Three

211 10 3
                                    

JESSICA'S POV


Naglalakad ako patungong backstage. Kakatapos palang ng concert and I want to see him in close up so I decided to come here.


Habang naglalakad ako ay may biglang humila sakin papunta sa di ko alam na lugar. Nagulat ako nang tinakpan niya ang mukha ko gamit ang kamay niya.


"Huwag ka munang aalis... may sasabihin ako" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na yun.


ISA LANG ANG TAONG GANUN ANG BOSES


WALANG IBA KUNDI SI JEON JUNGKOOK


ANG ASAWA KONG MAY MALAKING ILONG.


"O-Oppa??!!" gulat kong tanong sakanya. Nag 'shh' siya kaya tumahimik ako. "Oppa anong sasabihin mo?" basag ko sa katahimikan. Humarap siya sakin at hinawakan ang balikat ko.


"Jessica... I love--" naputol ang sasabihin niya ng biglang lumindol. Luh??? Lumilindol!!! Pagkatingin ko kay Jungkook at nagulat ako nang makita ko ang mukha ni France. "GUMISING KA NA!!!" sigaw niya at binatukan ako.



Napamulat ako ng mga mata ko at nakita ko si France na nakakunot ang noo. "Kanina pa kita ginigising di ka bumabangon. Akala ko patay ka na.. sayang di ka pa natuluyan" sabi niya.



"SALAMAT SA PAGSIRA NG NAPAKAGANDA KONG PANAGINIP" sigaw ko sakanya. "You're welcome" sabi niya at tumayo. ABA naman iniwan ako. Itulak kita dito sa eroplano eh. Napairap nalang ako at tumayo na din saka siya sinundan.


Huminga ako ng malalim at napangiti sa nakita ko..


We're finally here


We're finally here in Korea


Ang lugar na pinapangarap ko lang nun


Ang lugar kung saan nakaapak na ng paulit-ulit ang taong mahal ko


Ang lugar kung saan siya nagta-trabaho 


Ang lugar kung saan siya nakatira


SEOUL, KOREA


_______________________________________


I'm Just A Fangirl...His Fangirl [BTS Jungkook Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon