Chapter 2- Bakit mo nga ba siya iniisip, Dave?

9 1 0
                                    

Nang gabing iyon hindi pinatulog si Dave nang isipin tungkol kay Ella. Daig niya pa ang namahika dahil kahit ano'ng gawin niya, hindi ito mawala-wala sa isipan niya.

 "Bakit ko ba siya iniisip?" parang sirang tanong niya sa sarili.

Dumukwang siya sa lamesita atsaka niya pinatay ang Ilaw. Pagkatapos ay inabot niya ang unan at itinakip sa mukha niya hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

 Medyo tirik na ang araw nang magising si Dave kaya dali-dali siyang kumilos. Nang makarating sa kompanya nakasabay niya sa paglalakad si Bench.

" Bench, nakalipat na ba sa condo si Miss Alcantara? " tanong niya. 

"Hindi mo ba nabalitaan? Nasa ospital si Ella. "

" Ospital? Bakit? Ano'ng nangyari sa kanya?"

" Hindi ko pa rin alam. Pero ang sabi sa akin nang nakausap ko kanina, natagpuan daw siya ng room attendant na walang malay sa banyo, inaapoy daw ng lagnat kaya agad nilang isinugod sa ospital."

"Wala ba siyang ibang kasama sa hotel? Nanay o 'di kaya'y kapatid?"

"Ano ka ba? Hindi mo ba binasa 'yung files niya?  Mag-isa na lang siya sa buhay.  Namatay 'yung parents niya two years ago, a year after sumunod 'yung kakambal niya."

Napatitig siya kay Bench. " Eh, sino ang nagbabantay sa kanya sa ospital?"

"Wala."
" Sa narinig ay agad na tumalikod si Dave at patakbong tinahak ang daan palabas ng building. "

"Uy, aano ka?" habol ni Bench.

"Pupunta ko sa ospital! Hindi lumilingong sagot ni Dave.

"Kaloka! OA, jowa mo? " ani Bench. habang nakatanaw sa kanya.

"Sa St. Luke hospital siya dinala, " dugtong nito.

Napangiti na lang si Bench, kabisado na niya kasi si Dave kinakain ito ng guilt sa tuwing nakakapanakit ito ng damdamin ng iba.

Pagdating sa ospital agad na hinanap ni Dave ang silid ni Ella, saktong namang papalabas ang doktor nang dumating siya.

"Dok, kumusta po 'yung pasyente?  Ano po ang lagay niya?" agad na tanong niya.

"Kayo ho ba ang pamilya? "

"Empleyado ko ho siya."

"Mataas pa 'yung lagnat niya gawa ng injury na  natamo niya sa aksidente."

"Injury?"

"Oo, nangingitim kasi 'yung kaliwang braso niya nang dalin siya rito. Kaya tinanong ko 'yung nagdala kung bakit siya may ganun, ang sabi naaksidente raw kahapon."

"Nabalitaan ko nga po 'yung tungkol sa aksidente pero ang alam ko jindi siya nasaktan. "

"Maaring hindi palang niya nararamdan 'yung sakit noon. Malala 'yung naging bugbog sa kaliwang braso niya. May mga pasa din siya sa balikat at gawing likuran."

"Mga ilang araw ho kaya siya sa ospital?"

"Kailangan muna niyang ma-obserbahan ng dalawa hanggang tatlong araw.  May schedule siya ng x-ray at CT scan bukas  to make sure na wala siyang ibang pinsala sa katawan."

"Ganun ho, ba? Sige ho, Dok. Salamat."

Pagpasok sa silid maingat na sinalat ni Dave ang noo ng dalaga. Medyo mataas pa nga ang lagnat nito.

"Miss? mga ano'ng oras siya nadala rito?" tanong ni Dave sa nurse na noo'y kapapasok lang sa silid.

"Kani-kanina lang po, Sir. Mga isang oras palang po siguro ang nakalilipas."

Something About HerWhere stories live. Discover now