Kabanata Walo

1 0 0
                                    

MICHELLE VIII

Nakatingin lang si Michelle sa kanyang braso, tinitingnan ang mga namumulang mahahabang marka dito. Markang mula pulso hanggang siko. Mukhang magdudugo na ang mga ito dahil lumalabas na ang mga tuldok-tuldok ng dugo sa mga linya. Medyo mahapdi rin ito.

San ko to nakuha? Kinalmot ko na naman ba ang sarili ko?

Pagkatapos tingnan ang mga marka ng kalmot ay inobserbahan ni Michelle ang kanyang mga kuko, palad ay nakaharap kanda Andy habang tinitingnan ang haba ng puti sa dulo ng kanyang mga kuko.

Bukas na ko magputol ng kuko. Gabi na't masama iyon.

"Kakain ka pa Anding?" tanong ni Angge kay Andy na nakaupo lang sa malapad na sofa na nasa sala.

"Busog pa ako, ma," sagot ni Andy habang lumampas lang sa kanya si Angge na papunta sa kusina. "Ay, Ma?"

"Ano yun?" baling ni Angge sa kanya na nasa harap na ng pridyider.

"Dito ulit matutulog sila kuya Michael?" tanong ni Andy nang napansin na naguusap pa rin ang dalawa sa kwarto at hindi pa rin nakauwi ang pinsan nila kahit na madilim na.

"Pinapauwi mo na ba kuya mo?"

"Hala ka," panggagatong ni Iling dito na nakangiti lang at nakatabingi ang ulong sumisilip mula sa kusina habang ito'y naghuhugas pa rin ng sangkatutak na platong iniwan ng mga bisita.

"Ay hindi," sabay mahinang pilig ni Andy ng kanyang ulo.

Nagtaas na lang si Andy ng mga kilay at ngumuso ng mahina bilang tugon sa pagderetso ni Angge sa kusina. Bumangon ito sa pag-upong parang pinagmamayari ang buong upuan para puntahan ang dalawang naguusap sa kwartong tinutulugan ng magpinsan.

"Kya' dito ka isang linggo?" sandal ni Andy sa pintuan ng kwarto na nagpatigil sa paguusap ng dalawang nasa sahig ulit. Si Michelle na may isang kamay sa tuhod ng paang nakaalsa't si Michael ay naka cross-legs ang upo.

"Ayaw ni Mama na doon ako kanda tatay ngayong andito kayo e. Nasabi na ba sa inyo ni tita?" tugon ni Michael na napalingon kay Andy na pumutol sa usapan nila Michelle.

"Wala. Ano ba sasabihin ni Tita?" singit naman pabalik ni Michelle, interesado na rin sa inumpisahan usapan ni Andy.

"Na sasama ako kay ate mo magcollege sa manila?"

"Hala, wehh? Totoo?" pagdududa ni Michelle dito.

"Hindi pa nun' sinabi sa inyo?"

"Tita Maye?!" biglaang sigaw ni Andy at inabot ito ni Michelle at tinapik sa paa.

"Mangyang tagabukid, sigaw ng sigaw," reklamo ni Meleng.

"Ano ba?" nagtaas rin si Andy ng kilay pabalik, nagaantay sa sagot ni Tita Mariel.

"Ano iyon?!"

"Sasama na sa amin sa Manila si Kya' Michael?!"

"Di mo pa sinabi sa mga anak mo Angge?" bulungan nila sa kusina.

"Ay oo nakalimutan ko," sagot ni Angge.

"Nakaraang buwan na natin yan pinagusapan,"

"Halatang palaging may saksak ang tainga ng mga anak mo a'. Di' nakikinig kapag nasa selpon ka't may katawag,"

"Wala. Katulad talaga mga yan ni Jonathan, walang balak sa chismis," pagbabanggit nito sa namayapang asawa sabay katok ng tatlong beses sa kahoy na lamesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon