"Ouch!"
Inirapan ko sya. Mas lalo kong idiniin sa lips nyang may sugat 'yong bulak.
Nandito kami ngayon sa office nya at dahil mabait ako, ako na ang nagprisintang gamutin ang sugat nya.
"Are you mad?" Mahinang tanong niya.
Tinignan ko sya ng masama..psh!
"Hindi" Iritadong sagot ko. Anong ine-expect nya? Matuwa ako sa ginawa nila. Like hello! Abnormal ba sya?
"Galit ka eh. Salubong yang mga kilay mo oh"
Nginudngod ko sa bibig nya 'yong bulak para tumahimik sya. Naiirita ako sa boses nya eh..tsk!!
"FUCK!! WHAT'S YOUR PROBLEM?" Sigaw nya kaya medyo umatras ako ng kaunti. First time ko s'yang narinig na sinigawan ako. Gad! Ginalit ko yata sya.
"I..I.. didn't mean to shout. I'm..I'm sorry wife" Niyakap nya ako ng mahigpit. Niyakap ko rin sya.
"It's..it's fine. Sorry din"
Kumalas sya sa yakap at humarap sa akin. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.
"Natalo ako. I'm sorry" aniya saka bumuntong-hininga. I just smiled at him. Ginawa nya kaya lahat para manalo sya. He can really do everything para lang hindi ako makuha ng iba. Did he love me that much? Ganoon ko ba kamukha 'yong asawa nya para mahalin nya ako ng ganito? I feel jealous. Kahit na sabihin n'yang mahal n'ya ako. Alam ko namang hindi 'yon totoo.
Hinalikan ko s'ya sa pisngi. Ramdam kong nagulat sya. Nginitian ko na lang ulit s'ya.
"Thank you Firro. Thank you dahil nakilala ko kayo" Puno ng sinseridad kong saad.
Wala na akong pakialam kahit na ano pa ang rason kung bakit sila dumating sa buhay ko. Maybe, God sent them para maranasan ko ang kompleto at masayang pamilya na never kong naranasan sa pamilya ko.
I stared at Firro's eyes. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko saka n'ya unti unting inilapit sa mukha ko ang mukha nya.
I close my eyes when I felt his Lips crashing onto mine.
I felt butterflies in my stomach. Tama nga ang sabi nila. You will feel that thing when the person you love started to kiss you.
Hindi ako marunong humalik dahil ito ang first time ko. Never pa akong nagkaboyfriend. Pero feeling ko parang sanay na sanay ako dahil nasasabayan ko ang bawat galaw nya.
Sya na rin ang nag kusang humiwalay ng malapit ng kaming kapusin ng hininga. Ipinagdikit nya ang noo naming dalawa habang parehong naghahabol sa aming hininga.
"I love you wife. I love you more than anything , and even more than my life" Puno ng sinseridad nitong sambit.
I love you too Firro. Pero hindi ko muna ipapaalam sa iyo ngayon. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung totoo ba itong nararamdaman ko para sa iyo.
Saka na siguro. Aalamin ko muna ang pagkatao mo. Gusto muna kitang makilala ng husto.
"Uhm. Sige na mauna na ako sa classroom" paalam ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at patakbong lumabas ng office nya.
Shit! Ngayon lang nag sink in sa akin 'yung ginawa ko. Gumanti ako sa halik nya! OH MY GAD! Nakakahiya gosh!
________
Hindi ako nakapag focus sa buong maghapon ko. Lutang na lutang ako dahil sa halikan session namin ni Firro. Jusko!
I shooked my head to wash all my thoughts out. Inayos ko na lang ang mga gamit ko bago ko inilibot ang paningin ko sa buong classroom.

BINABASA MO ANG
INSTANT WIFE, INSTANT MOM
Novela JuvenilNag-gate crash lamang sa isang party si Jadelle pero pag-uwi niya naging Instant wife at Mommy na siya.