Chapter 1
Denisse’ POV
June 13, 2011. Pasukan na! Hay salamat! Pero, kinakabahan talaga ako eh. Pano ba maging high school? Haaay.
“Denisse, bakit ba nakatulala ka pa dyan? Andyan na ang service mo. Aalis na kayo. Baka malate pa kayo nyan.”
Si mommy talaga, kinakabahan pa ko eh.
Hi! Ako nga pala si Denisse Gatchalian
Mabait naman ako sa taong mabait sakin, may pagka masungit lang minsan, palaban, makulit, mahiyain ako eh.
Sa school,
Inhale, exhale. Go Denisse. Kaya mo yan. Sa 3rd floor ang classroom ko. Sana may kumausap sakin..
Pag pasok ko ng classroom, mga pamilyar na mukha ang nakita ko. Classmate ko nung elementary. Yung iba naman mga transferee. Kinakabahan ako. Lumipat na kasi ng school yung mga kaibigan ko kaya wala na akong ka-close. May kaibigan man akong natira dito kaso ayoko ng sumama sa kanila, ramdam ko kasi na ayaw nila sakin. Pano ba ‘to? Bahala na.
Naupo na ako sa isang bakanteng upuan malapit sa likod. Ilang minuto lang dumating si Pamela at umupo sa kanang upuan sa tabi ko. Unti-unti ng nagdadatingan mga classmate ko. Dumating na din si Aira at si Seah. Si Aira na ang umupo sa kaliwang upuan sa tabi ko. Ang awkward. La akong kaclose.
“Uy Denisse. Tahimik mo.” Sabi ni Aira.
“Ah, la un. Naninibago lang ako.”
Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang adviser namin, si Ms. Navarro.
Pag ka kita namin sakanya, umayos ang klase. Dahil wala pang seating arrangement, naupo kami sa tabi ng mga kausap namin.
“Class, I'm Ms. Navarro? I'm going to be your adviser for the entire year. Sana magka sundo tayo. Enjoy lang dapat. So let's start. Gusto ko sana kayo makilala. Isa isa sa harap. So, simulan na natin sa harap”
