Chapter Six
Denisse’ POV
Ang saya saya ko!!!!!!! HAHA! Alam pa din naman nila na gusto ko si Nash.. ang ‘di nila alam eh kami na. haha!
Kaso nga lang, hindi kami nakakapagusap sa personal..
Dapat nga nung isang araw ililibre nya ko eh..
--Flashback--
Excited na ko mamaya..
Hindi sa libre, kundi dahil kahit papano makakasama ko sya.
Uwian na nun, at eto ako pababa na.. nakita ko si Nash naghihintay na dun sa may bench kasama yung kaibigan nya..
Eh nakita ko dumaan na yung service ko. Badtrip naman oh! Dati kasi lagi kaming late sinusundo, eh bakit ngayon maaga? Ngayon pa kung kelan makakasama ko sya.
Badtrip talaga!!!
Nilapitan ko sya kasama yung mga kaibigan ko..
“Ui, Nash.. bukas nalang ah. Nandyan na kasi yung service ko.” Sabi ko sakanya.
“Ah, osige.” Sagot nya.
Kainis naman kasi eh!
Eto naming si Marco, ininis pa ko. ‘yieeee’ daw.
Alam nga kasi nila diba na gusto ko si Nash.
KINABUKASAN
Wrong timing talaga!!
Maaga nanaman ako sinundo! Kainis!! >:(
Sinusundo kami ng maaga pero eto, pinaghihintay lang kami sa mga kaservice ko. Ay nako!! Lagot ako!
Lagot kasi hindi ako nakapagsabi kay Nash!
Pagkauwi ko, tinext ko agad sya..
“Ui, Nash.. maaga nanaman kasi kami sinundo eh. Sorry.”
Pero walang reply..
“Nash. Sorry talaga. Bukas promise.”
Sunod-sunod yung text ko..
*toot toot*
1 message received
From: Nash
Hindi na. wag na.
Nagreply naman ako agad. Galit sya..
To: Nash
Eh? Bakit? :(
*toot toot*
1 message received
From: Nash
Di ako pwede.Pinagalitan ako. Late na kasi ko umuwi. Hinintay kita dun.
Hinintay nya ko? Hala! Kaya pala 6 pm na nya ko naitext.
To: Nash
Hala. Sorry. Sorry talaga. Iloveyou.
Buti naman naayos din namin..
--End of flashback--
Meron nga isang beses.. nagalit sya sakin..
Nagbibiruan kami nun, kaso naoffend yata sya
*toot toot*
1 message received