Inaya ni Javier ang kaniyang bunsong Kapatid na si Genesis at ang girlfriend nito kasama na si Gabriela sa isang Bakasyon sa Vigan. Hindi maiwasan na magtaka si Gabriela sa inaasal ni Javier ng mga nakalipas na araw. May Kaba siyang nadarama ngunit hindi niya mapagtanto kung saan iyon galing.
Napapadalas ang mga habilin ni Javier sa Dalaga. Nais daw ng Binata na pamunuan ni Gabriela ang ilang Kompanya nito.
"Bakit ako, Jav? Andiyan ang Kapatid mo.
Bibigyan mo pa ako ng iisipin."
Tutol ni Gabriela."Wala namang aasahan kay Genesis, Happy go lucky lamang iyon sa Buhay.
Ayaw ko na masayang ang mga pinaghirapan ko."
Malungkot na tugon ni Javier."Pero kapatid mo Siya, Jav. Mas may karapatan siya sa pinaghirapan mo."
Tugon ni Gabriela."Listen to me, kahit anong mangyari huwag mong susukuan si Genesis.
I noticed everything, Gab."
Malungkot na ngiti ni Javier."Alam mo? Magkapatid nga talaga kayo ni Genesis, parehas kayong magulo kausap."
Irap ni Gabriela.Bigla namang bumalik sa kasalukuyan si Gabriela ng tawagin Siya ni Genesis.
"Gabriela, let's go."
Aya ni Genesis."I'm coming!"
Sagot naman ni Gabriela at bumaba na ng hagdan.Pagpasok ng Dalaga sa Kotse ay sila lamang tatlo ang naroon. Wala ang girlfriend ni Genesis.
"Bakit tayo lamang?"
Takang tanong ni Gabriela sa magkapatid."Ewan."
Ngiti ni Javier.Inirapan na lamang ng Dalaga si Javier dahil halatang inaasar lamang Siya nito kay Genesis.
"Ah, Gab? Palit tayo please? Gusto ko kasi iunat ang likod ko."
Pakiusap ni Javier.Bumaba ang Dalaga at inaalalayan si Javier sa pagbaba. Napansin niya na iba ang itsura ngayon ni Javier.
"Are you okay? Pwede naman tayo magbakasyon sa ibang araw."
Nag-aalala na wika ni Gabriela."I'm good. Pahinga lamang ako."
Ngiti ni Javier."Are you sure?"
Tanong ni Gabriela."Yeah. Go ahead."
Taboy ni Javier sa Dalaga.Mahaba ang kanilang Byahe at hindi mapakali si Gabriela dahil matamlay pa rin si Javier.
"Jav?" Tawag ni Gabriela sa Binata.
Hindi tumugon ang Binata kaya naman marahas na lumingon si Gabriela at nakita niya kung paano Siya asarin ni Javier.
"I'm okay!"
Halakhak ni Javier."Nakakainis ka!"
Irap ni Gabriela."Stop over na muna tayo."
Singit ni Genesis.Sabay sabay silang bumaba ng Kotse at kumain sa nakita nila na Fastfood Chain.
"Gen, napasyalan mo na ba ang mga Farm?"
Tanong ni Javier habang kumakain."Not yet, Kuya."
Tugon naman ni Genesis."Kailan mo balak asikasuhin ang mga Negosyo natin?"
Seryosong tanong ni Javier."I don't know, Kuya."
Simpleng tugon ni Genesis."Pag-aralan mo na ang lahat ng Negosyo maliban sa ilang Kompanya dahil si Gabriela na ang bahala doon."
Bilin ni Javier.Bigla namang naubo si Gabriela sa muling pagbanggit ni Javier tungkol sa Kompya nito.
"What?! Why her?!"
Hindi makapaniwala na tanong ni Genesis."Tell me, Gen. Why not her?"
Tanong ni Javier."Ako lamang ang dapat mamahala sa lahat."
Matigas na wika ni Javier."Ang mga Farm nga hindi mo maasikaso."
Kampanteng wika ni Javier."Stop! Kumakain tayo oh."
Pigil ni Gabriela sa magkapatid.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS
RomancePositibo sa buhay at Masayahin ang Dalaga na si Gabriela kahit na ulilang lubos na siya at hikahos na ay determinado ito na matapos ang kaniyang pag-aaral. Sa Gabi at isa siyang Escort sa kilalang Club. Sa Umaga naman ay isa siyang Kolehiyala. Ha...