Chapter 3

2 0 0
                                    

Iniligpit ko na ang mga ginamit kong notebook, papel at ballpoint pen sa pagsusulat ng kung ano-ano at inilagay na ito sa malaki at kulay pink kong bag. Nang matapos na ako ay isinukbit ko na 'to sa balikat ko at handa nang lumabas ng room.

Tapos na ang lahat-lahat maliban na lang sa pagpapakilala ng mga magiging teachers namin sa iba't-ibang subjects. Siguro bukas pa 'yun dahil hindi na kas'ya sa time.

Napatingin ako sa whiteboard nang mapadaan ako roon. Nakasulat pa rin doon ang mga pangalan ng naging elected as class officers . . . kabilang na ako.

Shan Edrian Narciso as President.

Chevi Aldrine Decosto as Vice President.

Alyssa Jazel Norian as Secretary.

Mitchell Buencamino as Treasurer.

Luis Reynan Dy as Auditor.

Cedie Prelaya and Althia Mendoza as Sergeant at Arms.

Elyza May Santos as Muse and Austin Ocenar as Escort.

Kagaya ng nangyari sa akin, wala na rin ngang naganap na botohan at mabilis nang naitalaga si Austin para maging escort ko.

"Ayeee si muse hindi makapaniwala na kapartner na n'ya si crush," Mitchell came out of nowhere to just tease me.

Humarap ako sa kan'ya at nginitian lang s'ya. I deeply sighed out of frustration as I turned my back at her.

Lumabas na ako ng room at pumila na para umuwi. Isang hakbang ko pa lang palabas ng pintuan, bulungan at tinginan na agad ang sumalubong sa'kin.

May ilan pa nga'ng lumalapit sa akin para lang ulit-ulitin at ipamukha talaga sa akin na ako ang muse at si Austin ang escort ko. Kagaya na lang ng ginawa ni Mitchell.

'Eto na nga ba ang sinasabi ko, what a disaster. I just awkwardly smiled at them, kahit pa gusto ko na silang pagbuhol-buhulin isa-isa. Nakakagigil e.

Mariin akong napapikit ng mata at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Sa pagbukas ko ng mga mata, ang mukha agad ni Austin ang nahagilap ko sa harapan ko.

Hindi s'ya ganoon kalayo sa kinatatayuan ko ngayon pero damang-dama ko na ang inis at galit n'ya sa'kin sa paraan ng pagkakatingin n'ya na parang 'kala mo ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kan'ya, lalo na nang mas lalong tumalim ang pagkakatitig n'ya nang makitang nakatingin din ako sa kan'ya. Pwede ko na hong ibaon sa lupa ang kaluluwa ko ngayon.

Napaiwas na lang ako ng tingin at sakto namang umuusad na ang pila naming mga babae papababa kaya sumunod na rin ako.

Nang makarating na kami sa ground ay saka lang kami nagwatak-watak dahil ang iba sa amin ay bibili pa muna ng pagkain sa canteen, ang iba naman ay tatambay lang muna o maghihintay sa kapatid nila sa ibang grade o section at ang iba naman ay deretso uwi na o gagala.

"Elyza," ate Kairene approached me. "Sasabay ka ulit sa akin?" tanong n'ya.

"Hindi na ate Kai, may sundo na rin kasi ako," nakangiti kong sagot sa kan'ya.

Tumango s'ya at hinawakan na lang ako sa kaliwang kamay ko at sabay naming tinahak ang daan palabas.

Dati kasi lagi kaming sabay umuuwi galing sa school pero sabi ng mga kuya ko, magrenta na lang daw ng service para hindi gaano hassle. Sila na rin daw ang magbabayad para hindi ko nagagalaw ang perang pinambabaon ko.

Paglabas namin ng gate, binitiwan na rin ni ate kairene ang kamay ko at inilipat 'yon sa strap ng backpack n'ya. "Yun na ata ang sundo mo," nguso n'ya.

