Huminga muna ako nang malalim at saka humanda na sa pagpapakilala. "Good morning everyone, I am Elyza May Silvera. 13 years old. I have an ombrophobia . . " I involuntarily gulped hard by just seeing my classmate's reaction.
Kita ko sa reaks'yon ng mga kaklase ko ang gulat at pagtataka pero si ate Kairene ang nakaagaw ng atensyon ko. "Cheer up," bulong n'ya na kahit pa malayo s'ya sa kinatatayuan ko ay mistulang rinig ko pa rin ang boses n'ya.
"I. . uhm I enjoy reading and writing random stories. I'm also into music and foods. M-my dream is to become a doctor, specifically, a Cardiologist. Nice to meet you all. . .again," I genuinely smiled and turned back on my seat.
Nang makaupo na ako ay nakatingin lang ako sa mga kamay kong nanginginig pa rin hanggang ngayon. "Inhale, exhale. Inhale, exhale," pagpapakalma ko sa sarili ko.
"Elyza, ano yung ombrophobia?" mahina akong napaigtad nang magtanong si Joana mula sa harapan ko.
Napalunok ako at napapahiyang napaiwas ng tingin, "uhm. . .wala, wala," naisagot ko na lang. Wala kasi ako sa mood ngayon magpaliwanag tungkol doon.
Napatitig muna s'ya sa'kin saglit bago napatango nalang. Pasalamat ko talaga rito kay Joana, hindi s'ya gan'on kakulit.
"Alright, nice to meet you all. ." bungad ni ma'am nang matapos na sa pagpapakilala ang lahat. "Wala naman sigurong absent sa mga kaklase n'yo ngayon and . . I'm also guessing na magkakakilala na most of you here, right?" ma'am softly chuckled.
"Opo ma'am, halos kami-kami pa rin naman po ang magkakaklase rito since grade 2," Chevi answered and ma'am just nodded.
"So now, I guess, we're now ready to move on to the nomination," nang walang umangal sa sinabi ni ma'am ay nagpatuloy na s'ya sa pagsasalita. "Okay so . . I need one student who'll be standing here in front. Kailangan ko ng taong magha-hanndle ng nomination at magbibilang ng votes. Hindi na s'ya pwedeng inominate pero pwede s'yang bumoto. Anyone who wants to volunteer?" ma'am Loreine asked.
"Ma'am! Ma'am!"
"Ako po ma'am!" sigawan ng mga kaklase kong gustong mag volunteer para mapunta lang sa harapan. I just sighed.
"James..?" baling ni ma'am kay james. S'ya siguro ang napili n'ya.
"J-james Marcus Remolio po," nahihiyang sambit n'ya.
"James Remolio, I want you to handle our section's class officers nomination," ma'am smiled at him and he just nodded. "You may start now," paggiya n'ya kay James sa harapan.
I just watched ma'am left as soon as James reclaimed her position. Kinuha agad n'ya ang whiteboard marker at nagsimula nang magsulat ng 'President' na word sa bandang taas ng whiteboard. Sakto lang naman ang height n'ya pero hindi pa rin n'ya abot ang tuktok ng whiteboard para do'n simulan ang pagsusulat.
"Nomination for the class President is now open, anyone who wants to be nominated or to nominate someone?" pagsisimula n'ya nang matapos na s'yang magsulat.
May nagtaas agad ng kamay, "I want to nominate Earl Adionso as Class President of 6-Einstein," pagkatapos banggitin ang pangalan ni earl, nagsiangalan ang lahat. Kesyo mayor na raw si earl ng spg at mas'yado raw unfair para sa iba pang deserving.
Sumulpot agad si ma'am sa likuran, "Quiet everyone! Naririnig kayo rito sa labas! " sigaw agad n'ya upang agapan ang namumuong away sa pagitan ng mga estudiyante n'ya. "Hindi na pwedeng isali si Earl sa class officers and the rest of the spg officers, for they really have a busy schedule. So I suggest. .pick someone else instead. Pick someone who's not a part of the spg."
"Ma'am Loreine, pinapatawag daw po kayo ni Sir Esmer," pagsulpot ng isang lalaking student sa pintuan, dahilan para sa kan'ya mapunta ang paningin naming lahat.
YOU ARE READING
Rainy Days
Teen FictionReady to take the risk again, Elyza May Silvera faced the Rain that once was a storm that destructed her heart. But once again, she was captivated on that rainy day.