CHAPTER 25

2K 125 24
                                    

"Sabay na tayo magpunta sa school and then diretso tayo sa mall, I want to buy a new shoes!"




Tumango lang ako sa sinabi ni Irene at hindi na nagsalita pa. It's been weeks since we returned from Seattle, and I jumped straight into handling my enrollments. Ganoon din naman si Irene kaya heto at balik busy sa school stuff na naman kami.





"Are you still not feeling well?" Nag aalala niyang tanong at kaagad na lumapit sa akin.





"No, napuyat kasi ako kagabi dahil tinapos ko 'yong pinanood kong k-drama." I lied.





I still feel weird sometimes. Most of the time, instead of doing the things I usually enjoy, I prefer sleeping or just lying in bed, munching on my new favorite snacks. I haven't gone to the doctor because I don't think it's anything alarming. Hindi ko rin nasasabi sa parents ko since busy sila ngayon.





"Sure ka ha?"





"Oo nga, napuyat lang."





Magsasalita pa sana siya kung 'di lang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mabilis akong napasimangot nang lumusot ang ulo ni Isaiah at ilang sandali pa ay tuluyan na talaga siyang pumasok.





"Hi." Nakangisi niyang sabi na lalong lumawak nang magtagpo ang mga mata namin.





Lumalim ang gatla sa noo ko nang mabilis siyang naglakad palapit. Napasimangot naman ako habang masamang nakatingin sa kan'ya.





"Good morning, Ri!" Masigla niyang sabi at talagang naupo pa sa kama ko.





"Walang good sa morning dahil nandito ka na naman!" Inis kong sabi sa kan'ya.






Mula noong nagusap kami sa Seattle ay mas lumala pa yata ang pagbuntot ni Isaiah sa 'kin. Sa buong week na nag stay siya sa Seattle ay halos sa amin na siya tumira. Bago ako matulog ay nasa bahay na siya at pagkagising ay naro'n na rin siya.






"Mag aaway na naman kayo. Kuya!" Reklamo ni Irene saka binato ng masamang tingin ang kapatid.






"What? It wasn't my fault!" Natatawang sabi ni Isaiah na nakataas pa ang dalawang kamay.






"Whatever. I'll go to school with my boyfriend kaya kayo na lang ni Ri ang magsabay." Sabi niya na kaagad kong ikinasimangot.





"But I thought we'll go to school together?"





"Hindi na lang since available naman ang bf ko. Let's just see each other sa school saka tayo magmo-mall. Sabay na kayo ni kuya, bye!"





Wala na nga akong nagawa nang tuluyan nang lumabas si Irene. Naramdaman ko naman ay panany na pagsundot ni Isaiah sa kamay kong nakatukod sa kama kaya agad kong inalis ang kamay ko saka masama siyang tinignan.





"Ayokong sumabay sa 'yo!" Inis kong sabi.





Ayoko talaga dahil naaasar ako sa pagmumukha niya. Kahit ang boses niya ay nakakaasar sa pandinig ko pero wala akong choice ngayon.





"Bakit ba ang init ng ulo mo sa 'kin?" Nakangisi niyang tanong.





Mas lalo lang akong nainis sa kan'ya. Bakit ba siya laging nakangisi na para bang tuwang tuwa siya? Hindi talaga ako natutuwa. Gusto ko na lang burahin ang pagmumukha niya.





Friends with Benefits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon