Chapter 4
Chloe’s POV
Days passed..
Naalala ko nung second day ko, may mga nagging friends kagad ako. Sila si Marco, Angel, Jay at Chard.
Naging close ko si Marco kasi ang kulit nya. Actually, silang lahat. Ang sarap kasi nila kasama eh. Tatawa ka lang ng tatawa.
Si Angel naman... sya kasi yung nagdadala sakin sa library para magpatie ng necktie ko, di kasi ako marunong eh. Haha!
Si Jay at Chard naman, cool. Nakakatawa lang..
Pero bakit ganun? Habang tumatagal yung panahon na nakakasama ko sila, lalo na si Marco, nagugustuhan ko na ata sya.
Tama nga sila, kapag madalas ka napapatawa ng isang tao, dun ka mahuhulog sakanya.
Isa ‘to sa mga unang UNEXPECTED na nangyari sa high school life ko..
After nun, halos araw araw na din kaming magkachat ni Marco.
Natatawa kasi ako kahit sa mga simpleng jokes nya.
Ang babaw pero, kakaiba sa pakiramdam eh.
Oo, crush ko sya.
Halos madalas nga napagkakamalan kami ng mga classmates naming na kami na.
Lagi kasi kaming magkasama.
Pag break time, pag ayaw bumaba ni Angel para magpunta ng canteen, si Marco ang sumasama sakin.
Pati na rin sa uwian kasi maagang umuuwi si Angel.
Naalala ko pa nga, bago pa kami maging close nyang si Marco eh tinanong nya ko..
“Gusto mo ba si Domo?” tanong nya sakin.
“Oo naman kasi ang cute cute ni Domo.” Sagot ko.
Tapos kinabukasan, binigyan nya ko ng Domo keychain. Yun lang pero nakakatuwa sya.
Lumipas ang halos isa o dalawang linggo, ganun pa din kami..
Close at syempre, ako, tinataging gusto ko sya.
Pero dumating yung araw na parang nagbago. Pero di ko alam kung bakit.
Siguro kasi lumilipas din ang pakiramdam na ganito.. ang pagkakaroon ng crush sa isang tao..
Dumaan ulit ang maraming araw, nagbago kami ng seating arrangement, ang nakatabi ko si Jay..
Naging close din kami ni Jay dahil sa lihim nyang pagtingin kay Aly.
Astig nga eh, kinder palang daw sila gusto na nya si Aly..
May ganun pa palang lalaki na sobra sobrang magmahal kahit walang pag-asa..
Minsan naman, etong si Jay eh nagaaya sa may bookstore.. meters away mula sa school naming.
Marami rin kaming napaguusapan. Hanggang nakwento ko sakanaya si OSA, ang bagong crush ko.
Tinago ko sya sa pangalang OSA, walang nakakaalam nun kundi si Jay, Chard, at Angel. Sila palang kasi ang mga napagkakatiwalaan ko at mga kaclose ko.
Halos lahat ng classmate ko nagtatanong kung sino yun. Naiissue lahat. Natatawa nalang ako, at the same time, kinikilig..
Naging close din kami ni OSA, sa text oo. Pero sa personal? Hindi. Second year sya, nakasalamin pero hindi nerdy, maputi, cute sya. Gwapo nga eh.
Halos araw-araw kong pinopost ang picture nya at mga stories ko sakanya sa blog ko. Pero wala naming nakakaalam ng blog ko sa mga classmates ko.
