam kung sino ang uunahin. Sa araw lang siya nakakapag pahinga dahil night shift si Debbie.

Habang karga ang kanyang anak sa gabi ay nakakatulog siya. Pero nagigising muli kapag umíyak ang isa pang anak. At kapag sabay sabay napipilitan siyang gisingin si Cheling at ang tiyahin. Halos tatlong buwang ayaw mag patulog nang kanyang anak.
Ang hirap hindin niya kayang ipaliwanag.

Hindi madaling mag buntis nang walang asawa lalo at kahit  kabuwanan  na nang tiyan niya ay kailangan niya padin mag trabaho para kumita nang pera at makapag ipon para sa panganganak ay kinakaya niya,

Ilang beses siyang umiyak tuwing gabi na pinag sisisihan ang pag kakamaling iyon sa buhay niya dahil lalong tuluyang nawala ang pag asang makabalikan  ang lalaking mahal niya, subalit nag laho lahat nang pag sisisi niya matapos makita ang mala anghel na hitsura nang kanyang anim na anak.

Kayang  pawiin nang anim  pagud ang kanyng pagud sa pag aalaga nang isang ngiti lang. Ganon katindi ang kapang yarihan nang kanyang mga anak.

Kahit na hindi niya alam kung  papaano bubuhayin ang mga ito Or kung kakayanin niya ba..?

"Hi..!!" Bati ni Alfred isang araw nang mapa daan sa bahay. Napaka rami nitong dala para sa mga anak niya.

Ayaw na sana niya ito makita dahil mas lalo siyang nahihirapan pero hindi niya mapag bawalan ang lalaki.

"Anong ginagawa mo dito Alfred..!?" Tanong niya sa lalaki at nilingon si Debbie na nasa sofa karga ang isa niyang anak na si Shea.

Sumilip muna ito sa loob at nginitian siya.

"Dadalawin ko lang sana yung mga bata." Sabi nito.

"Bakit ba kase ang kulet mo Alfred bakit ba nagpapakita kapa sakin?" Pag tataray niya. Naiinis niyang tiningnan ang lalaki.

Nawala naman ang ngiti nito sa labi.

"Eh kase ate ako talaga ang nag papunta sa kanya. Nagkita kami sa Megamall last mall show nila kasama niya si Cara. Kinuha niya yung number ko at kahapon tinawagan ako kung pwedi ka niya dalawin sabi ko oO." Paliwanag naman ni Debbie.

Inirapan niya rin ito.  Akala ba ng pinsan makikipag balikan pa siya kay Alfred.

Siguro nalaman na nang lalaki mula sa matatabil niyang pinsan na wala naman talagang ama ang kanyamg mga anak kundi nadisgrasya lang siya.

"Pumasok ka na ngalang nakakainis ka." Niluwangan niya ang pinto para maka pasok ito at tuwang tuwa naman ang lalaking agad tumuloy  hindi paman inaanyayahan ay umupo na sa sofa, ipinatong din sa ibabaw ng mesa ang mga  pinamili.

"Maiwan na muna namin kayo dito lang kami sa kwarto.?" Wika ni Debbie at karga si Shea na tinungo ang silid.  ang ibang anak ay nasa kwarto kasama sina Cheling at ang isa pang yaya ng sixtuplet.

Sa totoo lang napakalaking bagay sa kanyang natoto sa buhay sa pag dating ng mga anak. at kahit malaman man ni Alfred ang totoo  na wala siyang asawa ay okay sa kanya  24 na siya dapat lang na mas higit siyang matatag ngayon.

At kapag nakikita niya ang mga anak naaalala niya ang ama ng anim, ang isang gabing pinag saluhan nila, minsan nga nahuhuli niya ang sariling nakatitig sa anak habang iniisip ang lalaki. Matagal na niyang pinag aralang kalimutan si Alfred siguro kaya sumasagi sa isip niya ang lakaking yun. Masaya na siyang may mga anak. ang tanong sa kanyang isipan Kung kumusta na ang lakaking yun or minsan ba sumasagi siya sa isip ng mapagsamantalang yun.

"Uulitin ko Alfred bat kaba nandito.? Nag dala kapa para sa mg anak ko." Untag niya sa katahimikan nila.

"Diko din alam kung bakit pa ako nandito Elaine.. Siguro kase dina ako masaya kay Cara ”malongkot nitong saad sa mahinang boses..

"Ano..? Umayos ka Aldred ha ha..?wag mong sabihin sakin na gusto mong makipag balikan sakin.. masisira lamang ang image mo..” pananakot niya sa lalaki.

"Kung okay lang naman Elaine bakit hindi. Kaya kung tumayo bilang ama ng mga anak mo”seryosong saad nito.

Di siya naka imik na naguluhan habang nakatitig dito. kailangan nang ng kanyang anak pero hindi si Alfred. Mas priority niya ang palakihin ang mga baby niya. Minsan na siyang niluko niti at kung sakali man gusto niyang siguruhin ang lahat, baka nabibigla lamang ito sa pakikipag balikan sa kanya.

Kaya naman tinanggihan niya muna si Alfred mag papabebe muna siya nang kunti sa pakikipag balikan nito.

Dumating ang araw nang binyag at first birthday nang kanyang anim na anak  kaya maaga pay abala na silang lahat. Sa bahay lang gaganapin abg patry mismo sa kanilang bakuran..

Kumuha ang tita niya nang mag luluto at mag seserve para sa mga bisita mamaya.

Ang pinsan at mga ka trababaho nito ang nag ayos nang bakuran para sa munting celebraayon nang kanyang pinaka mamahal na anak na sina Shea, Chloe, Evah, Ely, Clark at Joe.

Ang ku cute nang one year old babies niya na pare -pareho ang soot. Pinasadya pa niya iyon para sa kaarawan nang anim na anak. Kumpleto ang lahat kanyang nga pinsan ang kaibigan kaya agad sinimulan ang party..

Sixtuplet after one nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon