Chapter 23
Jace's POVMatapos dumalaw ni Vicencio sa opisina kanina ay minabuti na naming umuwi ng condo para doon na mas makapagpahinga. Baka mahawaan ko rin kasi si baby Xia since magkatabi kami sa iisang kama, at ayoko namang mangyari yun, kaya umuwi na kami.
Si Bubba ang nagdrive pauwi, at kami naman ni baby Xia ay nandito sa back seat. Nakayakap ito sa'kin at natutulog. Hindi ko naman magawang ipikit ang mga mata ko para kilatisin kung anong nangyayari kay Bubba.
Sinula ng pagdating niya ng opisina parang wala siya sa mood. May problema kaya sa set?
‘Di ko rin naman nagawang tanungin ito, kasi nakakatakot ang dating niya kanina at magpasa hanggang ngayon.
Parang anytime kaya niyang mangain ng tao, gano’n ang nav-vibe ko ngayon.
Pagdating namin, idinretso ko si baby sa kwarto nito habang nauna naman na siyang umakyat sa kwarto namin. Siguro magpapahinga na rin kasi baka napagod kakaalaga sakin.
Agad na rin naman akong sumunod dito, at napaawang ang labi ko nang makita naka nighties na ito na sobrang nipis at sobrang ikli.
Mas lalo tuloy nag init ang pakiramdam ko, para akong tinu-torture, juice colored. Bakit ang ganda pa rin ng mahal ko kahit parang galit ito?
Ang ganda kahit walang emosyong makikita sa mukha nito.
“Tapos ka nang usisain ang pagkatao ko?” Agaw nito sa atensyon ko sa malamig na boses.
Napaubo naman ako dahil natuyo ang lalamunan ko sa nasasaksihan ko.
"B-Bubba” nauutal na sabi ko
"Sleep, Joyce Valeria” saad nito na may diin sa pangalan ko at agad na ring humiga sa kama.
“A-Are we okay, Bubba?” Tanong ko nang makatabi dito "You act so different kanina pa, m-may nangyari ba?” Dagdag ko pa.
"I told you to sleep and get some rest” malamig na tugon pa rin nito bago tumagilid ng higa kaya niyakap ko nalang ito mula sa likuran.
Dahil sa natural na bango ni Bubba, hindi ko maiwasang langhapin ang leeg nito.
"Bakit ang ganda mo pa rin kahit sinusungitan mo ‘ko? Ginayuma mo ‘ko ‘no?" Seryosong sambit ko dito habang patuloy pa rin sa pagsiksik sa leeg nito na kung minsan ay nilalapatan ko ng mumunting halik.
“Stop or else" tila natingilang usal niya at humarap sa'kin, napansin ko naman ang pagtitig nito sa ibabang labi ko.
“Or else?" Panunudyo ko pa habang kinakagat ang ibabang labi ko.
“Tsk, Jace! I hate you!” Inis na wika pa nito bago tumalikod ulit sakin.
"But I love you, misis ko” nakangiting pangungulit ko dito na hindi pa rin tumitigil sa paghalik sa likod nito.
"Ihhh, alam mo talaga ang kahinaan ko pagdating sayo eh, nakakainis” ngayon, ramdam ko na sa tono nito ang inis.
“Is there something wrong Bubba? Tell me bakit nagkakaganyan ka” Seryosong turan ko habang abala ang kamay ko sa paghaplos sa tagiliran nito.
“Don't try to deny it, I can feel it Bub. So tell me" tuloy ko pa.
“I don't know, halo halo na ang emosyon ko at kung ano ano ng naiisip ko"
“Are you overthinking again? You know I'm always willing to listen Bub"
Nang tila hindi ito makasagot ay pinaharap ko na ito sa'kin.
YOU ARE READING
THE ONE THAT GOT AWAY (TOTGA)
FanficA roller coaster love life of an actress and an engineer that will test their love to each other. Is their love enough for them to stay together until the end?