Prologue

6 2 0
                                    

Elyza

Ring.. Ring.. Ring..

Why isn't he answering my calls?

"Wala pa rin? May ibang babae na yan" ngumisi pa si Pauline na parang inaasar ako. Unfortunately, pikunin ako.

Tinawanan ko lang sya nang marahan pero sa loob-loob ko gusto na talagang umikot ng mata ko.

As we continuously walked, tuloy-tuloy lang din ang pag-ring sa phone ko. I'm trying to call Kiro, my rp boyfriend. Why? I just want to. Naisip ko lang. But why isn't he answering? Nasa main account nya ba sya? Parang kanina lang kausap ko pa sya ah.

"Wag mo nang pilitin, ely" pau insisted. Hindi na nya ata ako inaasar, mukhang seryoso na eh. Still, nakakainis. Urgh! Ba't ayaw nya ba kasing sagutin grr.

Some moments after, I felt the droplets of water running down on my skin. I looked up in the sky and saw it turning from light blue to gray. Kahit mag 6pm pa lang, mukha nang gabi ang langit. I sighed in frustration because I don't have an umbrella, even Pau.

I still pressed the call button on my screen and gently put the phone on my ears. And just as I thought that this day couldn't get any worse, I saw him. The very guy who structed a lightning on my heart. He's the acid rain that I wouldn't even want to get a hold of my skin. He's the reminder that whenever a rainy day comes, my tears would also pour down.

Hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya mula nang makita ko syang lumiko sa direksyon namin at tumakbo palampas sa akin. Our eyes met for a brief second but that was just that. There's no emotion or expression that I could conclude on those eyes that was once fixed on mine.

Nang lumampas sya sa direksyon namin ni Pauline, para ba akong nanghina. Bakit pa nga ba sya hihinto para sa akin kung matagal na rin naman kaming tapos?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, not until I felt na wala na akong kasunod. Tumingin ako sa likod at nakita si Pauline na nakatakip sa kanyang bibig. Maybe she was shock to see how that guy and I walked past through each other like we were just strangers. Part of it was true though.

Sa di kalayuan ng kinatatayuan ni Pauline, tumagos ang tingin ko mula sa kanya hanggang sa lalaking hingal na hingal. Tumatagaktak ang pawis sa jersey nya, hawak nya pa ang magkabilaang tuhod nya at pawang naghahabol ng hininga, at nakatingin din sya. Sa akin?

Nag aassume lang ba ako o para talaga sa akin ang tingin na iyon? Pero para saan pa? Alam ko rin namang wala na talagang pag-asa.

Bumalik ang paningin ko kay Pauline na mula sa pagkakasemento sa kinatatayuan nya ay gumalaw ito at humawak sa braso ko. "Nakita mo ba yun??" tanong nya at inalog ako.

Tiningnan ko ulit sya sa malayo pero wala na. Nakaalis na sila ng pinsan nya. Galing siguro sa jogging sa Robinson or liga yung mga yun. Complete package ba naman ang damitan pang laro. Pero ano bang pakialam ko?

"Huy beh, nakita mo ba si ulan?? Nilampasan ka lang?? Ganon na lang yun??" inalog nya pa ulit ako. "Kinikilig ako beh, comeback na ba??" pangungulit nya pa.

"Comeback? Nilampasan nga ako? Saka may boyfriend na ako, pau" I defended.

"Rp boyfriend."

Totoo naman. Rp boyfriend, wala kang alam sa totoong taong kausap mo. Naglalaro lang naman kami, nilalaro lang namin ang isa't-isa. Siguro once, oo, akala ko totoo yung feelings namin sa isa't-isa pero kalaunan mararamdaman mo talagang may kulang.

Nang makarating sa kanto ay nagpaalamanan na kami sa isa't-isa at umuwi na sa kanya-kanyang naming tahanan. Hindi na rin tumuloy ang ambon para maging ulan. Maybe it just greeted me with the memories of him.

Pagkarating sa gate ay kinuha ko na ang susi ko pero bago ko pa pihitin ang pinto ay bumukas na ito. Tumambad sa akin ang kuya ko, nakaayos ito at mukhang aalis din, bitbit nya pa ang susi nya sa kanang kamay nya.

"Oh nandito ka na pala, ilock mo yung pinto at may susi naman ako. May pagkain na dyan kaya kumain ka na lang pag nagutom ka, may pupuntahan lang ako" tumango lang ako at nilock na ang pinto pag-alis nya.

Diretso agad ako sa pinakataas na palapag para humiga at sabay kuha sa phone ko. Pagbukas ko ng facebook app, naakit ng pansin ko ang notification na mula sa facebook profile ko.

Rain reacted ❤️ to your profile picture

Bakit nagpaparamdam na naman sya? Nag aassume na naman ba ulit ako?

Pero kung sakaling may balak man talaga syang bumalik ulit, kakayanin ko pa rin ba? Minsan na akong natangay at nalunod sa agos ng pagmamahal nya, sa huli, nagmakaawa lang din akong umahon at umalis.

Naihawak ko ang phone ko sa dibdib ko at napapikit na ako nang maramdaman kong mag init ang dalawang mata ko at dumaan ang mga luha sa magkabilaang pisngi ko.

Paano nga ba humantong sa ganito? Lungkot ang dala ng pagpasok nya sa buhay ko pero para bang naging mas malungkot nang nawala sya sa tabi ko. Ano pa nga bang pinanghahawakan ko at hindi ko man lang mapakawalan ang nararamdaman kong ito?

Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko nang magsimula na akong humikbi. Kasabay non, bumalik ang ulan nang paunti-unti.

Rainy DaysWhere stories live. Discover now