Napatingin naman ako roon at naaninag ko na sa 'di kalayuan si lolo Peming. Nasisinagan ng init ng araw ang kulubot nitong mga balat at nakasuot ito ng sombrero. Nang mapatingin ito sa akin ay ngumiti ito at kumaway-kaway pa.

Sabay naming tinahak ang daan palapit sa motor na sasakyan ko. Napatingin ako kay ate Kairene nang huminto kami sa tapat ng tricycle at nahuli ko itong nakatingin rin sa akin. "So mauna na ako?" I awkwardly asked.

"Uhm sige sige. . . Maghihintay na lang din ako ng motor," sagot n'ya at niyakap ako bago ako pumasok sa loob ng motor.

Nakangiting nagkawayan pa muna kami sa isa't-isa bago umandar na ang motor na sinasakyan ko.

Nagpasalamat ako kay lolo Peming nang makarating na kami sa amin. Tumango lang naman ito at saka na ako pumasok sa loob ng bahay namin.

Naabutan ko si mama sa sala, nanonood ng It's Showtime ng abs-cbn. Dideretso na sana ako sa 'taas nang magsalita siya.

"Hindi ka ba magmamano?" halata sa malalim na tinig n'ya ang awtoridad.

Nakalimutan ko na naman. I gulped.

Napatigil ako at pumunta agad sa kan'ya para magmano. Pagkatapos no'n umakyat na agad ako sa second floor para magbihis ng damit na pambahay.

Nilapag ko muna ang bag ko at nagsimula nang magpalit. Hinanger ko ang palda kong kulay berde at nilagay na sa basket na may lamang mga labahan ang nasuot ko nang puting polo.

Pagtapos ay napatingin ako sa sarili ko sa malaking salamin na katabi lang ng cabinet ko. Mabilis kong naaninag ang magulo kong itim na buhok kaya inayos ko ang pagkakatali n'yon bago ako bumaba para kumain.

"Ma," tawag ko sa kan'ya nang maabutan ko s'yang nanonood pa rin sa tv.

Tumingin s'ya sa akin sandali at mabilis na binalik ulit n'ya sa pinanonood n'ya ang kan'yang paningin. "Nauna na akong kumain. Kumain ka na lang mag-isa at maghugas ng plato," utos n'ya na ginawa ko naman.

Nagsandok na ako ng kanin sa rice cooker at kumuha ng adobong baboy na nasa kaserola. Pagtapos ay umupo na ako at kumain.

Si mama ay nakaupo pa rin sa di gaano kalakihang sofa katapat ng tv. Magkakrus ang mga braso n'ya at tutok na tutok sa tv ang mga mata n'ya. Minsan pa s'yang matatawa nang dahil sa mga jokes ni Vice Ganda.

Di kalayuan sa tv ay ang lamesang kinakainan ko ngayon. May anim na upuan ito sa bawat sulok pero tatlo lang talaga kaming tao rito dahil ang pamilyado kong kuya ay may sariling bahay at ang isa ko pa namang kuya ay nasa seminaryo.

Pagtapos kong kumain ay uminom na ako ng tubig at dumeretso na sa lababo para maghugas ng plato. Nadatnan ko ang isang plato, isang kutsara, isang panandok at isang baso sa lababo. Do'n ko na nga nakumpirma na kumain na nga talaga si mama.

Nagsimula na akong maghugas.

"Kumusta iskul mo?" biglaang tanong ni mama.

Sumagi sa isipan ko ang mga pangyayari kanina.

"Okay lang," naisagot ko na lang at wala na akong narinig mula pa sa kan'ya.

Ayaw kong sabihin na muse ako ng section namin. Ayaw ko kasing makarinig ng opinyon mula sa kan'ya. Wala rin namang magandang nailalabas ang bibig n'ya.

I sighed out of nowhere nang matapos na akong maghugas.

Kalahating araw pa lang naman but it feels like a whole day already. Sa dami ng mga nangyari kanina, parang ang hirap iproseso isa-isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rainy DaysWhere stories live. Discover now