Prologue

2.4K 35 1
                                    

Mabining simoy ng hangin ang dumapyo sa aking mukha nang umahon akong saglit mula sa tubig. I saw my assistant, Chastity, coming in. Ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa kong paglalangoy at hindi inalintana ang presensya nito. I wasn't done with my laps, kung anuman ang ipakikipag-usap niya sa akin ng ganito kaaga ay makapaghihintay naman siguro iyon.

Alam ni Chastity na hindi niya ako maaabala kapag ganitong naglalangoy ako sa umaga. Kaya nga pinili kong gawin ang routine swim ko sa patay na oras ng madaling araw para walang kahit anong masasagasaan na gawain kung sakali, tapos ay sasabayan niya naman. This was in my schedule, siya ang wala kaya maghintay siya.

I continued my strokes, buong puwersang ipinaparte ng aking mga braso ang tubig na hindi mahati-hati sa gitna. I knew Moses did it effortlessly, ni hindi man lamang nga ito nabasa. For so many times, I thought of how people in that era could do something that impossible. Walang sapat na eksplinasyon para doon mula sa kahit na sino pang eksperto. Kaya pinaniwalaan na lang ng lahat ang mas madaling eksplinasyon: God did it.

But was there even a God? I thought bitterly. Siguro maging ang konseptong iyan ay nakadepende na rin sa kani-kaniya nating paniniwala. I grew up in a home where faith was foundational, where prayers were whispered before meals. I had attended religious services, listened to sermons, and read scriptures that proclaimed the existence and benevolence of a divine being. Madaling sabihin na naniniwala ako dahil madali lang naman talagang maniwala. I wanted to believe, not just for myself but for everyone. Pero hindi ko kailanman naramdaman. Could it be considered a sin if you never felt God?

I pushed off the wall, mas binilisan pa ang ginagawang paglangoy. Ten more laps to reach my goal of sixty before six o'clock. The challenge exhilarated me, bumibilis akong lalo na akala mo'y may nilalabanang sadya.

Underwater, time seemed suspended. My thoughts drifted between the rhythmic pull of my muscles and the subtle play of light refracted through the water. Ganitong klaseng kapayapaan at katahimikan ang gusto ko.

Malapit na akong matapos ngunit tila ba hindi na iyon mahintay pa ni Chastity, sa muli kong pag-ahon para sumagap ng hangin ay tumayo na siya sa edge ng pool. Her voice broke through my underwater reverie, muffled and distant.

"Haze, we need to talk. Nakatanggap ako ng message kagabi mula sa isang detective. Maaga akong natulog kaya pagising ko na ito nabasa. Pinuntahan kitang agad because it seemed urgent!"

If I could only groan underwater, nagawa ko na. Hindi ko gustong itigil ang aking ginagawa dahil lang sa sinabing iyon ni Chastity. It would bug me the whole day kung hindi ko tatapusin.

It took me about fifteen minutes to finish my exercise and complete my goal. Umahon na ako, water dripping from my hair. Inabot agad ni Chastity sa akin ang tuwalya kong nakasabit sa lounger, ni hindi na ako hinintay pang makapagtuyo ng husto ay nagsalitang muli.

"Pinabubuksang muli ng Uncle Enrique mo ang kaso ng daddy mo."

Hindi na ako nabigla pa sa sinabi niya. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng aking mga braso, hindi pa rin nagsasalita dahil gusto ko munang marinig ang lahat ng ibabalita ni Chastity bago tumugon para isahan lang. Alam kong hindi pa siya tapos.

"The detective assigned to this case contacted me, gusto ka raw niyang makausap sa lalong madaling panahon." May bahid ng pag-aalala ang tinig niya, kinuha mula sa akin ang tuwalya nang matapos akong magpunas atsaka ako inabutan ng tubig na nasa lamesita sa gilid. "Dahil siguro ito sa ilang beses na pagsubok ng tiyuhin mo na makausap ka. Tahasan niya namang ipinahahayag, kahit noon pa, na gusto niyang mapunta sa kaniya ang ancestral house niyo sa Vigan. At ngayon na nasa Pilipinas na siyang muli, iipitin ka na lang niya sa intriga para mapwersa kang ibigay nga ito sa kaniya. Even if it means disrupting the peace of the dead."

Lavender HazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon