Hapon na pero heto at nakakubli pa rin akong pirmi sa palumpong ng santan, hinawi ko iyon ng bahagya upang silipin kung naroon pa rin ang iilang mga bata na nagtatawanan at nangungutya. Hindi ko na sila makita pero naririnig ko pa rin ang tawanan nila mula sa pampang.
Sweat trickled down my forehead, mingling with the dirt on my face. Agad kong pinahid iyon gamit ang likuran ng aking palad. Ramdam ko ang lalong paghapdi ng ilang maliliit kong sugat sa tuhod at mga braso dahil sa tama ng sikat ng araw sa mga ito. The kids had their best time throwing tiny stones at me earlier, pero walang wala ang sakit na dulot ng mga sugat na iyon sa lahat ng kailangan kong pagdaanan at patuloy pang pagdadaanan. My life was already hard as it was without these people hating me for looking different.
Pumikit akong sandali bago iligid muli ang tingin sa paligid upang humanap ng panibagong pagtataguan. My hiding spot was suffocating. Hindi sapat na panangga sa araw ang mga halamang ito, kahit pa sabihing mabango ang mga bulaklak ay namimitig pa rin ang mga binti ko mula sa aking pagkakatalungko. Bukod pa sa tumutusok na sa aking balat ang matutulis na dulo ng mga dahon nito, kung hindi lang ako sugat sugat ay baka kaya ko pang indahin iyon ng mas matagal. I could feel my heart pounding, isang patunay ng kahinaan ko.
Pang ilang araw na ba ito? Pipilitin ako ni Manang Rosa na lumabas ng bahay at huwag magmukmok, tuwing gagawin ko naman ay sasalubungin ako ng mga mapanghusgang tingin. I couldn't stand up to bullies, tuwing titignan nila ako ay parang gusto ko na lamang matunaw o 'di kaya'y maglaho.
But I did want this, didn't I?
Ako ang may gawa nito sa akin, sa labis na kagustuhan kong huwag mapansin ay mali pala ang naging solusyon ko. Now, people would look at me longer than they had before. Pero hindi tulad ng dati na puno ng paghanga at inggit, ngayon ay mas nangingibabaw ang hilakbot at pandidiri.
The throbbing pain in my limbs seemed to pulse in time with my racing heartbeat. Kailangan ko nang tumayo, kailangan ko nang umalis. Bukas ay hindi ko na hahayaang mapilit pa ako ni Manang Rosa na lumabas, magkukulong na lang ako sa loob ng aking silid. Kahit pa mabulok na lang ako roon, ayos lang.
I shifted slightly, trying to find a more comfortable position, but the effort only made my wounds ache more. Hinawi kong muli ang halaman upang tignan kung naroon pa rin ang mga bata na nanunukso at namamato sa akin, gustong gusto ko na kasi talagang umuwi. Ngunit sa halip na ang dagat at dalampasigan ang matanaw ko ay pares ng kupasing maong ang sumalubong sa akin mula sa kabilang bahagi.
Mas nagdoble ang bilis ng tibok ng aking puso, halos hindi na ako makahinga sa biglang pagsalakay ng takot sa aking dibdib. Gayunpama'y tiningala ko pa rin siya ng tingin. His tall figure loomed over me, hindi naman siya umaktong sasaktan ako o ano pero hindi rin naman nabawasan ng kalmado niyang anyo ang takot na pirmi nang namamahay sa aking dibdib.
Sisilip sana akong bahagya sa likuran niya ngunit mas ihinarang pa niya ang sarili sa aking harapan. His eyes were the first thing I noticed—an arresting shade of green that seemed almost unnatural in their intensity. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong klase ng mga mata, sa telebisyon marahil, pero sa totoong buhay? Ito ang unang pagkakataon. They locked onto mine with a piercing gaze that held me captive. Biglang lalo ay hindi ako makagalaw.
Sasaktan niya ba ako?
Aatakihin?
Sukat doon ay agad akong napaatras hindi pa man tuluyang nakakatayo ng tuwid. I just wanted to get away from him, fast. I scrambled instinctively, nagmamadali. My movement was clumsy, lalo pa't sugat sugat rin ang buong katawan ko. I stumbled, my foot catching on a root, and I nearly toppled over. Inaasahan ko na ang pagbagsak ko sa buhanginan ngunit hindi iyon dumating.
Agad niyang naabot ang aking braso upang pigilan ang akma kong pagbagsak, itinayo niya ako at ipinirmi, mahigpit ngunit maingat ang paraan ng kaniyang pagkakahawak sa akin. His touch was electric, gustuhin ko mang pumiglas dahil sa epekto noon sa akin ay hindi ko rin magawa dahil wala akong lakas.
BINABASA MO ANG
Lavender Haze
Romance3rd Generation: The Lineage Continues Yves Benedict Vladislav-De Salvo Teaser