Six

184 9 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Pwede na kayong lumabas" sabi ko sakanila.

"Wooohh!! Buti naman. Ang init kaya dun" reklamo ni Jimin hyung.

"Kookie, ba't nagtatago tayo? Sinong tinataguan natin?" tanong ni V hyung.

"CORRECTION: tayo lang ang nagtatago, si Kookie hindi" pagtataray ni Jin hyung.

"Ganito kasi yun, nung namamasyal ako mag-isa, may nakabunggo saakin, nagpakilala siya as Jessica edi nagpakilala na din ako" sabi ko.

"Kilala ka naman pala eh bakit pinapatago mo kami?" tanong ni Hoseok hyung.

"Patapusin niyo muna ako. Magpapakilala sana ako pero naalala kong dapat walang makakakilala saatin" sabi ko.

"Ah~ kaya pala ang narinig kong tawag sayo ay Jungsoo" napatango ako sa sinabi ni Namjoon hyung.

"That girl looks familiar...." sabi ni Jin hyung.

"Huh? Sino siya?" tanong ni Jimin hyung.

"Kaya nga familiar diba?? May familiar bang kilala mo na? Tsk" nagtataray nanaman si Jin hyung.

"Sorry naman" sabi ni Jimin hyung at nagtawanan sila. Oo sila. Wala akong balak makitawa.

"Pero mabalik tayo, Jin hyung pano mo nasabi na familiar siya?" tanong ni Namjoon hyung.

"I believe na nakasama na natin siya, bago pa tayo mag debut" sabi ni Jin hyung.

Sandaling napatigil ako.

Jessica...

Sino ka ba?

I'm Just A Fangirl...His Fangirl [BTS Jungkook Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon