Chapter 6

8 1 0
                                    

Chapter 6

Nang makarating sa kanilang condo, inihiga niya ang dalaga sa kama bago ito nilinisan at pinalitan ng pantulog na damit. 

"Ano bang ginagawa mo at nagpakalasing ka ng ganyan?" 

"Hindi mo naman pala kaya eh bakit ka uminom ng pagkarami-rami?" 

"Ayst, ewan ko. Nakakainis!"

"Shhh, naririnig kita" saad nito habang batid pa sa kilos ang pagkalasing.

"Hayst, sobrang lasing ka, kaya magpahinga ka nalang muna" sambit naman nito bago tumayo mula sa pagkakaupo nito sa tabi ng dalaga.

"B-Bubba" pigil niya naman dito habang hawak ang kamay nito. 

"D-Dito ka lang, Bubba" nakatalikod pa rin ito sa kanya.

"Huy, Bubba. A-are you j-jealous?" tila mapang asar na tono nito.

"Wag ngayon, baka makapagsalita ako ng mga masasakit na salita" 

Dahil dito napaayos ng upo ang dalaga.

"Nagseselos ka nga, HAHAHA." dahil sa sinabi nito, nagpumiglas si Jace na bawiin ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito sa kanya at hinarap ito.

"Really Bubba?" tumaas na ang boses niya at ngayon batid mo na dito ang galit.

"B-Bubba?" nagtataka na rin ang dalaga sa naging aksyon ni Jace.

"P-Pinagtatawanan mo lang yung nararamdaman ko? H-hindi ko na nga alam yung mararamdaman ko eh. I saw you smiling at him while he's touching your back, your waist, y-your face. Langya, sabi ko mag blazer ka kasi masyadong revealing yung dress mo, bakit ko nga ba kasi pinili yon. Selos?" sandali naman itong napahinto habang ang dalaga ay tahimik lang na nakikinig sa kanya, ngunit batid na sa mukha niya ang pagkadismaya sa nagawa. "selos, okay sana kung selos lang eh. F*ck, kayang kaya kong ibaba yung pride ko para lang mawala yung selos na yan. Pero t*ng*na! Hindi ganun lang eh. Nanliliit ako sa, sa sarili ko kasi hindi kita naprotektahan laban dun sa lalaking ‘yon, pero mas nakapangliliit kasi nakita ko mismo yung ngiti mo habang kasama mo yung g*gong ‘yon. Hindi lang yun, nangliliit ako kasi s-sino nga ba ako, a-ano nga ba ako sayo? K-kanina tinanong ako nung lalaking ‘yon kung sino daw ba ako, tinanong rin ako ni Tita kung kaya daw ba kitang panindigan, pero I end up answering those questions nothing but a sigh. Kung tutuusin kayang kaya ko namang sabihin sa kanila na ako yung taong nagmamahal sayo at handa kitang panindigan, pero mukhang matatawa lang yung lalaking ‘yon kapag ‘yon ang isinagot ko, ‘di ba? Kasi ang lakas ng loob kong harangin siya sa pag uwi niya sayo, eh sino nga ba ako sayo? Ano nga ba ako sayo? Hindi ko kasi alam eh. Hindi ko alam kaya hindi ako makasagot sa mga katanungang gustong gusto kong isigaw yung sagot." naluluhang pagpapahayag niya.

"B-Bubba" 

"Gustuhin ko mang sagutin yun, hindi ko talaga alam. Kasi ayoko namang pangunahan ka sa mga desisyon mo. Ikaw ang siyang magpapasiya kung sino at ano ako sa buhay mo. At wala akong magagawa kung ano man ang maging kasagutan mo." dagdag pa nito.

"D-Dahil ba hindi klaro kung ano tayo kaya hindi mo ‘ko kayang panindigan?" naluluhang tanong naman nito.

"Yan ba ang nararamdaman mo? Nararamdaman mo bang hindi kita pinapanindigan?" seryosong tanong ni Jace ngunit iling lang ang naging kasagutan dito ng dalaga.

Saglit namang nangibabaw ang katahimikan bago muling magsalita si Andi.

"L-Label. D-Do you want l-label?" 

Tahimik lang naman si Jace.

"H-Hindi pa ba sapat kung anong meron satin? M-Masaya naman tayo ah. Malinaw naman sa’ting dalawa kung ano tayo. Pero bakit kinukwestyon mo yun, bakit?" naguguluhan pa rin ang tono ni Andi sa kanyang pagsasalita.

THE ONE THAT GOT AWAY (TOTGA)Where stories live. Discover now