Chapter 4 Naku Mukhang Olats si Boss Dave

5 1 0
                                    

"Hindi yata ako na-inform na may pa-libreng lunch na sa kompanya," ani Albert nang bumungad sa pintuan.

Napatanaw sa gawi niya si Dave na noo'y abala sa computer. "Kumain na ba sila?" kunwa'y tanong nito.
"Sila o Siya?" diin ni Albert.
Napangiti si Dave.  "Tigilan mo na nga 'yang panunukso mo sa akin. Wala akong gusto kay Miss Alcantara. Bumabawi lang ako sa kasalanan ko sa kanya."
Dinig na dinig  ni Ella ang sinabing iyon ni Dave dahil nang mga sandaling iyon ay papunta sana ito sa opisina ng binata para ikunsulta ang ilang detalye sa project nila pero Hindi na ito tumuloy nang marinig ang usapan ng dalawa,  mabuti na lamang at nakatalikod noon si Albert kaya hindi siya nito napansin.
"Pare, ano ka ba? Kailangan mo pa bang i-deny sa akin 'yun? Wala namang masama kung magkagusto ka sa kanya," ani Albert na noo'y naupopa  sa silya sa harapan NG mesa ni Dave.
"Bakit ba atat na atat ka namang magka-girlfriend ako, ha?"
"Para mabawasan 'yang topak mo," natatawang sagot ni Albert.
Napangiti si Dave sabay bato ng nilamukot na papel kay albert. "Huwag mong sabihing pumunta ka rito para lang bwisitin ako?"
"Actually, magpapaalam sana ako, birthday ni Mama ngayon, naglalambing sa akin."
"Oh, ba't 'di ka nag-file ng leave?"
"Dinner naman 'yun, eh. Kaya uuwi na lang ako nang maaga."
"Sige na pala, umuwi ka na. Nakakahiya kay Tita."
"Sure ka?"
" Oo, sige na. Paparating na rin naman si Bench. "
" Thank you, Pards. Babawi na lang ako sa'yo," ani Albert na noo'y dali-dali nang umalis.

Papunta na si Dave noon sa canteen nang matanaw niya ang grupo ni Ella na naglakad sa gawing unahan niya, bibit naman ni Maggie ang supot ng pagkaing pinadala niya sa grupo. Noon palang din pala manananghalian ang mga ito. Nilakihan niya ang mga hakbang para makahabol sa grupo pero bigla rin siyang natigilan nang marinig niya ang usapan ng mga ito.
"Miss Ella, paano kung may gusto nga sa'yo si Boss? May pag-asa ba siya?" narinig niyang tanong ni Mika.

"Imposible 'yan, Mika. Sa teleserye lang nangyayari ang mga ganun."
"Napaka-nega mo naman. Paano nga kung may gusto siya sa'yo."
"'Di kung may gusto siya may gusto siya, Dapat ba gustuhin ko rin siya dahil gusto niya ako?"ganting tanong ni Ella.
" Bakit? Hindi mo ba type si Boss?"
" Trabaho ang pinasok ko rito. Hindi para magka-love life."
" Ganun ba? Sayang, bagay pa naman kayo."
Ngumiti lang si Ella na noo'y dumiretso na sa pila.
" Miss Ella, bakit pipila ka pa? Eh ang dami nitong pagkaing pinadala ni Boss,"  habol ni Maggie.
"Sige lang, kainin niyo na 'yan, bibili na lang ako ng sa akin," sagot ni Ella na noo'y alanganing napatango nang mapansin si Dave sa gawing likuran ng grupo. Napalingon din tuloy ang mga ito.
"Boss, salamat po sa pa-lunch, ha? Tara po kain tayo," aya ni Maggie.
" Sige lang, para sa inyo talaga 'yan,"nakangiting sagot ni Dave na noo'y pasimpleng nilakihan  ang mga hakbang para maabutan sa pila si Ella.

"Hindi mo ba gusto 'yung pagkaing pinadala ko?" mahinang sabi ni Dave mula sa likuran ni Ella.
Napalingon si Ella at alanganing napangiti. "Hindi naman po sa ayaw, Boss. Hindi lang po talaga ako komportableng kainin ang pagkaing galing sa inyo."

Napakunot ang noo ni Dave. "Bakit naman?"

"Baka po kasi ma-misinterpret ng mga kasamahan ko. Alam ko naman po na walang ibang ibig sabihin 'yon."

Seryosong tumitig sa kanya si Dave.
" Eh, paano kung mayron?"
Bahagyang ngumiti si Ella. "Boss, narinig ko po ang usapan niyo ni Sir Albert kanina. Hindi niyo naman po kailangang panindigan kung ano ang inaakala ng mga kasamahan ko, " aniya na noo'y bumaling na sa counter at nagsimula ng umorder  ng pagkain.
Bigla namang napatigil si Dave sa pagbuntot sa dalaga.
"Sir, VIP meal po?" nagulat pa siya nang magsalita ang babaeng nasa harapan niya.
"No! Coffee lang ako," wala na sa mood na sagot niya.
"Sige po, Sir. Padadala ko na lang po sa table niyo."
"Thank you," aniya atsaka siya umalis sa pila.

Habang humihigop ng kape, nakatanaw lang si Dave sa grupo ni Ella. Masaya at nagtatawanan ang kasamahan nito habang si Ella naman at tila may sariling mundo habang kumakain.
"Na-disappoint kaya siya nang marinig niya 'yung usapan namin ni Albert? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa naging reaction nya?" Tanong niya sa sarili.
Napansin niyang walang biniling tubig si Ella kaya agad siyang bumalik sa counter atsaka siya bumili ng tubig.
Pagkatapos ay binaybay niya ang daan papalapit sa table nila Ella, nang
mapatapat kay Ella inilapag niya sa tabi nito ang bote ng tubig atsaka siya dumiretso papalabas ng canteen. Napatingin lang sa kanya si Ella na noo'y hindi na nagawang magpasalamat.

