Chapter 10
Kinabukasan pag gising ni Elaine agad siyang naligo habang tulog pa ang mga mga bata. Isinabay niya na ring kusutin sa banyo ang mga damit nang mga ito na isinuot kagabi sa birth party. Inabot din siya nang dalawang oras bago natapos. Hindi na muna niya inabalang mag bihis at naka tapis lamang nang tuwalya na lumabas nang banyo upang isampay sa labas ang nilabhan na damit. Tutal naman ay sila lamang ang nasa bahay.
bitbit ni Elaine ang timbang may lamang damit nang kanyang anim na anak. Bago marating ang sala ay napatda siya nang makita ang isang bulto nang lalaking naka tayo sa sala.
Komportableng naka tayo na ngayon ay matiim na naka tingin derikta sa mga mata niya.At ang lalaking yun ay walang iba kundi si Louie. ang ama nang kanyang mga anak talaga ngang tinutuo ang sinabi nitong babalikan siya sa araw na iton.
"Ikaw nanaman.!”Biglang nangalit ang anyo ni Elaine nang makita ang lalaki.
"Anong ginagawa mo dito..? Sugod niya sa lalaking walang kurap na nakatitig sa kanya.Hindi ito tumugon na nag landas ang titig sa mga mata niya pababa sa kanyang katawan partikular sa kanyang harapan.
"Sumagot ka anong ginagawa mo ditoooo..?kulang nalang lumabas ang litid niya sa leeg dahil sa gigil na sigaw.
Napa kurap ito na bumalik sa mga mata niya ang naturang titig.. saka komportable na namulsa sa kanyang harapan.
"Hindi ka parin nag babago Elaine, ikaw parin yung babaeng naangkin ko sa resort 2 years ago." Maganda, Sexy at nakaka inlove." Pag kuway ngumisi. Pero sa muli ay malisyoso ang mga matang humagud sa kanya.
Naningkit ang mga mata ni Elaine sa galit, saka niya lang naalalang naka balabal lang pala siya nang tuwalya sa katawan kaya pala ganon siya nito tingnan na tila huhubaran.
"At ikaw naman wala ka paring pag babago..bastos ka parin., manyakkkkk...!!sigaw niya bago ito undayan sana nang sampal pero nasalo ng kumag ang kamay niya. Sino ba kasi ang nagsabi sa lalaking pumasok sa loob nang bahay na walang pahintulot mula sa kanya. At hindi niya narin naman inisip na tututuhanin nito ang sinabi kagabi na babalik ura mismo.
Ngayon niya lang talaga nakilala ang lalaking ito Napaka bastos walang modo, arogante.
"Pwedi ba mag bihis ka na baka anong gawin ko sayo Elaine..” madiin nitong mando sa kanya habang pigil ang isa niyang kamay.
"Umalis kana Louie Pwedi.?"..mariing sabi niya rin. Saka pahablot na binawi ang kamay. akala pa naman niya makikipag ayos sa kanya ang lalaki. Mag so-sorry sa ginawa sa noon.
"Ayaw ko.! Nandito ako para sunduin kayo nang mga anak ko sa ayaw at sa gusto mo Elaine, kung hindi ka sasama sakin kukunin ko ang mga anak ko at sila ang isasama ko kapalit nang malaking halaga. Kahit magkano mag sabi kalang.
Malaking halaga..?bibilhin nito ang anak mga anak niya..?nang ganon lang, di manlang ba ito kinilabutan sa mga sinabi nito. Hindi ba nito alam ang sakripisyo niya.
Simula sa pag lilihi niya hanggang sa pag la-labor niya wala ito sa tabi niya na hindi alam kung gaano kahirap ang dinanas niya ng siyam na buwan tapos kung makapag salita itong bibilhin ang mga anak niya para bang aso lang na gusto nitong presyuhan.
Sa matinding galit at hinanakit ay napaiyak siya. Kung mawawala ang mga anak sa kanya para narin nitong kinitil ang buhay niya.
"Anong sabi mo...?bibilhin mong parang hayop ang mga anak ko..?wala kang alam sa hirap na pinag daanan ko lumayas ka..layasssssss...!!!!" malakas niyang sigaw na pakiramdam niya halos mawalan siya nang bait habang umiiyak.
Nag tagis ang bagang nito.
