Chapter 5: Under the Table

102 3 0
                                    


Tito Clark's confession created confusion para sa amin ni Cali. No'ng sinabi nilang magulo, alam kong may sinimulan akong gulo at inako ko agad 'yon—but not this one. And I think labas na kami rito ni Ram based on the details Tito Clark was dropping.

Pinahiram muna ni Tito Clark si Charley kay Tita Sab. Cali didn't know what to prioritize first, pero pinili niyang mag-stay sa conversation namin at hinayaan na si baby kay Tita.

"So, intention n'yo talagang pabagsakin ang Afitek," I said, confirming the news firsthand.

"Kailangan naming pabagsakin ang Afitek ngayon. Mula nang bumaba si Mame, wala na sa atin ang Afitek. Iba na ang may hawak sa kompanya. No'ng una, okay lang sa amin ng daddy mo ang nangyayari kasi board ang nag-decide. Pero hindi na maganda ang mga sumunod na taon."

"And you didn't tell Mamila about that?" Cali asked.

"Nag-decide kami ni Rico na hindi muna 'yan sabihin kay Mame kasi hindi na siya okay physically. Talagang ikatataas ng presyon niya 'yan kung maaga niyang nalaman."

"Don't you think na mas okay nang nalaman 'yan ni Mamila para nagawan niya ng paraan?" sumbat ko kay Tito.

Saglit na natawa si Tito sa sinabi ko. "Si Mame na mismo ang nagsabing pabagsakin namin ni Rico ang Afitek kung may mali kaming makikita sa ginagawa nila sa company niya. Instruction niya 'yon mula nang bumaba siya sa posisyon twenty-three years ago."

"WHAT?" Sabay na naman kami ni Cali sa reaction.

"Kung galit kayo sa 'min, wala na kaming magagawa. Inasahan na 'yan ni Rico kaya inasahan ko na rin." Humarap siya sa pinsan ko. "Kung galit ka sa 'min ng mommy mo, tanggap na namin 'yon. Pero instruction din ni Mame na huwag muna kayong guguluhin ng asawa mo para safe ang baby hanggang mailabas. Ako, nagpasabi akong gagastos para sa inyo ng apo ko, pero sabi ni Mame, ubusin na lang daw ang pension niya kasi wala naman nang ibang makikinabang n'on kapag nawala na siya. O, pinagamit namin ang pension. Naubos n'yo ba? Hindi rin. Marami pa nga raw naiwan sa account niya kaya ibibigay na lang daw 'yon sa mga maid sa mansiyon."

"Bakit hindi n'yo sinabi sa 'kin?! Ang sasama n'yong lahat!" sumbat ni Cali kay Tito. "Hindi n'yo na nga ako isinama sa Denmark!"

"'Yung huling problemang sinabi namin sa 'yo ang dahilan kaya ka may anak ngayon. Saka nag-like kaya ako sa huling chat mo!"

"Ba't ni-like mo lang?!" Naiiyak pa si Cali habang nagrereklamo kay Tito. "Hindi ka naman si Ninong Leo!"

Is this still relevant sa issues namin ngayon?

Dinamdam nga siguro ni Cali na ghosted siya nina Tito Clark. Ako kasi, ayos lang kahit i-ghost ako nina Mama. Ang ayoko lang sa sitwasyon namin ngayon, banned kami sa "confidential information" na sina Daddy at Tito Clark lang ang aware.

We gave Cali time to vent, and after an hour saka ako nagtanong ulit kay Tito Clark nang lumipat kaming dalawa sa garden.

"Tito, sabi ni Ninong Leo, possible daw na ibenta ni Daddy ang Afitek kahit hindi kanya ang company. How true?"

"Posible ba? Oo, posible," sagot ni Tito. "Five years ago, gusto na ni Mame na ipa-dissolve ang Afitek. Ang sabi ng daddy mo, huwag muna, baka maisalba pa namin. Ngayon, hindi na talaga. Wala nang chance."

Damn.

"Kaya ang ginawa ng daddy mo, nagpatayo siya ng maliit na office, para 'yong satellite branch ng Afitek,

inilipat namin doon paisa-isa lahat ng clients, lahat ng projects, lahat ng employees na, legally, ni-lay off namin sa main branch. Doon kami tumatanggap ng mga safe na project. Magtatanggal kami ng tao sa main, ililipat doon sa maliit na office. Ang director n'on, daddy mo. Ang office n'on, daddy mo rin ang nagpagawa."

VagabondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon