/7/ Unexpected Arrival

674 59 17
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jael's POV

"GUSTO ko pong maging doktor."

Sabi nila kung mangangarap ka rin naman ay bakit hindi mo pa taasan. Kaya noong sabihin ko 'yon sa mga magulang ko ay hindi na nakapagtataka ang naging reaksyon nila.

Naalala ko pa kung paanong nag-aalangang ngumiti si Mama noon, marahil ay kaagad na pumasok sa kanyang isip na lalo siyang magkanda-kuba-kuba na nga siya sa pagtanggap ng labahin.

At naalala ko pa rin kung ano ang sinabi noon sa akin ng magaling kong ama.

"Hoy, Isha, huwag ka ngang ambisyosa," sabi niya habang hinihimas pa ang manok. "Anak ka lang ng labandera at sabungero."

Pero hindi ako natinag ng mga salitang 'yon. Mas lalo pa nga akong ginanahang mag-aral nang mabuti para makakuha ng scholarships, salamat sa utak ko.

"Sige, anak, mag-doktor ka, gagawan ko 'yan ng paraan." Pagka-graduate ko ng Nursing ay 'yon ang sinabi sa'kin ni Mama na hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas dahil matagal na kaming iniwanan noon ng tatay ko.

Kasabay nang pagsusunog ng kilay sa med school, nag part time job ako sa pagtu-tutor, nagtinda ng kung ano-ano sa campus, at hindi ko sukat akalaing mapagtatapos ako ng isang labandera.

Masakit pa rin kapag naalala kong hindi man lang niya nalasap ang katas ng paghihirap namin noon.

"Czarry, damayan mo naman ako," sabi ko pagkasagot niya ng tawag ko. "Nasa bar ako, nasaan ka?"

"Sorry, Ja, hindi kita masasamahan, may emergency kasi sa ospital," sagot niya at bakas sa boses ang pagmamadali. Bad timing.

"It's okay. Ingat ka," sabi ko sabay baba ng tawag.

Hindi ko ugaling magmukmok nang mag-isa sa bar. Pero higit sa kape ang hinanap ng lalamunan ko nang mga sandaling 'yon.

Nang dahil lang lahat sa batang 'yon. Nabasa ko noon ang buo niyang pangalan, Maverine Elisha Fariñas, at hindi ko napigilang mainis. Talagang sinunod din sa pangalan ko.

"What can I get for you tonight?" tanong ng bartender.

"Whiskey, neat," I replied. He just nodded and turned to prepare my drink.

As I waited, I leaned against the counter, letting my eyes scan the room. To my surprise, the bar was filled with familiar faces of doctors I met at various seminars and conferences over the years. From what I heard, this place was a well-known spot for doctors, lawyers, and executives—all came here to unwind.

Kung kasama ko si Czarry ngayon ay malamang ay binuyo na niya ako sa kung sinong lalaki rito.

"Here you go," the bartender placed the glass in front of me, the rich amber whiskey glowing under the dim lights.

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon