"Balita ko napasugod ka raw sa ospital kanina? Ano? Kumusta 'yung pasyente mo?" ani Albert nang bumungad sa opisina ni Dave.
"Ayun, hindi maigalaw ang braso. Nagka-injury din pala siya sa aksidente nung isang araw, hindi niya lang agad ininda."
"Hindi naman siya nabalian?"
"Hindi ko pa alam. Bukas pa 'yung schedule ng x-ray at CT scan niya."
"Mukhang inalam mo talaga, ah?" nangingiting kantyaw ni Albert.
"Pare, wala nang pamilya 'yung tao. Kawawa naman kung pababayaan ko. Isa pa, ibinilin siya sa akin ni Papa, malalagot ako kapag napabayaan ko siya."
"Ewan ko lang, Pare, ha? Pero iba kasi 'yung nakikita ko sa'yo. Feeling ko totoo 'yung pagka-concern mo sa kanya."
"Siguro kasi naaawa ako sa kanya."
"Awa nga lang ba?" makahulugang tanong ni Albert.
Biglang natigilan si Dave at napatitig kay Albert. "Hindi ko alam, Pare kung nagi-guilty lang ako o ano, may part sa akin na parang gusto ko siyang alagaan."
"Alagaan o mahalin?" muling hirit ni Albert.
Napangiti si Dave sabay napailing. "Baka naawa lang ako sa kanya."
"Sige lang, panindigan mo lang 'yang statement mo na 'yan," nangingiting sabi ni Albert bago siya iniwan.
Napaisip naman si Dave at napatingin sa kawalan.
"Boss, si Sir Bench po?" bungad ni Mika sa pintuan kaya agad ring naputol ang pag-iisip niya.
"Ah, wala si Sir mo. Pinagbantay ko kay Miss Alcantara sa ospital. Bakit, may kailangan ka ba sa kanya?"
"Magpapa-approve lang po sana ako ng design."
"Iwan mo na lang diyan sa table niya."
"Sige po."
Nang hapon ding 'yon bumalik sa ospital si Dave bitbit ang pinamiling pagkain.
"May dala akong pansit, meryenda tayo," agad na sabi niya nang bunungad sa pintuan.
"Marami naman 'to, kumain ka muna Bench bago ka bumalik sa opisina," anang binata habang inilalatag sa maliit na mesa ang dala.
Napakunot ang noo ni Bench. "Seryoso? Babalik pa ako sa opisina?"
"May iniwan si Mika sa table mo, importante atang mapirmahan mo,"
"Hay, naku! Kailan ka ba kasi kukuha ng sekretarya mo? Natatambakan na ako ng trabaho kakatambay ko sa office mo. Kunwari ginawa mo akong team leader, mas madalas din naman ang tawag mo kaysa pag-upo ko sa office ko. Kung sana man lang dino-doble mo ang sahod ko."
Nangingiting humarap si Dave sa kanila. "Nakakahiya kay Miss Alacantara, kung maka-rant ka riyan baka akala niya abusado akong boss."
"Bakit hindi ba?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Bench.
"Hindi. Kaibigan siguro, oo," nakangiting sabi ni Dave na noo'y muling bumaling sa ginagawa.
"Oo, abusado ka! Porket 'di kita matiis."
Nangingiti lang noon si Ella habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Oh, kumain ka na lang, gutom lang 'yan," ani Dave sabay abot kay Bench ng plato ng pansit. Pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama at umakmang susubuan si Ella nang tumanggi ito at abutin ang hawak niya. "Kaya ko na po," anang dalaga.
Saglit siyang natigilan at napatingin kay Ella, "Hindi na masakit ang braso mo?"
"Bahagya na lang po."
YOU ARE READING
Something About Her
Mystery / ThrillerMakapal na make up, itim na kasuotan at itim na lipstick, 'yan ang tatak ng isang Ella Alcantara na na bumuo ng sarili niyang mundo simula ng mawalan ng pamilya. Sa hitsura niyang 'yon, nakuha niya ang atensiyon ni Dave Ricaforte, ang nag-iisang an...