Chapter 1 Girl on Black lipstick

27 2 3
                                    

Nabalot ng tension ang loob ng conference room nang dumating si Dave. Wala pa kasi ang fashion designer na magpe-present ng proposal para sa bagong project nila.

"Naku, lagot! Nandito na si Boss Wala pa sila Sir Bench," bulong ni Mika kay Maggie. Kapwa sila parte NG grupo ni Bench at parehas din silang fashion designer.

"Tawagan mo kaya?" bulong ni Maggie.

"Kanino ko pa tinatawagan, Hindi naman sumasagot," mahinang sagot ni Mika.

" Malalagot tayo nito," napakagat pa sa labi na bulong ni Maggie.

Sa umpisa ay kalmaldo pa si Dave habang nakikipag-usap sa kanila pero tila naubos ang pasensiya nito nang umabot ng isang oras at hindi pa sila nagsisimula sa presentation.

"Mika, ano na? Nasaan na si Miss Alcantara? Na-inform niyo ba Siya?"

"Y-Yes, Boss! Nasabihan po Siya ni Sir Bench."

"Bench? Nasaan na nga pala si Bench? Don't tell me wala pa rin Siya?"

"W-Wala pa rin po, Boss, eh."

"Tawagan mo nga!" utos ni Dave.

"Kanina ko pa po tinawatawagan pero hindi po sinasagot Ang tawag ko."

Sa gitna nang pag-uusap nila ni Mika namataan ni Dave ang pagdating ng isang babae na sa tingin niya ay siyang hinintay nila. Agad siyang napasulyap sa suot niyang relo at pigil ang Galit na hinarap niya ang dalaga.

Nakayuko at dahan-dahang pumapasok noon sa loob ng conference room si Ella nang magsalita si Dave.

"Miss Alcantara, aware ka ba kung ano'ng oras ang start ng presentation mo?" Biglang napatigil si Ella at napatayo ng tuwid.
"You're one hour late! Is that your normal working habit?"
Napalunok si Ella na noo'y hindi agad nagawang sumagot.

Napatingin ang lahat sa kanya nang may pagtatanong sa mga mata. Malayong malayo kasi ang hitsura niya sa hitsurang nai-imagine ng mga ito. Nakasuot siya noon ng itim na short na umangat lang ng bahagya sa tuhod, puting crop top na pinatungan ng itim na blazer na umabot hanggang binti na tinernuhan naman ng itim na boots. Pero ang mas lalong nakaagaw ng atensiyon ng lahat ay ang itim na lipstick at ang makapal na make up ng dalaga na halos humulas na sa sobrang pawis.

"Coming here late," ani Dave atsaka Siya pinasadahan NG tingin "And obviously unprepared. Ni hindi mo man lang nagawang ayusin ang sarili mo bago ka humarap sa amin."

"I'm sorry!" tanging nasambit ni Ella nang itungo ang ulo sa sahig.

Napailing si Dave. "Ayan lang ba'ng masasabi mo? Sorry?"

"The thing is --" Hindi pa halos nakakapagsalita si Ella nang sumabat si Dave.

"Wala kang work ethics! Iyon lang 'yun!" ani Dave.


Napatango-tango si Ellah. "Siguro nga po ganun," nangingilid ang luhang sagot niya.

"Hindi ko alam kung ano'ng witch craft ang ginamit mo para ma-convince si Papa." Napangiti ang ilan at ang ilan at natawa pa, Mukha kasing teenage witch ang datingan ni Ellah.
"Pero kahit ano pa mang mahika ang mayro'n ka, hindi 'yun uubra sa'kin,"
mariing sabi nito.

Muling napayuko si Ellah habang naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"I guess that will be all for today," ani Dave sabay tupi NG hawak niyang folder. Agad siyang tumayo at naglakad palabas ng silid pero agad siyang hinabol ni Ella.

"Sir."

"Don't follow me; I'm not interested in your work anymore!" anang binata.

Maluha-luha si Ellah nang talikuran Siya ni Dave. Para siyang binuhusan NG malamig na tubig noon. First time niya kasing maranasan ang mapahiya ng ganun.


Something About HerWhere stories live. Discover now