"Ang sweet naman ni Boss," mahinang sabi ni Maggie na noo'y siniko pa siya.
Alanganing napangiti si Ella at kunwari'y tumango. Hindi naman kasi Siya manhid para Hindi maramdaman ang simpleng effort na 'yon ni Dave.
"Mukhang nagkamali ka ng akala Miss Ella. Maniwala ka sa amin, type ka ni Boss," sabat ni Mika.
"Kayo talaga, 'wag nga kayong, OA. Tubig lang 'to, oh?" kunwa'y sabi niya.
Natawa na lang din ang mga kasamahan niya na noo'y nagpatuloy na sa pagkain.

Nagtatawanan pa ang grupo nila Ella habang pabalik sa trabaho pero bigla silang nangatahimik nang matanaw nila si Dave na nakapwesto sa table ni Albert at seryosong nakatutok sa computer.

"Hala, lagot! Babantayan yata tayo ni Boss," bulong ni Maggie.

Tahimik silang nagsipagbalikan sa kani-kanilang pwesto at nagsimulang magtrabaho.

"Miss Alcantara," narinig nilang tawag ni Dave na halos nagpalingon sa kanilang lahat.
"Boss?" sagot ni Ella na noo'y iniwan na ang ginagawa at naglakad na papalapit sa kanya.
"Ano po 'yun, Boss?"
"Paki-ready 'yung mga sample product na dadalhin natin sa factory bukas."
"Ah, Boss, may concern lang po sana ako," ani Ella.
"Ano 'yun?"
"'Di ba po ang balak niyo, mass production agad, kung hindi niyo po mamasamain, gusto ko po sanang i-suggest na 'wag muna nating i-mass pro. Testingin muna po natin sa market."
"Actually, iyon din sana ang gusto ko pero ayoko namang ma-offend ka. But since sa'yo na mismo nanggaling, small quantity lang muna tayo then kapag nag-click, dun tayo magma-mass pro."
"Okay lang po yun sa akin."

"Actually mataas ang kompiyansa sa'yo ni Lolo kaya gusto niya mass pro agad 'yang mga design mo. Ganun siya katiwala sa'yo."
"Na-appreciate ko naman po 'yun, Boss, pero ayoko rin naman po na magpakasiguro."
Napatango-tango si Dave. " Okay, sige. Sasabihin ko kay Lolo na sa'yo nanggaling ang request."
Napangiti si Ella. " May iuutos pa po ba kayo, Boss?" tanong ng dalaga.
Biglang natigilan si Dave at saglit na napatitig kay Ella. Parang ayaw pa kasi niya itong paalisin sa harapan niya.
" Boss?" narinig niyang sabi ni Ella na noo'y naghihintay lang sa kanya.
"A-Ah, sige Wala na. Okay na 'yun."
" Sige po."  

Katatalikod lang ni Ella
nang tumunog ang telepono ni Dave.
" Hello, Boss. Nandito pa ko sa factory,  hindi pa ako makabiyahe malakas pa ang ulan."
" Nagawa mo ba 'yung inuutos ko sa'yo?"
"Oo, okay na. Naka-set up na 'yung line para sa bagong project. Si Albert nakaalis na ba?"
"Oo, kaalis-alis lang. Bakit Hindi niyo sinabi sa akin na birthday pala ni Tita."
"Alam mo namang ayaw nag-aabsent nun. Kaya nga ako na ang nag-volunteer na bumisita sa production para makaalis nang maaga si Albert, hindi rin naman pala agad umalis."

"Huwag ka nang dumiretso sa office, pauuwiin ko rin naman sila nang maaga. Okay naman na ang first batch ng sample item."
" Talaga? Wala nang bawian 'yan, ha?"
" Oo, sige na. Ingat ka sa biyahe." Nakangiting ibinaba ni Dave ang telepono atsaka siya tumayo.
"Girls, tapusin niyo lang kung ano'ng kayang tapusin hanggang 3 'o clock, tapos puwede na kayong umuwi."
Nagkaingay ang lahat sa tuwa at halos sabay-sabay pang nagpasalamat sa kanya.
" Thank you, Boss."
Ngumiti lang siya atsaka tumango.

Agad ding bumalik sa opisina niya si Dave at doon na siya naghintay ng oras. Bago pa sumapit ang alas tres, bumaba na siya atsaka siya naghintay sa harapan ng building.

Matapos ang labing limang minuto, natanaw na niyang isa-isang naglalabasan ang mga kasamahan ni Ella. Dali-dali niyang binuhay Ang makina nang matanaw niya ang dalaga.
"Bye, Miss Ella," paalam ng mga kasamahan ni Ella na noo'y nangagsipaglakad na papalabas.
Napakunot ang noo ni Dave nang matanaw niya si Ella na noo'y nagmamadaling bumalik sa loob ng building kaya muli niyang pinatay ang makina. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya muling mamataan na papalabas ang dalaga. Muli niyang binuhay ang makina pero bago pa man siya makalapit kay Ella, Isang kotseng puti ang tumigil sa harapan nito at doon sumakay ang dalaga.
Dismayadong itinigil ni Dave ang kotse at napatanaw na lang sa papalayong sasakyan.

Something About HerWhere stories live. Discover now