Chapter 1

8 3 0
                                    

Some years ago..

"Good morning!" ate Kairene surprised me. Ngiting-ngiti s'ya ngayon sa harapan ko at mukhang excited na excited.

"Good morning din," I smiled back at her.

She held my hand and I just let her dragged me. I can really feel her excitement by just the way we're moving now. Marahang lakad, hanggang sa bumilis na nang bumilis at namalayan ko na lang na tumatakbo na pala kami at natatawa na lang talaga ako sa pinaggagagawa namin.

Pamilyar na ingay agad ang sumalubong sa'min sa second floor ng building, where our room is. I smiled. I missed it.

We stopped and faced the view. "We're here," ate Kairene said while the smile on her face is still on it.

Nakahilera ngayon ang mga bag ng mga classmates namin sa sahig. Girls on the left and boys on the right. While the owners are on their own businesses.

Nagkatinginan kami ni ate Kairene at sabay na natawa. Nilapag muna namin ang mga bag namin sa sahig at napag-isipang bumaba na sa ground.

Monday ngayon pero medyo maaga pa naman para magkatao rito ngayon. Umupo ako sa harapan ng stage at gano'n din naman ang ginawa n'ya.

"Nakakamiss noh, ate kai?" I faced her.

"Oo nga, grabe ilang buwan ko rin hindi narinig ang ingay ng 5-Narra," she said while smiling.

"Na 6-Einstein na ngayon," I softly chuckled.

Tumambay lang kami rito ng ilang oras bago bumaba na ang iba pa naming mga kaklase, dahilan para tumayo na rin kami at sumabay na sa pila.

Hanggang sa ang pila ng section namin ay nadagdagan nang nadagdagan ng pila rin ng iba pang mga sections.

"Hello?" static voice on the stage. It's sir Renol Dela Rosa checking the mic if it's working or not. It's also a signal that the flag ceremony were about to start.

"Pakiayos ng pila grade 6," I got stoned for a few seconds after he said 'grade 6', as it was supposedly 'grade 5 and 6'.

I don't know if may hearing problems na ba ako or what. Basta grade 6 lang ang narinig ko. But also, I noticed na parang wala nga talaga kaming any grade 5 students as an acquaintance here.

Sa kaka palinga-linga ko, naabot ng isang lalaki ang pansin ko. White collared buttoned shirt and brown khaki trousers, of course that's the boys' school uniform. A messy black hair, round face, not-so-thick eyebrows, dark brown eyes, pointed nose and small lips.

He seems like a cold person and an antisocial one because when he arrived, almost everyone noticed it but no one even approached him. I was expecting more of a fist bump or waves coming from his classmates but it's a no-no.

S'ya lang din ang tahimik sa hilera ng section nila dahil s'ya lang ata ang mabait na estudyanteng walang ibang kinakausap o binibigyan ng pansin kung hindi ang stage.

He just stood there in line with his straight posture facing the stage. And I'm guessing he's late, for he's carrying his black bag at his back.

"Hindi na ata isasabay sa'tin ang grade 5 kasi masyado nang masikip. Sa room nalang din siguro sila magfa-flag ceremony kagaya ng mga grade 1 to 4," ate Kairene caught my attention. Napansin n'ya siguro ang ginawa kong paglinga-linga kanina.

I faced her and nodded. She just rewarded me with a smile. Ibinalik ko na ulit ang paningin ko sa lalaking nakita ko kanina. And I am not yet ready to sell my soul to death when I saw him looking at me also.

I literally got goosebumps but I didn't let him notice it. I also stared back at him like we're in a stare fight. It didn't last for long when he withdrew and returned his sight to the stage.

I confusedly furrowed and I just looked infront also. Sakto namang nagsimula na sa prayer si sir Renol sa harapan.

Kasunod naman n'yon ang pagplay ng Lupang Hinirang sa dalawang naglalakihang speakers sa magkabilaang gilid ng stage at pagtaas ng isang boy scout sa Philippine flag mula sa flagpole.

***

Inabot lang naman ng kalahating oras ang naging flag ceremony at pinabalik na rin kami sa kanya-kanya naming mga rooms.

Pag-akyat namin ay kanya-kanya na rin kaming kuha ng bag sa lapag. Papasok na sana ang iba matapos nilang makuha ang mga gamit nila pero isang babae ang sumulpot sa harapang pintuan, animo ay hinaharangan pa kaming pumasok.

"Okay class, good morning. I am Ms. Loreine Salcedo at siguro naman alam nyo na, na ako ang magiging adviser ninyo for this school year, right?" nakangiti n'yang sambit at tumango lang naman kaming lahat.

Ang mga mata n'ya agad ang umagaw sa atens'yon ko. Isang tingin pa lang kasi sa mga ito, alam mo na agad na may problema s'ya sa paningin. Masama mang manghusga pero halatang-halata talaga ang pagkaduling ng kan'yang mga mata.

"Great! Then I hope we can all get along together!" she added. "Anyways, before we proceed on the other things, kindly fall in line first based on your surnames."

Agad na kumilos ang lahat at maingay na hinanap ang magiging pwesto nila. Ewan ko ba sa mga 'to, nung mga previous years gan'yan din naman ang ayos namin pero hindi pa rin talaga sila masanay-sanay sa kung sino ang nasa harapan at nasa likuran nila. Samantalang kami-kami pa rin naman ang magkakaklase mula grade 2.

Habang ako naman ay nakasimangot na hinanap si Joana at pumwesto sa likuran n'ya. Swear, I hate this set-up.

Sanay na rin naman ako sa gan'tong arrangement dahil lagi naman namin 'tong ginagawa but by just thinking na hindi na naman kami magiging magkatabi ni ate Kairene– err I despise it!

Mercadejas kasi s'ya at Silvera naman ako. I looked at her and I involuntarily pouted. She just teasingly smiled at me.

As expected nasa bandang likuran na naman ako. Napapalibutan ng mga computers ang paligid namin. Actually, ito nga ang harang namin sa tao sa gilid namin. Sa harapan nga lang wala.

There's also a tv screen infront, bandang taas at pumapagitna sa isang malaking whiteboard sa harapan.

"Nasa tamang upuan na ba ang lahat?" tanong ni ma'am sa harapan at nagsitanguhan naman ang lahat. "Okay now, since kilala n'yo na ako, it's now time for you all to shine and to introduce yourselves, infront mula sa'yo," turo n'ya kay Reigha.

"Oh wait lang, wala pa," natatawang pigil n'ya rito nang akma na itong tatayo at magpapakilala na sa harapan. Natatawang sumunod rin naman ito at bumalik na sa upuan. "I want you to introduce yourselves like this; Good morning everyone, I am, state your name, Loreine Salcedo. 27 years old. What do you want to become in the future or how will you describe your personality. For example, I am a teacher. And nice to meet you all," she utter. "Ganon lang naman 'yon. Just state your name, age, hobbies or dream and etchetera etchetera."

Gano'n nga ang ginawa ng lahat nang tawagin na n'ya sa harapan si Reigha.

"Good morning everyone, my name is Reigha Aleria. 13 years old. I'm into editing photos and videos. I also have a vlog at YouTube namely Reighaleria. And I do all the editing there..Nice to meet you all."

"Good morning, I'm Earl Adionso. 14 years old. I'm currently the Mayor of the Supreme Pupil Government or SPG. I like to play mobile legends and I'm also into painting. My dream is to become a lawyer. I'm glad to meet you all again, everyone."

"Good morning to you all, this is Adielaide Blamino. 13 years old. A digital editor. Procrastinator and singer. Nice to meet you all."

Tuloy-tuloy lang sila sa pagpapakilala ng sarili nila sa harapan habang ako naman ay lumilipad na naman ang isip sa kung saan.

Ano kaya'ng pangalan n'ya?
What section is he in?
I wonder what's the sound of his voice too.

Sa paglalayag ng isip ko, hindi ko na namalayang ako na pala ang susunod. Naramdaman ko na lang ang tapik ni Joana sa akin. S'ya ang una dahil Remigio s'ya bago ako.

Tumayo na ako at pumwesto sa harapan. Kitang-kita ko ngayon ang lahat ng kaklase kong nasa akin lang ang paningin. Animo'y handang-handa na silang pakinggan kung ano man ang sasabihin ko.

Naitago ko tuloy sa likuran ang dalawa kong nanginginig na mga kamay at nagsimula nang magsalita habang ang lahat ay titig na titig pa rin sa akin. Kinakabahan ako...

Rainy DaysWhere stories live. Discover now