Chapter 17
Matapos nilang maiayos ang lahat ng kanilang gamit sa kanya kanya nilang mga kwarto ay nagtanghalian na muna sila, isang boodle fight ang inihanda para sa kanila ng nasabing resort. Matapos naman nito ay may plano silang subukan ang mga beach activities na inooffer ng resort.Nang nakaupo na ang lahat sa hapag pinangunahan na naman ni Xia ang panalangin. Matapos no'n ay nagsimula ng kumain ang lahat.
Magkakatabi sa upuan sina Andi, Xia at Jace, but still, hindi pa rin nito kinikibo ang isa. “Lord pa'no ba manuyo? Ayst, I really don't know how, bahala na.” Sabi nalang ni Jace sa isipan niya.
Patuloy lang sila sa pagkain, ngunit kung paminsan minsan ay pinaghihimay ni Jace ng seafood ang mag ina niya.
“Xi, we have gifts for you pala" saad ni Yna sa gitna ng pagkain nila.
“Is it a new baby po Tita Yna?" Masiglang sagot naman ng bata na nagpasamid kay Jann.
“Tubig oh" abot naman ni Angel na ngayon lang halos narinig ang boses.
“Uhm, no, not yet Xi. Maybe in the future" sagot naman ni Yna at napatingin sa kasintahan.
“Ah okay po" batid naman ang pagkadismaya sa sagot nito na napansin naman ng lahat.
“Pero kung gusto mo na ng new baby, ask your Mom and your Tita mommy" mapang asar na sambit nito na nagpatahimik naman sa dalawang hindi nagkikibuan.
“Sa'kin ayaw niyo?" Natatawang singit ni Yuki na nakaagaw sa atensyon nila “W-Well, I-I'm getting married, kaya hindi naman na kwestyon yun kung magka anak ako diba?" Dagdag pa nito.
"r-really Tita Yuki?” Biglang sigla ni Xia.
"Shut up Lee. Baby wag kang magpapaniwala d’yan okay? Nagbibiro lang yan si Tita Yuki mo.” Saad ni Jace.
"No kaya, I really am getting married and having a family” seryosong sambit nito.
"Well, our gifts Xi, dadalhin nalang namin sa kwarto niyo okay?” Putol naman ni Jann sa kanila.
"Mine also, baby Xi. Dadalhin ko nalang sa kwarto mo, okiee?” Wika rin ni Angel.
"Mauna na ako guys” dagdag pa nito bago lisanin ang hapag.
Matapos nilang kumain ay napagpasyahan muna nilang maglakad lakad sa dalampasigan. Habang si Xia naman ay hindi na napigilang hindi lumusob sa tubig. Nagtatampisaw ito kasama si Jace habang pinagmamasdan lang sila ng iba pa nilang kasama.
Napaupo sila ngayon sa buhangin para pagmasdan ang dalawa. Ngunit ‘di naman na nakatiis si Yna sa mga nangyayari sa kaibigan.
“Andeng, mamaya sa kwarto namin ni Jann, mag uusap tayong lahat. Okay?" Saad ni Yna
“Huh, bakit? Para sa’n?" Sagot naman nito na animo’y walang alam sa sinasabi ng isa.
“Huy, Peraya, akala mo ba manhid kami? Sige ideny mo pa" sambit naman ni Jann.
“Uy, sorry ah" singit na sabat naman ni Yuki “baka na-misinterpret mo yung closeness namin ni Fei. G-Ganun lang talaga kami, since once in a blue moon lang kami nagkikita AHAHAHAHA" dagdag pa nito na tila nahihiya.
“Yan kasi, ‘kala mo wanted na nagtatago at hindi namin mahagilap” sabat pa ni Yna.
"Sorry na nga, may mga personal reasons lang din ako na ‘di pa ko handang sabihin kahit sa inyo na best friends ko, sorry na” wika niya at niyakap naman ang isa
"Kamay!” Walang emosyong sambit ni Jann
"S-Sorry, eto na nga oh aalisin na.” Napatawa na lang ito.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOT AWAY (TOTGA)
FanfictionA roller coaster love life of an actress and an engineer that will test their love to each other. Is their love enough for them to stay together until the end?