Chapter 14

3 0 0
                                    

"Thea, ikaw pala. Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Elysia.

"Oo naman, nakita kasi kita, kaya pinanood ko muna ang gagawin mo. GRabe, saan mo natutuhan ang estilong iyon? Hindi ako maalam sa paggamit ng mga sandata, ngunit malakas din naman ako kapag nasa anyong lobo ako, at mabilis rin. Pero isa kang tao, Elysia, normal na tao, kaya nakakamangha ang ipinakita mo.," namamangha pa ring wika ni Galathea.

Napangiti ng tipid si Elysia at tila nahihiyang nagkibit-balikat muna. Dinampot niya ang espada at ibinalik iyon sa kung saan man niya ito kinuha kanina bago muling hinarap si Galathea.

"May nagturo lang sa akin, isang manunugis," tugon niya at napatango naman si Galathea. Agad na humawak si Galathea sa braso niya at hinatak na siya pabalik sa loob ng palasyo, pero bago iyon dumaan muna sila sa gilid ng lawa para pagmasdan ang papalubog na araw.

Sumapit na ang araw ng byernes, tanghali nang dumating ang karwaheng sumundo sa pamilya ni Elysia. Kasalukuyan silang nasa hardin ni Galathea nang huminto ang karwahe at kitang-kita ni Elysia ang pagbaba roon ni Alicia, Elena at Roman. Taas-noo pa ang mga ito na animo'y sila ang nagmamay-ari ng lugar, maging ang pakikitungo nito sa taong inutusan ni Alastair ay parang basahan.

"Kilala mo ba ang mga 'yan Ely?" tanong ni Galathea nang mapatingin sila sa karwahe.

"Hindi lang kilala, kilalang-kilala. Sa katunayan kadugo ko sila," tugon ni Elysia at mapait na ngumiti.

"Kadugo? Bakit parang hindi mo naman sila kamukha o kaamoy man lang Ely?" nagtatakang tanong ni Galathea habang matamang tinititigan ang mga bagong dating na panauhin.

Nagkibit-balikat lang din si Elysia at marahas na bumuntong-hininga nang makitang papalapit sa kinaroroonan nila si Alicia na animo'y isang prinsesa. Nakataas pa ang kilay nito habang nakatingin sa kanila na para silang mas mababang uri kaysa sa kaniya.

"Elysia, akala mo siguro mapapasayo na ang posisyong nararapat na para sa akin, ano. Nagulat ka ba? Ako ang tunay na alay kaya ako ang dapat na tumatamasa ng mga bagay na tinatamasa mo ngayon," mayabang na wika ni Alicia.

Napairap lang naman si Elysia at akmang tatalikuran ito nang marahas siyang pigilan ng dalaga sa braso. Mariin itong nakahawak sa braso niya at ramdam niya ang mga kuko nitong, halos tumusok na sa kaniyang kalamnan. Napangiwi si Elysia at pilit na kumawala sa pagkakahawak nito. Mabilis niyang iwinaksi ang kamay nito at sa lakas niya ay kamuntikan pa itong mawalan ng balanse.

"Baka nakakalimutan mo, wala ka sa bahay Alicia, hindi ikaw ang sinusunod rito, wala kang karapatang pigilan ako o pasunurin sa mga gusto niyo," saad ni Elysia na may kasamang gigil.

Nanlaki naman ang mata ng mag-anak dahil sa inasal niya. Ito ang unang beses na harap-harapan siyang lumaban sa kanila. Nagpupuyos sa galit si Elena nang makita na muntik nang matumba ang kaniyang anak kaya naman ito na ang sumugod kay Elysia. Subalit bago pa man siya makalapit at humarang naman sa kaniya si Galathea.

"Hindi ka dapat nangingialam, manatili ka sa kinatatayuan mo kung ayaw mong humalo sa lupang inaapakan mo ang iyong malansang dug*," banta ni  Galathea na nagpatigil naman sa ginang.

"Sino ka ba, wala kang karapatan na pigilan ako, didisiplinahin ko lang 'yang walang kuwentang pamangkin ko!" singhal pa ni Elena at muling napaangat ang isang kilay ni Galathea. Kinabahan naman si Elysia dahil baka madamay pa si Galathea sa hidwaan nila ng pamilya niya.

Mabilis niyang hinatak si Galathea palayo sa kaniyang tiyahin at masamang tinitigan ang mga ito.

"Alalahanin niyo sana kung nasaan kayo, hindi kayo ang masusunod sa lugar na ito. Kung ako sa inyo, mag-iingat ako sa mga taong makakaharap niyo rito, baka magsisi kayo ng wala sa oras." Saad pa ni Elysia at mabilis nang hinatak si Galathea papasok ng palasyo.

Among Legends: The Vampire King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon