HEARTBREAK

1K 10 3
                                    

Nang nakarating na ang tatlo sa kanilang Destinasyon ay naisipan na muna ni Javier na magpahinga. Nitong mga nakaraang araw pa ramdam ng Binata ang bigat ng kaniyang Katawan. Madalas na rin Siya atakehin ng kaniyang sakit, sa huli ay hindi na siya nag punta pang muli sa kaniyang Doktor.

Para saan pa? Kamatayan lamang din naman ang sagot sa lahat ng nangyayari.

Matagal na rin nakahanda ang Last will ang Testament ng Binata.

Kahit alam nito na hindi matatanggap ng kaniyang Kapatid na may makukuha din na mga Mana si Gabriela ay minabuti pa rin Niya na isama ang Dalaga.

Magaan ang loob ni Javier kay Gabriela kahit na sa una pa lamang na nakita niya ito.

Nais ni Javier na si Gabriela ang makatuluyan ng kaniyang Kapatid dahil ramdam niya ang kabutihan ng Dalaga.

Alam na din ni Javier kung ano ang real score sa Dalawa, hindi naman din Siya makakapayag na umalis sa Mundong ito na hindi maayos ang lahat.

Walang sariling Pamilya si Gabriela at ganoon din ang kaniyang Kapatid sa oras na lisanin niya ang mga ito.

Hindi alam ni Javier pero pakiramdam niya ay malapit na siyang mawala kaya nga inaya niya ang mga ito na magbakasyon.

Naputol ang pagkausap ni Javier sa sarili ng may marinig na katok kaya naman tinungo nito ang Pinto.

Pagbukas pa lamang ay nakangiting mukha ni Gabriela ang sumalubong sa Binata.

"Hi, Jav! Ang KJ mo naman. Kain muna tayo sa Buffet Table bago ka magpahinga."
Wika ni Gabriela at umupo sa kama ni Javier.

Napangiti na lamang si Javier sa mga sinabi sakaniya ng Dalaga habang nakatitig dito.

"Oo na, medyo nahilo lamang ako.
I'll just take a shower."
Ngiti ni Javier.

Nagulat pa ang Binata ng sa paglabas nito ng Banyo ay nakaharang si Gabriela.

"Nakakagulat ka naman."
Ani ni Javier.

Nakaharang pa rin ang Dalaga sa daraanan kaya naman nagtaka na si Javier.

"Spill the tea."
Wika ni Javier.

"What?" Ngisi naman ni Gabriela.

"Hindi ka haharang diyan ng wala lamang."
Masungit na tugon ni Javier habang naka-pameywang.

Nagulat ang Binata ng laruin ng Dalaga ang Nipples nito gamit lamang ang isang daliri nito.

"Tumigil ka, Gab."
Pigil ni Javier at hinawakan ang dalawang ng Dalaga.

"Why? Bakla ka ba o ayaw mo lamang talaga sa Alindog ko?"
Irap ni Gabriela sa Binata.

Dinala ni Javier ang Dalaga sa kama nito at sabay silang umupo doon.

"Gab, alam mo na hindi basta Sex lamang ang habol ko saiyo. Kapatid ang turing ko saiyo at may respeto ako saiyo."
Marahan na wika ni Javier habang naka-akbay sa Dalaga.

Sasagot pa sana ang Dalaga sa tinuran ni Javier ng biglang may malakas na katok ang narinig nila.

Mabilis naman na tumayo si Javier at binuksan ang pintuan.

"May naistorbo ba ako?"
Seryosong tanong ni Genesis.

"Wala naman. Magbibihis lamang ako para makakain na tayo."
Paalam ni Javier.

"Really Kuya? Wala ba talaga?"
Ngisi ni Genesis.

"Mali ka ng iniisip!"
Sabat naman ni Gabriela.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!"
Sigaw ni Genesis sa dereksyon ni Gabriela.

"Bastos ka, ah!"
Galit na sigaw din ni Javier.

Ngunit bigla na lamang nangisay si Javier at bumagsak sa sahig.

"Javier!"
Tili ni Gabriela.

Nagulat naman si Genesis sa pagbagsak ng kaniyang Kuya.

"Dalhin natin siya sa Ospital!"
Sigaw ni Gabriela na natataranta dahil unconscious pa rin si Javier.

Mabilis naman na nadala sa Ospital si Javier ngunit tuluyan na itong nawala.

"Time of Death August 13, 8 pm."
Ani ng Doktor.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now