Hezekiah's POV
"YOU are no longer part of the Exorcism Ministry, Hezekiah," umalingawngaw sa isip ko ang boses ni Bishop Alvaro matapos kong kuhanin sa lumang aparador ang itim na briefcase ko at nilapag sa ibabaw ng aking kama.
Pero hindi ako natinag nang mga salitang 'yon dahil mas nangibabaw sa'king isip ang pagtawag ni Jael. Isa lang ang nasa isip ko noong mga oras na 'yon, it was an answer to my prayer—a calling that I must answer immediately.
Matapos ang dalawang taon ay muli kong nabuksan ang briefcase at tumambad sa'king paningin ang mga bagay na minsan kong naging sandata noon laban sa kadiliman.
I reached for the crucifix. It was simple, made of wood, with a small figure of Christ carved into it. Dinikit ko 'yon sa'king dibdib sabay pikit at umusal ng maikling panalangin.
Guide me tonight, Lord.
Pagkatapos ay maingat akong lumabas ng aking silid at siniguro kong walang makakapansin sa aking pag-alis. Minabuti kong gumamit ng cab app upang marating ang address na binigay ni Jael.
After twenty minutes I arrived in a quiet neighborhood. The unease that had been gnawing at me all evening only intensified. The street was eerily empty, and the dim lights were flickering. I approached the gate, and pressed the doorbell, listening as it echoed faintly inside.
A few moments passed, and I heard a soft click of the gate unlocking. I pushed the gate and walked up the path to the front door. It was ajar, slightly creaking as the night breeze nudged a bit back and forth.
My heart pounded in my chest as I carefully stepped inside, calling out, "Doktora Fariñas?"
Walang sumagot at nakutuban kaagad ako ng hindi maganda. I called her again.
The house was dimly lit, shadows creeping along the walls. Finally, I realized something was wrong. I scanned the room, my gaze settling on a figure lying on the floor near the couch.
"Jael!" bulalas ko nang mapagtanto kong wala siyang malay. I rushed, dropping to my knees beside her. My fingers found her pulse—steady, but she wasn't responding. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Marahan ko siyang niyugyog at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang maamong mukha na malayo sa kanyang malakas na personalidad.
Biglang sumara ang pinto at napatingin ako roon. Nakita ko si Maviel na sinara 'yon at dahan-dahang pumihit paharap sa'kin.
"Good evening, Father Hezekiah," nakangiting bati niya pero walang buhay ang mga mata.
"Anong ginawa mo sa ate mo?" mariin kong tanong pero ngumisi lang siya.
"Mabuti ka pa at kinikilala mo akong kapatid niya," sagot niya, ni hindi man lang nabahala. "Huwag kang mag-alala, nawalan lang siya ng malay."
BINABASA MO ANG
A Numinous Affair (Salvation Series #1)
General FictionIsang pari at doktor ang makikipaglaban sa pwersa ng kadiliman kundi pati na rin sa kanilang lumalagong atraksyon sa isa't isa. Will they be able to resist the temptation and complete their mission or will love be their ultimate downfall? A Numinous...