"Pwes sumama kayo sakin. Ako ang ama nila at may karapatan ako sa bata. Wag na wag mo ring isumbat sakin ang hirap na dinanas mo sa kanila dahil diko ginusto yun. Iniwan mo ako sa resorts nang walang paalam. Hindi mo alam kung paano ako nabaliw sa kakahanap sayo kailangan ko ang anak ko. Kung ayaw mong malayo sa kanila mag pakasal ka sakin dahil kung hindi mag haharap tayo sa husgado. at iisa lang ang mananalo satin..”galit ding sabi nito sa kanya.
Di na siya naka tiis sa matinding galit na pinag sasampal ito, pero katulad nang dati ay hindi siya makatama sa lalaki hanggang sa galit nitong inipit ang mga kamay niya sa likod niya. Na kahit anong pag pupumiglas niya ay hindi siya makawala sa pag kakahawak nito.
"Kailangan mong mag disisyon ngayon Elaine nag hihintay ako. At Wag ka nang mag matigas pa dahil may karapatan padin naman ako sa mga anak ko. "saad nito habang hirap na hirap siyang gustong makawala sa pag kakahawak nito. Damang dama niya ang init na nag mumula sa katawan ni Louie na nag papahina sa kanya.
Kalaunan ay kinalma niya ang sarili sa galit nang mapag alamang hindi niya kaya ang lakas ng lalaki or mas tamang hindi niya kaya ang ayos nilang dalawa. Nakadikit ito sa kanya habang pigil sa likod niya ang dalawang kamay at halos dangkal lamang ang pagitan nang mga mukha nilang dalawa, ang bango -bago nito at ang gwapo. Tama ang gwapo nang kumag bagay sa lalaki ang galit na awra..
Nag baba siya nang tingin dahil hindi na niya kaya pang labanan ang mga mata nito. May kiliti siyang nararamdaman sa kanyang sikmura.
"S-sige sasama kami sayo nang mga anak ko pero pwedi bitiwan mo muna ako ang sakit nang kamay ko.." pag mamakaawa niya sa lalaki sa mabait na boses. Ano bang laban niya sa hayop na lalaking to. Kung noon nga nagawa siyang madala sa kama ngayon pa kayang namimis niya ang bagay na ginawa nila two years ago.
Napamulagat siya sa laman nang kanyang isip at nag iwas na muli nang tingin kay Louie.
Unti unting lumuwang ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa tuluyan siyang bitawan. Nawala narin ang galit nitong expression sa mukha
"Ganyan, mag pakabait ka sakin, makiusap ka,”panunuya nito.
Hinilot hilot niya ang nangalay na kamay.
"Maupo ka muna mag bibihis lang ako..” mando niya sa bisita. Saka nag mamadaling tinungo ang kwarto. Iniutos nalang kay Cheling ang kanyang sampayin.
Habang nag bibihis saktong gising na si Clark at Joe na sabay pang umiyak Hinayaan niya lang muna ito habang nag bibihis nang biglang pumasok bumukas ang pinto at pumasok si Louie.
"Ano bang giangawa mo dito..? Pwedi ba lumabas ka.!”madali niyang itinàkip ang damit sa harapan at tumalikod habang isinusuot iyon.
"Ano bang problema Elaine eh nakita ko na lahat yan at nahawakan, kukunin ko lang ang anak natin at umiiyak,, ”
Agad nitong binuhat ang dalawang bata sa mag kabilaang braso. Nagtataka pang napa tingin sa lalaki ang dalawang bata dahil hindi pa nga naman nito kilala ang ama dahil yun ang unang pagkakataong magkita ang mag aamaPero himalang huminto ang pag iyak nang dalawang anak nang bigyan ito ni Louie nang tig iisang kiss. Kinakausap nito ang dalawang anak at ini Entruduce ang sarili.
Bago lumabas sa kanyang silid ay nilingon siya at binigyan nang isang ngiti. Makahalugan iyon na hindi niya mawari."Bwisit..naibulong ni Elaine nang tuluyan itong makalabas dala ang kanilang mga anak. Bakit ba laging kumakabog ang dibdib niya kapag kaharap ito, kalaunan ay naririnig niya na ang hagikhik nang dalawang anak sa labas. hindi manlang ito natakot sa ama na ngayon lamang nakita.
BINABASA MO ANG
Sixtuplet after one night
RomanceSa pag dadalamhati ni Elaine sa pang iiwan sa kanya nang kasintahang si Alfred ay naibigay niya ang sarili sa isang Louie Vergara sa di inaasahang pag kakataon. Pero katulad ni Alfred ay para itong isang gunita na nag iwan sa kanya nang isang mapai...