DEATH

725 5 4
                                    

Huminto ang Kotse ni Rex sa isang Pribadong Resort kaya naman pinarada na rin ni Gabriela ang dala nilang Kotse sa tabi ng Kotse ni Rex. Sumenyas ito kay Gabriela na sundan niya ito kaya naman tinanong na muna ng Dalaga si Genesis kung nais ba nitong bumaba.

"May pag-uusapan lamang kami ni Rex, gusto mo bang bumaba na muna?"
Tanong ni Gabriela kay Genesis.

"I can handle myself. Bilisan mo dahil gusto ko ng umuwi."
Supladong tugon ni Genesis.

Hindi na umimik si Gabriela dahil siya man ay nais na ring makauwi basta malaman lamang niya na maayos ang kalagayan ng kaniyang Kaibigan.

Mabilis na naglakas ang Dalaga papunta kung nasaan ang Binatang si Rex.

Hinanap ng kaniyang mga Mata kung nasaan si Genesis at nagulat Siya ng makita na katabi niya na pala ito.

"Girlfriend ko ang Kaibigan mong si Sheena."
Simula ni Rex.

"Paano nangyari iyon?"
Takang tanong ni Gabriela.

"Nauna ko siyang nakilala kesa kay Governor, isang beses na dinalaw ako ni Sheena dito ay natipuhan Siya ni Governor. Kahit na sinabi kong Girlfriend ko si Sheena, hinarass Siya ni Governor."
Matigas na paliwanag ni Rex kay Gabriela.

"And then?"
Tanong ni Gabriela.

"Patuloy pa rin ang Relasyon namin ni Sheena ng hindi ko alam na maraming beses na pala siyang pinagbantaan ni Governor. Tinanggal ako bilang Bodyguard ni Governor at tinatakot niya pala si Sheena na papatayin Ako at ikaw kung itutuloy pa rin niya ang Relasyon namin."
Bakas ang galit sa Mukha ni Rex habang ito ay nagsasalita.

"Kilala ko si Sheena, malihim Siya.
So, paano mo nalaman ang lahat ng iyan?"
Seryosong tanong ni Gabriela.

"Nalaman ko lamang ang lahat ng puntahan ko Siya sa Ospital."
Emosyonal na wika ni Rex.

"Wait. What? Anong nangyari sakaniya bakit nasa Ospital siya? Is she okay?"
Aligaga na mga tanong ni Gabriela.

"Ginawa siyang Sex Slave ni Governor habang paulit-ulit na sinasaktan."
Wika ni Rex.

"Nasaan si Sheena?"
Kinakabahan na tanong ni Gabriela dahil nag-aalala na Siya lalo sa Kaibigan na si Sheena.

"She's dead."
Hagulgol na wika ni Gabriela.

Nanlamig ang pakiramdam ni Sheena at nanginig ang kaniyang Katawan. Hindi Siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Rex.

"Please, Sabihin mo na hindi totoong wala na si Sheena."
Makaawa ni Gabriela.

"Wala na Siya, Gabriela. Kahit hirap na Siya sa kaniyang huling hininga, she made sure na makausap kita at sabihin na mahal na mahal ka niya."
Basag pa rin ang boses ni Rex.

Hindi naman maintindihan ni Gabriela ang kaniyang Sarili dahil halos walang Luha na lumalabas sakaniyang mga Mata.

Galit at poot ang kaniyang nadarama para kay Governor!

"Hayop na Governor yan! Nasaan Siya?!"
Galit na sigaw ni Gabriela.

"Kumalma ka dahil hindi mo kakayanin si Governor. Baka matulad ka rin lamang kay Sheena."
Wika ni Rex.

Patuloy na nanginginig sa Galit at Poot si Gabriela dahil sa mga ginawa ni Governor sa Kaibigang si Sheena.

"May mga Evidences ako na hawak para sa kahayupan ni Governor kay Sheena. Tamang panahon na lamang ang hinihintay ko upang mabigyan ng Hustisya ang Mahal ko."
Matigas na wika ni Rex.

"I'll stay here."
Wika ni Gabriela.

"No, you can't. Emosyonal ka pa, Gab.
Baka mas lalo lamang na lumala ang sitwasyon. I'll keep in touch with you, I promise. Umuwi na muna kayo at kailangan mo pa ng maraming lakas sa pagharap natin kay Gov."
Payo ni Rex.

"Salamat, Rex."
Wika ni Gabriela.

Si Genesis na ang nagdrive pauwi dahil wala pa sa huwisyo ang Dalaga.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now