Jael's POV
KUMURAP ako upang putulin ang titig ko sa kanya. Huli na para mapagtanto ko na nakaawang ang aking bibig matapos marinig ang sinabi niya. Akma pa siyang magpapaliwanag ulit nang itaas ko ang kamay ko.
"I think you should leave, Father," sabi ko at tila natauhan naman siya.
Tumingin ako sa mga kalat sa paligid. Hindi ko ma-imagine kung anong nangyari bago ako nawalan ng malay nang dumating siya kanina. Wala sa katinuan ang gagawa ng ganitong kalat. Kaya tumayo ako at inumpisahang pulutin ang mga throw pillow sa sahig.
"Let me help you—"
"No," pigil ko sa kanya. "Please, just go home. Ako na ang bahala rito."
Napalitan ng pag-aalala ang mukha niya at sinabing, "Are you sure?"
Tumango ako at inayos niya ang dalang gamit, nilagay ang krus, Bibliya, at purple na tela sa loob ng briefcase. He really brought his kit.
Walang nagsalita sa amin hanggang sa hinatid ko siya sa gate, bakas din ang hapo at bigat sa kanyang itsura kaya hindi na rin siguro nakapagsalita. Pagkatapos ay pumunta ako sa barangay hall at humingi ng tulong sa mga tanod. Noong una pa nga ay parang ayaw pa nilang maniwala na may kinse anyos na dalagita ang umatake sa'kin. Sa huli ay sinamahan nila ako pabalik.
Subalit nang halughugin namin ang bahay ko ay ni anino ni Maviel ay hindi nakita. Nag-inspection din sila sa labas at nagtanong-tanong sa mga nakatambay pero wala pa rin.
When they left, I frantically checked all the locks of my doors and windows. Naligpit ko na 'yung mga kalat pero panay pa rin ang pagtapik ng daliri ko. I even tried to check my red notepad but the anxiety didn't go away.
I continued tapping and tapping my fingers until I finally gave in.
Dis oras na ng gabi nang tawagan ko siya.
"What a surprise, Jael, naisipan mo ring magparamdam sa therapist mo—"
"Anong gagawin ko, Andie?" tanong ko sa kanya nang umupo ako, hawak ang phone habang ang isang kamay ko ay panay tapik sa sofa.
"What happened?" biglang napalitan ng pag-aalala ang boses ni Andrea.
"I think I relapsed," pag-amin ko. "The tapping... It's back. I can't stop."
Matapos ang anim na buwan na huli naming pag-uusap, akala ko ay okay na ako dahil kaya ko nang i-manage ang pagtatapik ko sa pamamagitan ng pag-check sa red notepad. Pero muli ulit bumalik ang dati kong pattern—just when I thought I had it under control.
I heard her sigh. "Something distressful happened, right? Tell me."
Napaisip ako saglit. Kaklase ko noon si Andrea sa Med school, I don't exactly think of her as a friend, but when I decided to finally get help ay siya ang psychiatrist na tinakbuhan ko noon dahil kilala siyang sa integridad niya bilang straight A student.
BINABASA MO ANG
A Numinous Affair (Salvation Series #1)
General FictionIsang pari at doktor ang makikipaglaban sa pwersa ng kadiliman kundi pati na rin sa kanilang lumalagong atraksyon sa isa't isa. Will they be able to resist the temptation and complete their mission or will love be their ultimate downfall? A Numinous...