Paula Naomi POV
"Sagutin mo na lang yung tanong ko!" Diin na sabi niya, kaya bumugtong hininga na lang ako
"Oo dahil sa kaniya." Pagsisinungaling ko. Kung alam mo lang Lecxis anak natin ang kausap ko.
"Hindi ko pirmahan yung annulment paper kung sakaling ibibigay mo. Hindi ko hahayaan na maghiwalay tayo ng dahil lang diyan. Mahal pa rin kita Paula." Pagkatapos umalis lang siya bigla.
Pumasok na ako sa room matapos yung sinabi niya.
Ginagawa ko lang naman ito para kay Janah, ayoko lang na dumating yung araw na iiwan niya naman kami ng anak niya.
Baka masaktan lang si janah Pag nagkataon na gawin niya ulit iyon, kahit mahal na mahal ko pa rin si Lecxis.
Lumipas ang Ilan araw na iniiwasan ko si lecxis. At ilang araw narin matamlay si Janah.
Tinatanong ko naman siya kung okay lang siya pero sinasabi niya okay naman daw siya kahit hindi naman. Kanino kaya nagmana si Janah sa katigasan ng ulo. Malamang sa malamang sa daddy niya.
"Ma, ikaw na munang bahala kay Janah aa. Tawagan mo ako pag may problema. Alis na po ako na."
"Ingat ka anak." Sabi ko.
Umalis na ako sa bahay saka pumunta ng university. Pumasok na ako sa room saka umupo sa pwesto ko.
Dumating na rin si Lecxis saka tumingin sa gawi ko, kaya umiwas ako sa tingin niya.
Nakakamiss siya kahit na iniiwasan ko siya. Alam ko na makulit yan kahit noon pa man, pero kailangan ko siyang iwasan dahil baka magbago ang desisyon ko na makipaghiwalayan sa kaniya ng tuluyan.
Nasa kalahating pagtuturo si Lecxis ng biglang tumunog yung phone ko.
"Sir. Excuse lang po." Sabi ko. Tumango lang naman ito bilang sagot.
Sinagot ko kaagad dahil si mama ang tumatawag.
"Ma bakit?" Nagtataka na tanong ko
"Anak, nandto kami ngayon sa ***** hospital pumunta ka na kaagad dito."
Binaba ko na kaagad saka pumunta sa room para kunin yung bag ko kahit nagtuturo si Lecxis.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako noong pumunta ako sa classroom namin.
"May problema ba Ms. Villarreal?" Tanong nito.
"Wala*sob" po sir. Mauna na po ako *sob" may emergency "sob* lang po." Humukhikbi na Sabi ko kay lecxis saka kinuha ang bag ko saka tumakbo papunta sa labas ng university saka sinabi kung saan yung hospital na pupuntahan.
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
My Professor Is The Father Of My Daughter | COMPLETE ✔️
Romance"ayoko na Lecxis. nakakapagod na kasing maghintay sa taong nangiwan ng 4 na taon. Siguro kailangan na natin maghiwalay. ipapadala ko na lang yung divorce paper" - Paula Naomi Started: August 15, 2024 Ended: August 24, 2024