Chapter 6- The Connecting Room

3 1 2
                                    

Gabi nang makabalik sa condo si Dave. Hawak niya noon ang supot ng gamot pero hindi niya mawari kung saan siya kakatok. Sa pinto ba na konektado sa unit niya o sa front door ng unit ni Ella. Hindi na mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik-balik sa harapan ng unit niya at sa harapan ng unit ni Ella bago siya nakapagpasyang kumatok. Ilang minuto ang mabilis na lumipas pero hindi pa rin nagbubukas ng pinto si Ella kaya minabuti niya na bumalik na lang muna sa unit niya. Matamlay na inilapag niya sa mesa ang supot ng gamot atsaka siya dumiretso sa silid niya upang magpalit ng damit.

Nasa kusina na siya noon at naghahanap ng mailuluto nang muli niyang maalala si Ella. Napasulyap siya ng ilang saglit sa pintuang tumatagos sa silid ng dalaga atsaka siya napabuga ng hangin. Muli siyang kumilos sa kusina, binuksan niya ang ref pero napatitig lang siya sa laman nito na para bang hinihila pabalik kay Ella ang isip niya. Muli siyang napabuga ng hangin atsaka niya isinara ng ref. Dali-daling hinanap niya ang cell phone atsaka niya tinawagan si Ella.

"Hello, Miss Alcantara?" bungad niya.

"Boss," tanging sambit ni Ella sa kabilang linya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Medyo masakit lang po ang paa ko pero okay naman po ako."

"Ako 'yung kumakatok kanina, bakit hindi ka man lang nagbukas ng pinto?"

"Naku, Boss. Pasensiya na, nasa loob po ako ng kwarto. H-Hindi po kasi ako makatayo."

"What?" kunot ang noong sambit ni Dave. "Nasaan na 'yung kasama mo? 'Yung Gab? Umalis na ba?"

"May trangkaso raw po 'yung partner niya kaya agad din pong umalis pagkahatid sa akin."

"Bakit hindi ka man lang nag-message sa'kin? 'Di sana napuntahan kita kaagad."

"Nakakahiya na po sa inyo. Hindi na nga po ako nakapasok, aabalahin ko pa kayo."

"Ano ba'ng klaseng mind set mayro'n ka, ha? Hindi ka na nga makakilos diyan, inuuna mo pa 'yung hiya mo. Pupunta ako ngayon diyan. "

" Boss, hindi ko nga po kayang tumayo. "

" Kaya nga kita pupuntahan. "
"Wala pong magbubukas ng pinto para sa inyo. "

Biglang natigilan si Dave at bahagyang napakagat sa labi na tila nag-iisip.

"Pasensiya ka na kung kailangan kong gawin 'to,"ani Dave.

"Po?" tanging sambit ni Ella. Pagkatapos nun ay wala na siyang narinig sa kabilang linya kaya kunot ang noong ibinaba niya ang cell phone atsaka siya tumanaw sa pinto.
Nanlaki ang mga mata niya nang  unti-unting umusog ang dingding malapit sa closet niya. "Oh, my God!"mahinang sambit niya sabay takip ng kamay sa bibig.

Wala siyang kakurap-kurap habang naghihintay sa kung sino mang iluluwa ng dingding.

"Boss?" tanging sambit niya nang iluwa si Dave.

"Oppps, teka lang. Huwag mo akong tingnan nang ganyan. Kung hindi lang dahil sa kondisyon mo, hindi ko bubuksan ang pintuan na 'to."

"S-Sa inyo rin po ang unit na 'to?"

Napasulyap sa kanya si Dave na noo'y itinutulak papalayo ang maliit na cabinet na tumatakip sa pinto. "Actually, we owned the building," anito atsaka nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi na nakaimik si Ella na noo'y nakamasid lang kay Dave habang nakaupo sa kama.

"Pasensiya ka na kung hindi ko agad nasabi sa'yo na connecting room ito,  baka kasi hindi ka pumayag na tumira rito kapag nalaman mo."

Napatingin si Ella sa binata at kunwa'y ngumiti, "Ayos lang po 'yun, Boss. May tiwala naman po ako sa inyo."

"Mula kanina, nandito ka lang sa room mo? Ayos ka lang ba? Hindi ka pa ba nagugutom? "

Something About HerWhere stories live. Discover now