Chapter 3

238 4 0
                                    

Paula Naomi POV

Pagkababa ko sa taxi tumakbo kaagad ako saka pumasok sa university at dumeretso sa room

Pagkapasok ko umupo kaagad ako sa pinakalikod. Ayoko sa harapan parang hindi ako sanay na ganon.

Bigla naman lumapit sa akin si mica ang tinuri ko na bestfriend s***h kapatid. Nandyan sya sa tabi ko
noong nagluluksa ako sa kanya, kasama ko noon sa pagbubuntis Kay Janah.

Alam niya rin na may asawa ako dahil nakwenri ko noon sa kaniya. Reaction? OA kung makapagreact siya.

"Pau. May bago daw tayong proctor ee." Balita nito.

"Mica. Alam mo naman na hindi ako interesado sa mga ganyan. Alam mo yan." Natatawa na sabi ko sa kaniya.

"Pag nalaman mo kung sino tiyak nasobrang bibiglain ka."

"Ayokong malaman mica. Hindi ako interesado." Sabi ko.

"Ewan ko sayo pau." Pagtatampo niya. Kaya natawa lang ako.

"Bumalik ka na sa pwesto mo mica." Pagtataboy ko sa kanya.

"Haist!* Pagdadabog niya saka bumalik sa pwesto niya. Tumingin ito sa akin at sinamaan niya ako ng tingin, napailing na lang ako.

Grabe college na kami pero makaasta siya parang bata.

Kinuha ko yung notebook ko saka nagbabasa ng lecture ng biglang may pumasok pero hindi ko na kailangan tignan, hindi talaga ako interesado. Promise.

"Good morning class." Sabi nito pero hindi pa rin ako tumingin sa harapan.

"Good morning sir." Bati ng mga kasama ko.

TO BE CONTINUE.....

My Professor Is The Father Of My Daughter | COMPLETE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon