I realize something last night.And that is never get ahead of yourself. Imagine sobrang confident ko pa sa pagtanggi sa trabaho sa company ng MonDragon tapos ang ending tatanggapin ko din pala.
— Hindi naman talaga. It's just that i want to be able to help my mother.
1 or 2 months lang naman.
Besides it's 60 thousands . Saan pa ako makakahanap ng ganyang sweldo? Napakalaking bagay na yan pangdagdag sa restaurant namin.
It'll help my mother.
"Teka saan ka pupunta Sue?" Tanong ni Mama habang kumakain kami ng breakfast. Ang formal kasi ng suot ko — pang opisina. Usually kasi simpleng dress, t-shirt, jeans minsan short ang suot ko sa pag duty sa restaurant. "Bihis na bihis ka."
Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Mama na may trabaho na ako. "Work po Ma."
At napatigil sya sa pagkain sabay tingin sakin. "May trabaho ka na?"
"Yes Ma, with me." Sumulpot si Ate Robbin.
And my mother stare at my sister. "Wow. None of you told me about this."
"Biglaang lang." Paliwanag ni Ate. "Sobrang urgent na makahanap ng kapalit nong nag resign na secretary."
"Tapos si Sue ang pinalit mo?" Napailing nalang si Mama. "Eh diba MonDragon ang boss mo?"
"Opo Ma." Kamot ulo si Ate Robbin. "Temporarily lang po until makahanap kami ng kapalit."
"Baka kung anong gawin nyan kay Sue.."
"Ma.." Hinawakan ko ang kamay ni Mama dahil alam ko na nag-aalala sya sakin. Sino ba ang hindi? It's MonDragon. "Kaya ko po ang sarili ko."
"Are you sure?" Mother is concern.
I smile at her. "Ako pa ba?"
Napahinga nalang sya ng malalim. "Ah basta kapag may ginawa yang MonDragon na yan sayo, magsabi ka ha?"
Natawa ako and to give her an assurance. "I will Mama. Don't worry so much malaki na po ako, kayang kaya ko na ang sarili ko."
"You are still my bunso." My mother retorted.
The whole breakfast ay inassure ko si Mama na I'll be alright. Aba hindi rin naman ako magpapaapi kahit MonDragon pa sya.
Pare pareho lang na kami ng kinakain.
Mas naunang umalis si Mama ng bahay dahil kailangan sya sa restaurant ng maaga for our supplies.
At kami ay nasa byahe narin ni Ate Robbin.
"Basta gawin mo lang ang trabaho mo Sue, for sure walang magiging problema." Paalala ni Ate habang nagmamaneho.
Ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Maganda ang panahon, mainit — busy ang lahat sa kanya kanya nilang buhay.
Life here in Manila is fast. Kailangan marunong kang makipagsabayan, bawal ang mahiyain. Just go with the flow and it'll take you where you have to be.
"I schedule mo ng maaga ang mga meetings nya." Dagdag ni Ate. "8 exactly dapat may coffee na sya sa office, no sugar and creamer."
Tumango tango naman ako. "Noted ate."
"And most importantly."
Nilingon ko sya. "Ano?"
"Alison doesn't like being asked, ayaw nya ng makulit o maingay. Isang tanong, isang sagot lang okay?"
"Grabe parang napagod na agad ako." Natatawa ko na sabi. "Sobrang lungkot ng buhay nyang boss mo."
"Na magiging boss mo narin." My sister corrected me.
YOU ARE READING
The Bachelorette
RomanceSeries I Being part of MonDragon Billionaire Clan is a privilege. Money, power and fame will never be a problem. But one thing about this clan that they are known for having anger issues and short- tempered. And the Alpha is Alison. Alison is th...