9

50 3 0
                                    

Çhapter 9

Masayang natapos ang birthday  party nang kanyang mga mga anak Elaine. Kaya heto makikitang nag liligpit na sila sa bakuran katuwang ang kanyang mga pinsan at mga kaibigan nito.

"Mag papa alam na ako Elaine. Wala nga pala akong gagawin bukas pwedi ko kayo ipasyal nang mga bata.”Ani Alfred

"Salamat Alfred pero busy ako bukas. sa ibang araw nalang kung okay lang.."tanggi niya sa binata pero ang totoo ayaw niya lang sumama.

Tinitigan siya saglit nito bago kinuha ang mga kamay niya.

"Salamat Elaine sana bigyan mo pa ulit ako nang isa pang pag kakataon. Pangako hindi na kita sasaktan pang Muli. Magiging mabuti akong ama ng mga Anak mo." Seryosong saad nito.

Napa iling siya at binawi ang kanyang kamay. Hindi lang isang sanggol mayroon siya kundi anim napakalaking responsibilidad nun kung iaatang niya kay Alfred ayaw niya nang ganun kung siya nga hindi niya lubos maisip kung paano palalakihin ang mga anak pero pag sisikapan niya.

Isa pa sa mas lalong ikinagugulo ng utak  niya ngayon ay ang pababalik nang  ama nang kanyang mga anak.

"Alfred kung pwedi hanggang ninong ka nalang nang mga anak ko ayaw ko nang maging....

"Mag hihintay parin ako Elaine..” putol nito sa sasabihin niya saka walang paalam na hinalikan siya sa pisnge saka tumalikod na.

Ni hindi siya nakapag salita. Naiwan siyang tinutukso nang mga Naroong nag lilinis sa bakuran. Ang gwapo nga naman kase nang lalaki. Mas kinikilíg pa ang mga ito kaysa sa kanya.

"Mag sitigil nga kayo. kaibigan ko lang si Alfred. Pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

"Bagay naman kayo ate aayaw kapa. ang gwapo kaya ni Alfred Ignacio, sikat pa..”Tudyo ni Ruby.

"Kaya  bumabalik kase nga First Love love never dies daw.”pati mga kaibigan nang kanyang pinsan ay sumali narin sa kalokohan pero hindi niya pinansin ang mga ito.

"Mali mas gwapo yung lalaking bisita ni Ate Elaine kanina nakita niyo yun.?"
Singit nang isa sa mga kaibigan ni Ruby. At Alam niyang Si Louie ang tinutukoy nito. Ang ama nang kanyang mga anak na kanina niya lang nalaman ang pangalan nang lalaki pero  pinag tabuyan niyang umalis. Alam niyang iisa lamang ang pakay nang lalaki. Ano pa kundi ang kanilang anak.

Napa tingjn pa siya sa napaka raming laruang binili nito para sa mga bata. Subalit hindi niya binigyan nang pag kakataon ang lalaki na makita ni isa man sa kanilang Sixtuplet.
Bakit Kung kilan hindi niya na ito kailangan saka nag paramdam. Ano siya sinuswerte.

Hinayaan niya lamang ang mga pinsan na gawing tampulan nang tukso. Matapos mag ligpit sumama pa siya sa labas para ihatid ang mga kaibigan nang kanyang pinsan. Tulog na noon ang mga anak dahil sa pagud kanina at malalim narin ang gabi.

"Bye Ruby.. Bye Debbie, Ate Elaine.. Ba-bye.!”kuro nang tatlong kaibigan ni Ruby habang pasakay nang Kotse.

" ingat kayo."Nakikaway din siya sa nga ito.

Nang tuluyang maka alis ang mga bisita napansin niya ang isang sasakyan na naiwan sa harapan nang bahay nila. Kotse iyon ni Louie ibig sabihin hindi pa umaalis ang lalaki.

At tama nga dahil kalaunan  ay nakita niya itong bumaba nang sasakyan at ngayon palapit na sa kanya. Muli nanaman niyang naramdaman ang inis.

"Hinintay ko lang maka alis ang bisita mo, lalo na yung boyfriend mo.?" Habang papalapit ay saad nito.

Nag palinga linga siya sa paligid wala na doon sina Ruby at Debbie sa labas na hindi niya namalayang naka pasok na  pala ang nga ito.

