Kabanata Apat

1 0 0
                                    

MICHELLE IV

Hindi man nakaukit sa mukha ni Michelle, parang nagaaliw ang isipan nito sa pagkakaalam na wala na ang sarili nitong kapatid para makapangistorbo sa kanya.

Sa minutong lumalayo na ang yapak ni Andy palayo sa bahay ay ang tahimik na giliw ni Michelle habang dala ang libro na inalapag sa sahig sa gitna ng kwartong pinagtutulugan nila ng kapatid niya.

Tahimik lang na binuksan ni Michelle ang libro, maiging nililipat ang pahinang naninilaw na dahil sa pagtagal ng panahon. Sa paglipat niya ng patsadang pahina ay isang pahina na may malaki't talambid na benditahang nagsasabing "Si Pako at ang Sisiw".

Sa bandang ibaba ng nakasulat na pamagat ay isang larawang guhit na nagpapakita ng isang maliit na batang nakangiti at kaharap ang isang sisiw. Nakaistilo ang larawan na nahahalintulad sa istilo ng pagguhit sa mga aklat-aralin ng mga pampublikong paaralan.

Maiging inobserbahan lang ito ni Michelle, pinagtataka kung bakit may nakalagay na ilustrasyon ng tao sa libro ng mga pabula. Ang hintuturo niya'y gumagala sa mukha't katawan ng bata patungo sa sisiw na mukhang itlog na may bukol bilang ulo sa pagkabilog nito.

Mula sa kalagayan ng disenyo ng napaglumaang libro, pansin ang kwentong-pambata na pagkabuo nito kahit na ang pagkauri nito ay kapareho ng isang nobela. Nilipat niya na ang pahina at napagumpisahan nang magbasa.


"Ang musmos na si Pakong maliit

Inahin, Tandang, o Sisiw, siya ay naaaliw

Pinapakain at Nilalaro, Kinatutuwaan

Sa kada lapit niya dito ay nagiging habulan.

Hanggang sa mahuli niya't pwede nang mapaglaruan.

Sila ay walang pera pambili

Pagkain sa bundok lang kinukuha at hinuhuli

Bigas na nakukuha lamang sa ani..."


Biglang napatigil sa gitna ng pagbabasa ni Michelle. Bigla siyang may narinig na kung anong ingay na napadulot sa pagikot ng kanyang ulo, tila hinahanap ang narinig na kakaibang tunog.

Katulad ng mga kukong naglalarong kumakatok sa kahoy umulit-ulit ito hanggang napalingon na si Michelle sa sala kung saan niya ito narinig. Tumigil ang tunog sa sandaling lumingon siya dito. Tiningnan niya lang ng maigi ang sala mula sa bukas na pintuan ng kwarto bago napalinga pabalik sa libro.


"Pero ang tahimik at saya ay nananatili

Sa mga magulang na palaging wala sa tahanan

Si Pako ay mag-isang iniiwanan

Para makipaglaro at makipaghabulan

Sa kung ano man ang pwede niyang lapitan.

Isang araw..."


Patuloy na nagbabasa sa Michelle at napatigil ulit siya dahil sa isang malakas na ingay. Ingay na nagmumula sa kusina.

Ito'y isang pamilyar at masigasig na huni ng isang selpon.

Sa umuulit na kanta ng aparato ay napatayo na si Michelle para puntahan ito at mapatay na nang hindi ito makaistorbo sa kanya.

Bumaba na siya mula sa dalawang apak na hagdan ng elevation na naghihiwalay sa mga kwarto't sala para deretsuhin ang selpon tumutugtog pa rin.

Ang selpon ay nakalagay sa isang maliit na side table na tumatabi sa kawayang sofa na malapit sa telebisyon, katabi lang ang butakang upuan.

AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon