Walang kibuan ang Dalaga at si Genesis habang palabas na Sila ng Probinsya ng Batangas. Tahimik si Gabriela na nakatanaw sa labas at pinipigilan ang mga Luha niya. Puno ng galit ang kaniyang Puso sa mga nalaman tungkol sa Kaibigan niyang si Sheena.
Nais niyang magwala at sugurin si Governor ngunit sa kabilang banda ay tama din ang suhestiyon ni Rex na kumalma Siya dahil baka isunod lamang Siya ni Governor sa Kaibigan niyang si Sheena.
Napalingon si Gabriela kay Genesis ng bigla nitong ihinto ang Kotse.
"I'll wait for you here."
Wika ni Gabriela."No, let's go outside. Dito na muna tayo magpalipas ng Gabi. Sinabihan ko na rin si Kuya Javier."
Imporma ni Genesis.Wala ng lakas si Gabriela upang makipagtalo sa Binata kaya bumaba na lamang din ito ng Kotse.
Sinundan niya ang Binata na pumunta sa isang Beach Store upang bumili ng kanilang mga susuotin.
"Get what you need, I'll pay."
Wika ni Genesis kay Gabriela.Walang imik ang Dalaga at pumili na ng Undies, Swimsuit at Dress. Nauna na rin itong lumabas ng Store at doon na hinintay ang Binata.
Sa paglabas ni Genesis ay muling sinundan lamang ito ng Dalaga hanggang sa pumasok Sila sa Hotel Room.
"Take a rest, first. Lilibot lamang ako sa labas."
Wika ni Genesis.Tumango lamang si Gabriela at naligo na muna ito bago humiga sa Kama at tumingala sa Kisame.
Doon na bumigay ang Dalaga at nag-uunahan ng tumulo ang mga Luha nito.
Bumuhos ang kaniyang Emosyon at halos hindi na ito makahinga sa bigat na nadarama.
"Sheena! Bakit?!! Bakit mo Ako iniwan?!! Ang sakit sakit!"
Sigaw ni Gabriela habang umiiyak ito.Hindi na namalayan ng Dalaga na nakatulog na pala ito sa kaiiyak nito.
"Huy! Bumangon ka na nga diyan!"
Sigaw ni Sheena.Bumangon ang Dalaga ng sa kaniyang pagmulat ng mga Mata ay naroon si Sheena at ginigising Siya.
"Shit! Are you for real? Wait!
Akala ko Patay ka na?!"
Nagtatakang tanong ni Gabriela at niyakap ang Kaibigan na si Sheena."Baliw! Pero diba lahat naman tayo ay doon ang punta? Sa kamatayan."
Malungkot na sambit ni Sheena."Oo pero huwag naman ganito kaaga."
Naiiyak na wika ni Gabriela."Ewan ko saiyo! Tumayo ka na at para kang ewan diyan."
Natatawang sambit ni Sheena.Nakatitig si Gabriela sa kaniyang Kaibigan at halos hindi mawala ang Ngiti at Saya nito sa Mukha.
"Friend, Mauuna na ako ha?
Ang bagal mo kumilos eh."
Ngiti ni Sheena."What?!! Wait! Saan ka ba mauuna?"
Kinakabahan na tanong ni Gabriela.Hindi malaman ni Gabriela ngunit bigla na lamang nawala ang kaniyang Kaibigan na si Sheena.
"Hey! Wake up."
Marahang tapik ni Genesis kay Gabriela.Bigla namang bumangon si Gabriela at hinihingal na inikot ang kaniyang paningin na baka naroon nga talaga si Sheena.
"Si Sheena?"
Hingal na tanong ni Gabriela."Nanaginip ka lamang. Pag pasok ko sinisigaw mo ang pangalan ni Sheena ng paulit-ulit."
Paliwanag ni Genesis.Bigla namang nalungkot si Gabriela sa narinig.
Panaginip lamang pala iyon.
Salamat, Friend!
Bulong ni Gabriela sakaniyang isip.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS
RomancePositibo sa buhay at Masayahin ang Dalaga na si Gabriela kahit na ulilang lubos na siya at hikahos na ay determinado ito na matapos ang kaniyang pag-aaral. Sa Gabi at isa siyang Escort sa kilalang Club. Sa Umaga naman ay isa siyang Kolehiyala. Ha...