Chapter 3: Sacrifice

79 3 0
                                    


"Bal, ano na'ng plan?"

I took a quick glance at Cali before I returned my eyes to the road.

"Dad's planning to buy the Afitek," I said. "Pero tinawagan ako ni Tita Mel. They want to buy the Afitek too. Ang plan ko sana, bibilhin ko ang company sa mga Lauchengco."

"May budget ka ba to buy Afitek from them? Hindi ba risky 'yon kasi puwede nilang presyuhan 'yon nang mas mahal?"

"I'm sure of that. Kaya nga gusto ko nang basahin ng abogado ang will ni Mamila para malaman natin kung sino ang makakakuha ng malaking shares ng Afitek. I doubt na kay Daddy niya ibibigay o kay Tita Sab. Kasi kung kay Daddy, dapat matagal na niyang ginawa."

Dad's planning something. Ito na siguro ang sinasabi ni Dree na dapat matagal ko nang pinaghandaan.

My dad is not just my dad. He's Ronerico Dardenne. He's a powerful businessman. He can even equate what Ninong Pat is doing right now—or he can do worse than that. My dad has the capability to bring everyone down without breaking a sweat.

Bigla ko lang naisip na ang dami nga rin palang sumusukat ngayon sa pasensiya ni Daddy aside sa akin. Ang difference lang siguro nila ni Ninong Pat, he's not showing his vendetta in a barbaric way, like Ninong Pat did.

He didn't trace those assholes and brought them down one by one, like what Damaris's father did.

Pinersonal naman kasi ng mga kalaban nina Ninong Pat si Ram kaya pinersonal din niya silang lahat.

But this time, pinepersonal na rin naman na kami ng mga kalaban ng family namin, and what did my father do?

He bargained. For what? For a peaceful negotiation? Tingin ba niya, madadaan niya sa peaceful negotiation ang ginagawa niya ngayon?

If I were him, I'd do what Ninong Pat did. I'll hunt them down one by one and give them reasons not to live anymore. Deserve nilang mawala lahat. Hindi na 'to madadaan sa negotiation kung wala naman palang nakikinig sa kanya. He must show them how powerful he is. Pero parang wala yata siyang balak gawin ang ginagawa ni Ninong Pat ngayon.

Umuwi kami sa mansiyon at nag-chat ako kay Jensen kung kumusta na si Audree.

[She's resting. Three days na lang naman, puwede mo na ulit siyang dalawin. Hoping.]

Dree's not in good shape. Hindi muna ako allowed ngayon sa ospital because of her security. Family members muna ang ina-allow nila hangga't hindi pa schedule ng bisita ng hindi kamag-anak. Papayagan lang daw akong bumisita kung asawa ko siya. Bad news, I'm not.

Katatapos lang ng lunch kaya sigurado na akong resume na ang oras ng mga employee sa Afitek. Nasa garden ako at sinusubukang manghingi ng copy ng status ng company ngayon nang puntahan ako ni Cali dala ang baby niya.

"Pinasundo si Kit nina Ninang Mel," balita niya nang lapitan ako.

"Sumama asawa mo?" tanong ko. Tumango naman siya. "Pinayagan mo?"

"Aware naman daw siya sa pupuntahan niya. Diyan lang naman sa kapitbahay. Si Yaya Sale nga lang ang sumundo."

Akala ko pa naman, bodyguards na.

"I talked to Kit pala," Cali said.

"Then?"

"Alam daw niya 'yong tungkol sa training with Ninong Pat."

"O, bakit kay Tito Pat pa? Akala ko ba, wanted siya sa mga Lauchengco?"

"Ang explanation ni Ninang Mel, wala naman daw silang pakialam kay Kit. Habol nila ang mastermind ng mga bumu-bully kay Ram before."

VagabondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon