Chapter Three

246 7 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Katulad ng ipinangako ko kay Manang Rosa ay sasamahan ko si Patrick na mamalengke. Kagabi pa lang ay naiayos niya na ang listahan ng mga kailangan naming bilihin. Ayon sa kaniya ay mas mainam kung madaling-araw pa lang ay tutulak na kami sa palengke para mas sariwa ang mga produktong maabutan namin, hindi pa napapagpilian. May punto naman.

Mabilis akong naligo at nagbihis. I dressed in a comfortable shirt and capri pants, tapos ay nagpatong rin ako ng sumbrero sa aking ulo para itago ng bahagya ang itsura ko. I didn't want to draw unnecessary attention, baka mamaya ay batuhin na naman ako dahil ang pangit ko.

Nang bumaba ako ay nasa kusina na si Patrick, abalang naghahanda ng almusal. Agad niya akong natanawan, maganda ang ngiti niya habang nagtutusta ng tinapay, may ilang pirasong itlog na rin siyang naluto na nasa kabilang plato.

"Magandang umaga, Paige," bati niya sa akin. "Almusal muna tayo bago tumulak. Kakatukin pa lang sana kita sa silid mo pag tapos kong magluto."

Tipid akong ngumiti bago maghila ng upuan. I wasn't hungry, but it would be rude to ignore his effort. Kaya naupo ako at inabot ang tasa ng kape na inihanda niya para sa akin. Siya rin ay may sinisimsim habang nagpapainit ng tinapay.

"Kaya ko naman mamalengke mag-isa, kung hindi ka naman nagising ng maaga ay ayos lang sa akin na ako na lang ang gagawa." Pagsisimula niya ng usapan.

"Ayos lang, sanay akong nagigising ng maaga." Inamoy ko ang kape bago sumimsim roon. Nakagawian ko na ang ganoon. "Maraming salamat sa almusal,"

Patrick smiled, dinala na ang mga tinapay sa lamesa at naupo sa harapan ko. Hindi niya na sinubukan pang magbukas muli ng usapan dahil wala rin namang kalatoy-latoy ang mga sagot ko. Tahimik lamang kaming nag-almusal. Isang tinapay lang ay ayos na ako. Huhugasan ko pa sana ang pinagkainan namin pero mabilis niya akong naunahan. Hinayaan ko na, ayaw ko ng diskusyon.

"Unahin na natin ang mga isda dahil sa bukana lang naman iyon. Para rin bagong bagsak mula sa mga namalaot ang makuha natin." Sabi ni Patrick nang makababa kami ng tricycle.

Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa palengke, pero ito ang unang beses ko sa palengkeng ito. Community market lang naman ito kaya hindi kalakihan tulad ng mga pamilihan sa Manila. Kita ko agad ang hilera ng mga tindahan ng sariwang isda na tinutukoy ni Patrick. I turned to him, abala siyang nakayuko sa listahang ibinigay ni Manang Rosa. Medyo specific kasi ang klase ng mga isda na pinapabili nito sa amin pero tiyak naman daw na lahat iyon ay meron sa palengkeng ito, kung tatanghaliin nga lang ay baka agad na maubos ng iba pang mamimili.

"Halika, doon tayo," hinila ni Patrick ang kamay ko.

Hindi na ako nakapagreklamo dahil may mga tao na sa paligid namin, iginiya niya ako sa tindahan kung saan may ibinabagsak na mga bagong hango na isda. Hindi nga lang isda ang naroon kundi maging hipon, alimango at kung anu-ano pang lamang dagat.

"Magkano ho ang kilo ng maya-maya?" Tanong ni Patrick sa tindera na abala sa pagsasalansan ng mga isdang nasa balde.

"Dalawang daan pero sa'yo ibibigay ko na ng one-eighty!" Ngumiti ang tindera.

Hinayaan ko si Patrick ang makipagtawaran. Hindi ko rin naman alam kung magkano ang perang ibinigay ni Manang Rosa, o kung paano ba ang presyuhan ng isda ngayon. Huling punta ko ng palengke ay hindi pa nakakasal si Mama.

"One-fifty kaya, Ate. Tapos samahan ko na rin ng tig-isang kilong ubod at tilapia,"

"One-sixty naman!" Nakangisi pa rin ang tindera. "Bagsak na ang presyo nyan. Kung sa iba ka pa ay hindi ka makakatawad. Pasalamat na nga lang at mababa ang kuha ko nito kay pogi, eh,"

Lavender HazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon