INSULTED

592 5 0
                                    

Maagang nagising si Gabriela ngayong araw dahil nag-aalala na Siya sa Kaibigan niyang si Sheena. Papunta ang Dalaga sa Condo nila ng kaibigan niya at sa Bahay ng Boss nilang si Mario. Plano na rin ng Dalaga na puntahan ang Kaibigan sa Bahay nila Governor upang alamin ang kalagayan nito.

"Morning, Gab!"
Bati ni Javier.

"Morning! After breakfast may lakad ako."
Paalam ni Gabriela.

"Saan ang lakad mo?"
Tanong ni Javier.

Sasagot sana ang Dalaga ng marinig ang boses ni Genesis na pababa ng hagdan. Hindi pa rin pala ito nakakaalis.

"Morning, Kuya. I'll move here."
Bati ni Genesis.

"That's a good news, Bro."
Ngiti ni Javier.

"Yes, para naman mabantayan kita sa may masamang balak saiyo."
Seryosong saad ni Genesis.

"Genesis!"
Sita ni Javier.

Hindi na tumugon ang Binata na si Genesis sa Kuya nito, alam niya ang kasunod ng pagsita nito sakaniya.

"Si Genesis na muna ang sasama sa lakad mo, Gab. May kailangan akong tapusin sa Office."
Wika ni Javier.

"I can handle myself, Jav."
Ngiti ni Gabriela.

"No, Gab. I insists. Yong extra kong Kotse ang gamitin ninyo."
Pinal na wika ni Javier.

Naiinis man ay hindi na lamang kumibo si Gabriela dahil hahaba lamang.

Nang matapos Sila kumain ay nilinis na ng Dalaga ang kanilang pinagkainan.

Nauna ng lumabas si Gabriela upang mabuksan ang Gate at sinara na niya itong muli paglabas ng Kotse ni Genesis.

Sumakay na ang Dalaga at hindi pa man nakakapag seatbelt ay mabilis na pinaandar ni Genesis ang Kotse.

Nauntog ang Dalaga sa harapan at nasaktan ito, mukhang magkakabukol pa siya sa isip ng Dalaga.

Wala sana itong balak kausapin ang Binata ngunit nainis ang Dalaga.

"Jav huh? Wow! Tinuhog mo pa talaga kaming magkapatid."
Galit na wika ni Genesis.

"Eh ano naman saiyo?"
Irap ni Gabriela.

"Pokpok ka na nga, User ka pa!
Bakit? Kulang pa ba ang binayad ko ha?!!"
Gigil na sigaw ni Genesis at hinila ang Braso ni Gabriela.

"Aray!" Sigaw ni Gabriela at pilit na hinihila ang kaniyang Braso sa Kamay ng Binata.

"Damn it! Ang daming Lalaki, Kuya ko pa ang biniktima mo! Matino Siya, Gab!"
Galit pa rin na sigaw ni Genesis.

"Ano ba kinakagalit mo ha?!
Kuya mo kausapin mo!"
Ganting sigaw ni Gabriela dahil sa diin ng paghawak ng Binata sa Braso nito.

"Mahal na mahal ko ang Kuya ko at hindi ako papayag na masaktan Siya dahil lamang saiyo!"
Sigaw ni Genesis.

"Hindi ko siya sasaktan! Kahapon ko lamang nalaman na magkapatid kayo."
Sigaw din ni Gabriela.

"Tapos ano? Gagamitin mo Siya para sa Luho mo ha?! Gagamitin mo siya dahil Mayaman kami?!"
Akusa ni Genesis.

"Bitawan mo Ako!"
Matigas na wika ni Gabriela.

Marahas naman na binitawan ito ng Binata habang pigil na pigil si Gabriela na tumulo ang kaniyang Luha.

"Kung alam mo lamang, Genesis. Kung maari ko lamang sabihin saiyo ang sakit ng Kuya mo."
Bulong ni Gabriela sakaniyang isip.

"Sino ba ang mas masarap saamin, Gab ha? Mas magaling ba si Kuya?
Just tell me kung ano pa ang hinahanap mong Romansa."
Akusa pa ni Genesis sa Dalaga.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now