Kabanata Lima

3 0 0
                                    

ANGGE V

Sa pagkatapos ng pagtahak sa isang daanan sa gitna ng mga kalat na mga niyog ay isang patag na lupaing binabalot ng mga pader ng mga punongkahoy na ihinihiwalay ang pwesto ng mga niyog mula sa buong lingana. Sa kalagitnaan ng taniman ng niyog, kung saan kalat ang mga bungang nahulog at pwede nang gawing bunot ay ang kinatatayuan ng tatlong magkapatid na Tres Marias.

Nakatayo ang mga ito sa harap ng isang maliit na grupo ng mga batong sinlaki ng mga kamao at nakapabilog sa isang parte ng lupang hindi tinutubuan ng damo. Nangingitim ang lupang kasingkulay ng mga nabubulok na napagbuksang niyog sa paligid. Ang linyang pumapagitna sa mga damo't patay na lupa ay kulay kaki na mapinong buhangin. Isang magaslaw na pagkaayos ang pumapagitan sa damo at lupa na nakakapagtaka tingnan.

Maaliwalas at malakas na ang sikat ng araw sa himpapawid na kalat-kalat ang malabulak na mga ulap. Sinasabayan ng hangin ang katahimikan ng tatlo habang natatagalan sila sa pagtingin sa mga bato. Sa kabila nito, ang mga ibon, kuliglig, at mga tipaklong ay ayaw makisabay, nanatiling mga miyembro ng koro't orkestra ng kagubatan.

"Bakit nga ba tayo nandito?" umpisa ni Angge habang minamasdan lang nila ang pormasyon ng mga bato sa kanilang harap.

"Gago, Tinatanong mo kung bakit tayo nandito?" sagot naman ni Iling na lumingon sa kaniya. Lumingon sa Angge pabalik, napakunot ang noo dahil naasar ito sa masagwang pagtugon ng kapatid.

"Kinaklaro ko lang ang punto, Ate. Aabutin na tayo ng siyam-siyam sa pagiging tahimik..." pagrereklamo ni Angge ng pinutol siya ng nakakatanda sa kanilang tatlong si Maye, "Tatlong taon lang ang ibinuhay ni Leon,"

Napatahimik na ang dalawa ng nagumpisa na ang ate nilang si Mariel, hinihintay na magpatuloy siya. Si Maye ay nakatutok lang sa mga bilog na bato, mukhang tagos sa mga nangingitim na buhangin ang tinitingnan, iniisip kung ano na ang mukha ng nakabaon sa ilalim ng mga bato. Mga buto ng isang musmos na hindi nabigyan ng pagkakataong lumaki? O wala nang makikita kung hukayin ito dahil tinunaw na ito ng kalikasan?

"Ganoon na nga. Tatlong taon lang pero..." pagputol naman ni Iling, biglang nabagot sa katahimikang binigay ni Maye ngunit naudlot naman ito ng nagsalita ulit ang kanilang ate.

"Bakit nga ba kahit tatlong taon lang ang ibinuhay niya ay ganito talaga? Binibisita pa natin?" patuloy ni Maye, mga mata'y patuloy ang pagtutok sa bilog na mga bato.

"Ano bang mas malalim na nakabaon sa lupa, dyamante o ginto? Anong mas importante sa iyo, si Jonathan na naging asawa mo lang ng onseng taon o ang tunay mong pamilya na si Leonid na nabuhay lang ng hanggang tatlo?" patuloy na paglalim ng pagiging madamdamin ni Maye habang ang kanyang kapatid na si Angge ay naiintimida sa seryoso niyang tanong.

"Hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. Basta kung papipiliin ako sa pagitan ni Benedicto at ni Leonid, kapatid ko ang pipiliin ko," pagpapatuloy ni Maye, tiningnan niya sa mata si Angge, inaasahan na ang kanilang bunso ay naiintindihan ang kaniyang pinapahiwatig.

Si Angge naman ay napaisip na lamang kay Maye kung saan nga ba nanggagaling ang rason nito sa pagpili. Ayaw naman nitong bigkasin ang kanyang sagot at maging bastos pa siya tingnan sa kaniyang ate.

Nagmahalan kaming dalawa ni Jonathan. Nagmahalan nga ba kayo ng asawa mong si Benedicto, Ate? Kamatayan lang ang naghiwalay sa amin, kamatayan rin ang kumuha kay Leon. Wala naman dapat sa tanong kung saan ang mas matagal ang relasyon, kundi sa lalim nito, di ba? Bakit kailangan ko pang pumili?

"Ilang dekada na siyang nilibing," pamalit na sagot ni Angge, napapaiwas ng tingin ng ilang segundo, ramdam ang konting hiya habang ang mga mata ni Maye ay nakatutok sa kanya.

AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon