Chapter Five

525 7 0
                                    

Maganda ang sikat ng araw sa umagang iyon, hindi masakit sa balat. Bukod pa sa nakakapayapa ng kalooban ang tunog ng bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Ikinubli ko pa ang aking sarili sa batuhan habang ipinagpapatuloy ang ginagawang pagbabasa.

Ngayon ang unang araw ni Patrick sa hotel kaya maaga itong umalis, si Manang Rosa naman ay may pinapanuod na programa sa telebisyon nang matapos kaming mag-almusal. Ako ay sa dalampasigan nagpasyang ubusin ang aking umaga.

Malapit ko nang matapos ang libro, kagabi kasi ay halos hindi ko na ito tigilan. Ganito ako kapag maysadong nahahatak ng kung anong binabasa ko. I couldn't stop. I needed to know how it would end, kung hindi ay iyon na lamang ang siyang tatakbo sa aking isipan. I wouldn't be able to function in the real world.

"What part of the book are you in?"

Halos mapapiksi ako nang marinig ang baritonong tinig ni Yves mula sa aking likuran. I looked up from the pages and turned to him. Hindi ko inaasahang ganoon na siya kalapit sa akin dahil wala akong narinig o naulanigang mga yabag. He was barefoot, the white sand clinging to his worn-out jeans and t-shirt. Palagay ko'y galing sa pangingisda dahil basa ang mga iyon at naaamoy ko pa ang tubig dagat mula sa kaniya. His appearance was casual, but there was something striking about the way he carried himself, as if every step he took was deliberate. Para bang ihinulog ng langit upang pagpalain ang lupa.

I didn't want to look at him, but at the same time, I couldn't take my eyes off of him. Humahapit ang suot niyang t-shirt sa kaniyang katawan dahil medyo basa nga iyon. The fabric, faded and slightly frayed at the edges, seemed to have weathered many days under the sun. Maging ang pantalon niya ay parang ilang taon nang ginagamit, it had patches here and there. Hindi mo iisiping tagapagmana ang isang ito kundi lang nasa paraan ng pagkilos at pananalita. Yves wasn't flashy or extravagant.

Nang hindi ko siya sagutin ay mas lumapit pa siya sa akin, umangat ang sulok ng kaniyang mga labi na para bang sinasabing nasasanay na siya sa ginagawa kong pag-iignora sa kaniya. Dapat lang dahil wala akong balak na baguhin iyon. His intense gaze drifted to the book I was holding. Tapos ay muling ibinalik sa akin ang tingin, his gaze was unwavering, almost as if he was trying to read the story through my eyes.

"Just about to finish," isinara ko ang libro sa aking kandungan bago tumuwid ng upo. "Bakit mo naitanong?"

Yves smiled, lumitaw ang pantay pantay at mapuputi niyang mga ngipin. "I was just wondering if you're enjoying it. You seemed pretty engrossed."

Tumaas ang aking kilay nang sumalampak siya sa aking tabi, ito na naman siya sa pagiging feeling close. "I am. It's been a good read. Paano mong alam na narito ako? Sinusundan mo ba ko?"

He chuckled softly, his eyes twinkling with mischief. "I wasn't exactly searching for you. Nagkataon lang,"

Paanong nagkataon? Nakakubli ako sa naglalakihang mga bato. Siguradong hindi ako matatanaw mula sa kalakhan ng beach, hindi rin naman siya napadaan lang dahil wala namang daanan rito. Pero dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usapan ay hindi ko na inusisa pa iyon.

I looked down at the book, hindi sigurado kung ano bang dapat kong sabihin.

"So, what's the verdict?" Yves asked, his gaze returning to the book. "Is it as good as you hoped?"

I hesitated for a moment before answering. "It's been quite the ride. The ending is... intense. I guess I needed to see it through to the end."

Tumango-tango siya as though agreeing. "I've always thought that the best stories are the ones that pull you in and don't let go until the very last page."

Bigla akong napaisip, mahilig rin ba siyang magbasa? Palagay ko'y oo.

"I've actually read that one before. It's quite a gripping start, but I have to admit, it's not my favorite in the series." Sabi niya, marahil ay nakitaan ako ng pagkabigla.

Lavender HazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon