Maybe: Yves Benedict De Salvo
Morning. Kumain ka na ba?
Napatigil ako sa akmang pagsubo ng champorado nang muling mag-vibrate ang cellphone kong nakalapag sa gilid ng lamesa. Halos mapairap ako. Pang-ilang text na ba ito ni Yves simula nang ibigay ko kahapon ang numero ko sa kaniya nang nasa palengke pa kami. Apat? Lima? Ni isang mensahe ay wala akong sinagot. Paano'y puro pagpapapansin lang naman! Bakit kailangan niyang malaman kung kumain na ako? Hindi naman kami close.
Natutok ang tingin ko sa apelyido niya, kahit walang gold dust ay kumikinang iyon. Kagabi nang una akong makatanggap ng text sa kaniya ay nakumpirma ko na kung paanong ganoon na lang ang asta niya. He was a freaking De Salvo! They practically owned Cebu! Kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang mga hotel na pag-aari ng pamilya niya.
Tutuloy na sana ako sa pagkain nang may pumasok na naman na mensahe mula sa kaniya. Tignan mo nga naman ang isang 'to, De Salvo pero halos magmakaawa na sa reply ko. Bahala ka dyan, Yves! Nangako siya kahapon na magme-message lang siya kung kailangan. Ano't panay ang tanong niya kung kumain na ako?
Maybe: Yves Benedict De Salvo
Kumain ka na. Just had breakfast with my cousin.
Diyos ko? Kailangan ko pa bang malaman iyon? Napairap ako. Hindi ko tuloy mawari kung pinagtitripan ba ako ni Yves o ano, eh. Baka naman pinagpupustahan nila ako! Puwes kung ganoon, ay mas lalong hindi ko sasagutin ang mga mensahe niya. Kung bakit rin naman kasi hindi ko na lang pineke ang number na binigay ko sa kaniya, eh! Sometimes I hated that I was too honest.
Maybe: Yves Benedict De Salvo
I wonder what's keeping you busy. Kahit isang message ko ay hindi mo magawang replyan.
Hindi pa rin ako nagtipa ng sagot, pinagmasdan ko lang. At the same time, I was wondering kung bakit parang wala siyang ginagawa sa buhay niya. Panay ang message, unnecessary naman! Again, bahala ka dyan, Yves!
Dapat kasi ay hindi ko na talaga binuhay ang cellphone ko. Kung bakit ba na-curious pa ako sa maaaring maging mensahe sa akin ni Yves ay hindi ko na talaga alam. Kainis.
"Sasamahan ko mamaya itong si Patrick sa hotel para makapag-apply," nilingon ako ni Manang Rosa. "Gusto mo bang sumama, Paige?"
Agad akong umiling. Ayaw ko naman talagang makihalubilo, mas sumidhi lang ang disgusto ko lalo't alam ko na ngayon na De Salvo si Yves at may malaking posibilidad na naroon iyon. I didn't want to see him. Hindi sa kung anupaman, kundi dahil hindi naman kailangan.
Makahulugan ang mga tingin na ibinabato sa akin ni Patrick, kahapon kasi ay panay ang tanong niya kung kaibigan ko raw ba si Yves. Paano'y hinatid ako nito pabalik kay Patrick nang matapos kaming mamalengke. He even offered na ihatid kami, tumanggi lang ako ng husto at mukhang hindi rin naman gusto ni Patrick tanggapin ang alok nito kaya hindi nagwagi si Yves.
"Baka matagalan kami roon," si Manang Rosa pa rin. "Mag-isa ka lang dito kung sakali,"
"Ayos lang ho," sumubo muna ako ng champorado bago dugtungan ang sinabi. "Magbabasa na lang ho ako sa itaas habang naghihintay."
Hindi man kumbinsidong iwan ako ay tumango na lang si Manang Rosa. "Puwede ka namang lumabas, mag-iingat ka lang."
I could sense concern in her tone. Hindi nga ba't ginamot nito ang mga sugat ko noong nakaraan. Tipid akong ngumiti sa dalawang kaharap na agad ring nabura nang muli na namang mag-vibrate ang cellphone ko. I sighed and looked down at it, tamad na pinadaan ang daliri sa screen upang mabuksan ang mensahe na mula kay... Kanino pa nga ba.
Maybe: Yves Benedict De Salvo
Mahal ba reply mo? Tell me if you're charging for a reply so I can subscribe.
BINABASA MO ANG
Lavender Haze
Romance3rd Generation #1: The Lineage Continues Yves Benedict Vladislav-De Salvo Teaser