"Bakit nandito kapa.? Ano ba talaga ang kailangan mo.? Saka sinong boyfriend.?" Naka pa mewang niyang tanong.

Sa halip na sumagot ay hinila siya nito pasakay sa loob nang kotse..

"Teka..hoy.. Wait.. bitawan mo ako.."sigaw niya Pero hindi siya pinakinggan nang lalaki hanggang sa tuluyan siyang maipasok sa loob nang sasakyan. At siniguro din nang lalaking naka lock ang pinto para sakaliman gusto niyang lumabas ay hindi siya magtagumpay.

"At ngayon mag usap tayo. ”saad nito." Ako ba ang ama nang anim na sanggol.?" Naiinis na tanong ni Louie sa babae dahil pinag tabuyan lamang siya nito kanina at hindi binigyan nang pag kakataong makita ang mga bata pero ma tyaga siyang nag hintay sa labas.

Ang buong akala niya nag iisa lang ang kanyang anak  sa babae pero natuklasan niyang anim ang nabuo sa kanila nang gabing yun. Nang makita ang anim na bata kanina kahit tinatanaw niya lang iyon sa malayo malakas ang kutob niyang siya ang ama nang mga batang yun. Malakas yata ang dugo niya dahil hawig na hawig sa kanya ang lahat.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Louie hindi ikaw ang ama." Naiinis na irap ni Elaine.

"Hindi ako naniniwala sayo. At hanggat hindi ka nagsasabi nang totoo sakin   hindi kita palalabasin sa kotse ko at mag damag tayo dito." Pag kasabi ay Komportableng sumandal ang lalaki sa headboard nang sasakyan at ginawa pang unan ang dalawang kamay. Matopos tingnan ang kanyang reaction ay Tila inaantok na ipinikit ang dalawang mga mata.

Nakipag matigasan naman si Elaine na humalukipkip sa Gilid nang sasakyan.

"Kung hindi mo parin sasabihin na ako ang ama hahayaan mo akong ipa DNA test sila."
Di nag tagal ay nagsalita ito.

Napa upo nang tuwid si Elaine at deritsong napatitig sa binata. Hindi pwedi tyak malalaman nitong anak nang lalaki ang Sixtuplet pero pag di naman siya pumayag tiyak na mahuhuli siya sa sarili niyang bibig.

Marahang dumilat ang mga mata nito at marahan siyang nginitian nang mag tagpo ang titig nila.

"Kaya kung ako sayo aminin mo na Elaine. Marami akong kayang gawin mapatunayan ko lang na ako ang ama nila." Sabi pa.

Nag iwas siya nang tingin sa lalaki dahil bahagya siyang kinabahan nang ilapit nito ang mukha sa kanya.

"Hindi ako natatakot Louie. Gawin mo lahat nang gusto mo wala akong pakialam pero pwedi ba palabasin mo na ako sa kotse mo. Pagud ako at inaantok na gusto ko nang mag pahinga." Galit niyang usal.

Hindi siya mapakali sa kina uupuan nang makitang hinagud siya nito nang kakaibang tingin mula sa kanyang mukha pababa. Minsan na niyang nakita ang ganoong uri nang titig nito sa kanya. Kung hindi pa siya lalabas sa kotse nito baka bumigay nanaman.

Marahan siyang napasiksik sa gilid nang kotse habang  titig na titig ito sa kanyang mga labi. Napa lunok pa siya nang gumalaw ang palad nito. Namimilog ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki nang halos dangkal nalang ang pagitan sa kanilang dalawa ramdam na niya ang mainit nitong hininga sa mukha niya nang marinig na lumagatik ang lock nang pinto sa kotse nito.

Napapikit si Elaine sa pag aakalang hahalikan siya ng binata. talagang hindi siya magdadalawang isip na sampalin ito.

"Okay pwedi kana lumabas pero babalikan kita bukas Elaine." Ngumiti pa ang lalaki bago itinulak ang pinto.

Nag iinit naman ang buong pakiramdam ni Elaine na agad lumabas sa loob nang kotse.

Nakakainis talaga ang lalaking yun bakit ba kase bumalik pa ito.? Himutok niya habang papasok sa loob ng bahay.

Sixtuplet after one nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon