"Pony samahan mo naman ako please"
Tinasaan ako nito ng kilay. Lunch time na namin at gusto ko sanang dalawin si Flirr sa Hospital
"Where?"
"Sa Hospital"
"Jusko! Jadie. Baka kung anong gawin sakin ni Sir Firro kapag nakita nyang kasama mo akong dadalaw sa anak nya. Ayoko ng masuntok okay! Tama na yung isa..gosh!!"
"Sige na please. Gusto ko lang malaman kung ok na si Flirr"
"Tsk.. whatever!"
Agad sumilay ang ngiti sa labi ko. Kahit naman kasi madalas kaming nagbabangayan ng baklang 'to, alam kong hindi nya ako matitiis.
"Wag ka ngang ngumiti dyan. Nakakairita cheeee" Nag-flip pa ito ng imaginary long hair nya. Tsk!
"Oh ano pang tinutunganga mo dyan? Let's go"
Inirapan nya pa ako bago ako hinila Napangiti na lang ako. Wait me there my babies.
Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming sumakay sa kotse nya at pinaharurot ito papuntang St. Luke's Hospital. Dumaan rin kami sa isang fruit shop para bumili ng prutas para Kay Flirr.
Alas dose na ng makarating kami sa hospital. Papasok na sana kami sa room kung nasaan si Flirr ng biglang humilab ang tiyan ko. Shetness! Bakit ngayon pa jusmiyo!
"Hintayin mo muna ako rito Pony. Mag c-cr lang ako"
Paalam ko. Tumango lang naman sya. Agad din akong naglakad patungong comport room.
Palabas na ako ng cubicle ng may humarang saking babae. Tinaasan ko sya ng kilay.
"May kailangan ka?" I asked. Sinuri ako nito mula ulo hanggang paa bago sya ngumisi. Kumunot ang noo ko. Problema ng babaeng to?
"Hindi ko alam kung bakit tinatawag kang wife ni Firro. I know his wife at hindi ikaw 'yon" Mataray nitong pahayag.
Kilala nya ang asawa ni Firro? Sino ba sya? At sino ang asawa ni Firro?
"Who are you?" I asked her. She's still wearing a smirk on her face
"I am Firro's cousin. Siguro nga may hawig ka kay Jian. No. kamukhang- kamukha mo si Jian pero hindi magiging ikaw sya dahil matagal na syang patay. So stop this habang maaga pa. Itigil mo na ang kahibangan ni Firro. Layuan mo na sila!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. So this is it. Ito na yung sagot sa mga katanungan ko. Wala talaga akong koneksyon sa kanila dahil talagang may ibang nagmamay-ari sa kanila. Tama lahat ng hinala namin ni Pony
Pero bakit ganito? Bakit nasasaktan ako. Bakit ako umiiyak?
Kanina pa umalis 'yung babaeng nagpakilalang pinsan ni Firro. Kanina pa rin ako dito at umiiyak.
Bakit ba ako umiiyak? Ano bang problema mo Jadell? E, ano naman kung wala kang koneksyon sa kanila? Bakit ka nag iinarte. Hindi ba't ito naman 'yung gusto mo. Yung katotohanan?
Pinunasan ko ang mga luha ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko napagpasyahang bumalik kung nasaan si Pony.
"Hayy! Sa wakas bumalik ka rin. Akala ko kinain ka na ng toilet bowl"
Hindi ako umimik. Kinuha ko ang prutas na nasa kamay nya at inilapag iyon sa pinto ng room ni Flirr.
"Uwi na tayo" I said bago ko sya tinalikuran.

BINABASA MO ANG
INSTANT WIFE, INSTANT MOM
Teen FictionNag-gate crash lamang sa isang party si Jadelle pero pag-uwi niya naging Instant wife at Mommy na siya.