Kinabukasan, nahuli ako ng gising. Minadali ko na lang ang lahat-lahat, isinuksok ang lahat sa bag, isang pasada ng suklay sa buhok kong hindi ko nga ata nabanlawan nang maayos. Sa huli, isinuot ang sapatos kong may takong at kumaripas na paalis ng bahay.
Bawat yapak ng paa ko ay syang irita ko sa tunog na ginagawa nito. Hindi ko alam kung maingay ba talaga ang mga sapatos na suot ko o sadyang hindi lang ako marunong maglakad na may takong. Sa katunayan, bagong bili lang ang sapatos na 'to at ilang taon na rin ang huling pagsusuot ko ng sapatos na ganito kaya't paminsan-minsan pa akong natatapilok sa paglalakad dahil dito.
Worth it ang pagod nang marating ko ang kanto ngunit sa kasamaang palad ay wala ni isang motor ang naipara ko. Ang iba'y may laman, ang iba naman ay pupunta sa service nila at ang iba ay ayaw lang talaga magpasakay dahil malayo raw ang eskwelahan ko. Sa isip-isip ko, hindi naman kalayuan iyon kung lampas lang ng palengke pero wala naman akong magagawa kung ayaw talaga nila.
Sa kakapalinga-linga ko, sya na naman ang nahagip ng mga mata ko. Tadhana na ba ito o sadyang maliit lang ang mundong ginagalawan ko? Ang aga-aga, sinisilaw na naman ako ng mapang-akit nyang mga matang hindi man lang ako mapagtuunan ng paminsang tingin. Ang mukha nyang natural nang masungit pero cute pa rin.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para sulyapan sya't magpaakit pero late na rin naman ako kaya't hayaan nyo na akong lubos-lubusin. Ano bang meron sa magkakasunod na araw ko ngayong linggo at magkakasunod rin ang pagpaparamdam mo sa akin? Tadhana pa rin bang maituturing kung parang ikaw na ang lumalapit sa akin?
Ano bang gusto mong dapat kong gawin? Papasukin ka ulit at magpaangkin? Baka ako na naman ang matalo sa huli. Nakakadala lang, ulan. Nakakadala na.
Alam ko sa sarili ko na dalang-dala na ako sa pasakit na naranasan ko pero kaya pa rin ako nitong hilahin. Pabalik sa iyo. Kahit anong pilit ko sigurong magtimpi, ang paningin ko ay laging tatapat lang sa presensya mo. Hahanap-hanapin ka sa pagkawala mo at palaging may paraan, makabalik lang sa piling mo.
Bakit ba ako nagkakaganito? Gusto ko na lang sampalin ang mukha ko. Pasimple pa akong tumitingin sa direksyon nya nang bumaba sya sa tricycle na sinasakyan nya kanina, di kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon, at maging hanggang sa paglakakad nya papasok sa school na malapit lang din sa bahay namin. Kunyare ay naghahanap ng masasakyan na motor ang mata ko ngunit sa likod nya sumusulyap ang mga ito habang naglalakad sya palayo.
Sa kakapalinga ko, nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng driver ng tricycle na sinasakyan ni Rain kanina. Lolo nya pala ito. "Walang ka bang masakyan, ija? Saan ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Pwede po ba kayo sa Tinaja National High School? Lagpas palengke lang po sana. Pasensya na po, late na po kasi ako," pagmamakaawa ko pa.
Hindi naman na sya nagdalawang-isip pa at pinasakay na ako sa loob. Ang kaso nga lang hindi ko alam kung paano dahil may harang yung motor. Imbis na magtanong dahil nahihiya ako, pinilit ko na lang na ipasok ang sarili ko kahit may harang. Kaya ko naman dahil maliit ako.
Nagsimula na itong umandar nang makaupo na ako sa loob. Habang nasa daan kami ay nagtanong pa ako kung may panukli ba si Lolo dahil buong 100 ang pera ko. Ang sabi nya ay doon na lang daw kami magpabarya dahil wala syang dalang pera.
Pagdating ay nagpabarya agad ako para maiwasan kong mapaghintay sya at iniabot din agad sa kanya ang benteng bayad ko. Nagpasalamat pa ako bago sya humarurot paalis at pinigilan ko pa ang sarili kong magpakilala na kakilala ko ang apo nya dahil baka iba ang isipin nya.
Sa huli ay pumasok pa rin akong may ngiti, hindi alintana ang oras at tanging kilig na kinikimkim lang ang nasa isip ko. Paano ba naman, nagkaroon lang kami ng interaction ng lolo nya. Ang liit na bagay lang pero heto, ang laking bagay na sa akin para maramdaman ko ang overwhelming feeling na ito ngayon.
Nang marating ko ang second floor ay sinilip ko muna ang loob kung may nagkaklase na bang teacher. Nang wala pa ay dumiretso na ako papasok nang hindi kumakatok at nagmamadaling umupo sa pwesto ko.
"Tsk tsk tsk. Ay talaga naman, late na bata" unang bungad ng katabi ko na si Marc.
"Atleast, wala pang teacher" pagsusungit ko pabalik pero tumawa rin. Biruan lang talaga namin yan, kunyare ay magkaaway kami.
Maya-maya ay dumating na rin ang first period teacher namin. "Good morning, 10-SSC. No need to greet back and pray, wala na tayong time. Let me just plug my laptop so we can start and hopefully we can finish our lesson for today. Whooo nakakahingal naman umakyat sa hagdan na yan, jusko dai, para akong naghiking" hingal na hingal na pagbibiro pa ni sir.
Mahina naman kaming natawa at nakinig na nang magstart syang magturo. Regular mathematics ang subject nya sa amin. Eto yung math na tinuturo rin sa mga regular sections, from section 1, section 2 and so on. Ang isa naman ay Math elective, eto yung pangalawang math namin pero sa aming special science class or ssc lang tinuturo dahil above ang section namin sa iba pang sections.
***
Matapos ang 6:00 to 4:30 naming klase ay time na para umuwi. Nang lumabas kami ng eskwelahan ay tirik na ang araw at kaming mga ssc students lang ang lumalabas dahil kanina pang 12:30 ang uwian ng mga pang umagang regular classes.
Minsan nakakainggit dahil mas nauuna silang lumabas kesa sa amin pero kung iisipin, mas okay na rin kasi lamang naman kami sa knowledge dahil advanced ang mga lessons na itinuturo sa amin kesa sa kanila.
Nang magkita-kita sa harap ng gate ay nagkawayan na kami ng kanya-kanyang mga paalam at umiba na ng mga direksyon pauwi. Pumara naman ako ng tricycle at umuwi na rin. Nang makauwi, wala pang bihis-bihis o kahit na anong pag-aayos ay humilata na agad ako sa kama dahil sa pagod. Ilang saglit lang ay nakatulog din ako.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko para magsaing at pagturn-off ko nito ay sya namang notif ng live sa Facebook ng kapatid ni Rain. Oh, it's Rain. He's playing basketball and nillive ito ng kapatid nyang si eys.

YOU ARE READING
Rainy Days
Ficção AdolescenteReady to take the risk again, Elyza May Silvera faced the Rain that once was a storm that destructed her heart. But once again, she was captivated on that rainy day.