"Ate!" Sigaw ko kay Ate Robbin. I see her car kaya alam ko na nandito na sya sa bahay. "Ate Robbin."Akay akay ko si Alison at nakatulog na sya. Hindi sya magising — And I'm so dead worry.
Humahangos na lumabas si Ate Robbin may bitbit ng ice cream at gulo gulo ang buhok. "Oh bakit Sue —" Natigilan sya ng makita ako. "Sh"*t! Is that Alison?"
"Help please." I beg her.
At nagmamadali nya akong tinulungang bitbitin si Alison papasok ng bahay. Grabe sobrang bigat nya kahit ang payat.
Ano ba kinakain ng babae na to?
Hiniga namin si Alison sa sofa na tulog na tulog.
"Kukuha ako ng malamig na tubig at towel." Sabi ni Ate. Ang init ni Alison kaya kailangan agad mabigyan ng first aid.
Umalis na si Ate.
Ako eh nakatayo at pinagmamasdan si Alison. She looks so vulnerable — yet beautiful. Napaka inosente ng mukha nya parang walang anger issue.
Lumuhod ako sa tabi ni Alison at maingat na hinubad ang suot nyang heels. "Grabe ang taas." Nasa 3 inches ata ang taas.
Hinawakan ko ang leeg nya para damahin kung gaano sya kainit — 11 out of 10.
Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Ate Robbin na may bitbit na maliit na palanggana.
"Ikaw na magpunas." Utos ni Ate.
Tinignan ko sya. "Eh? Bakit ako?"
Tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko. "And why not?" I return my attention back to Alison. "Gusto mo bang makita ko ang katawan nya —"
"No." Mabilis pa sa alas kwatro ko na sabi.
Natawa si Ate. "Gusto yong tinatakot pa eh."
I roll my eyed to my sister. "Baka pag samantalahan mo pa —"
"Hoy grabe ka Sue Avery ha."
Kinuha ko ang palanggana sa kanya at inumpisahan ko ng punasan ang noo ni Alison — sobrang pula ng mukha nya pati pag hinga ay medyo pumipito dahil sa taas ng lagnat.
"May gamot ba tayo sa lagnat Ate?"
Si Ate Robbin na nakatayo sa likuran ko. "Oo meron, teka.."
Maingat kong dinampi dampi ang malamig na towel sa pisngi ni Alison. "What happened to you.." I whisper to her. "Okay ka pa kanina sa office at ciffe shop tapos ngayon may sakit ka na."
But..
What if buntis ang babae na to?
Jesus.
Parang hindi ko ata kaya.
Charot.
Walang kami, at hindi kami magiging kami. Napakalayo kaya ni Alison sakin — I mean, she's a freaking Billionaire tapos ako middle class lang. Si Alison marami ng na patunayan tapos ako eto...
Nagsisimula palang sa buhay ko.
Wala akong maipagmamalaki.
Alison is out of my league.
Besides, hindi nya ako magugustuhan.
Pinilit ko syang pinainom ng gamot before i let her rest muna to see if the medicine will work.
I check her from time to time pero mataas parin ang lagnat nya.
Now, I'm starting to worry.
Tumayo ako. "Ate." Sigaw ko sa kapatid ko. "Dalhin na natin si Alison sa hospital."
YOU ARE READING
The Bachelorette
RomanceSeries I Being part of MonDragon Billionaire Clan is a privilege. Money, power and fame will never be a problem. But one thing about this clan that they are known for having anger issues and short- tempered. And the Alpha is Alison. Alison is th...