CHAPTER 6

101 5 0
                                    

"Here eat this"

Gosh! Kanina pa sya lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko. Balak nya yata akong patabain jusko!

Kanina pa rin kami pinagtitinginan ng mga estudyante at mga guro na kasabay naming kumakain dito sa Cafeteria.Puro sila kinikilig samantalang ako rito sasabog na ang tiyan shit!

"Ayoko na. I'm full" Pagtanggi ko. Sobrang dami ko ng nakain. Sumasakit na talaga ang tiyan ko..jusko naman

"You're so thin. You need to eat more"

Naglagay na naman sya ng panibagong pagkain sa mesa. Nanlulumo ko lang itong tinitigan.

"Ayoko na please. Maawa ka naman sa tiyan ko" Pagmamakaawa ko. Huminga sya ng malalim bago inalayo ang ilang pagkain na nasa harap ko.

"Okay I'm sorry. I just don't want you to get sick"

Ayaw nya nga akong magkasakit pero balak nya naman akong patayin sa sobrang busog. Hindi ko na lang sya pinansin at tumayo na. Gusto ko na talagang magbanyo. Kanina pa ako tinatawag ni Inang kalikasan my godness!

"Where are you going?"

Napairap na lang ako. Kailangan ba lahat ng galaw ko alam nya..tsk!

"Tatae. Bakit sasama ka?"

"Sige"

What the hell! Seryoso ba sya? Sasama talaga sya sa Cr. Gad!

Napasapo na lang ako sa noo ko ng tumayo ito at naglakad sa tabi ko.

"Stay here, idiot" Inis na utos ko sa kanya. Mas makulit pa yata sya kesa kay Christian eh. Mas clingy rin sya.

Umalis na ako at agad na tinungo ang banyo. Pagkatapos kong ilabas lahat ng dapat ilabas ay agad din akong naghugas ng kamay saka lumabas. Pabalik na sana ako sa Cafeteria ng makasalubong ko si Christian. Bagsak ang mga balikat nitong naglalakad. Mukha syang problemado.

Lalampasan ko na sana sya dahil mukhang hindi nya naman ako napansin. Pero nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko. I can't..I can't move.

"Kaya ba hindi mo ako kanyang mahalin dahil may asawa ka na? Totoo bang asawa mo sya?" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Hinigpitan nya ang yakap nya sa akin.

"Mahal mo ba sya Jadell? Sabihin mo sa akin please"

I stiffened. Medyo garalgal ang boses nya. Is he crying?

"No. I.. I don't love him"

I'm not yet sure sa nararamdaman ko. Ilang linggo ko palang nakakasama si Firro kaya imposibleng mahalin ko sya agad.

Bigla syang kumalas sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya.

"Really?"

I saw tears in his eyes, pero nakangiti ang mga labi nya.

"Yes. But it doesn't mean na kaya na kitang mahalin pabalik. Kaibigan lang ang tingin ko sayo Christian. Ayokong paasahin ka kaya kung pwede lang tigilan mo na kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin" Diretsong sabi ko.

Straight forward akong tao. Kapag ayaw ko sayo sasabihin ko. Hindi ako yung tipo na makikipag plastikan at hindi rin ako yung tipo na paasa.

"Pero pwede mo naman akong pag aralang mahalin, hindi ba? Maghihintay ako. Kahit kelan pa yon. Basta mahalin mo lang rin ako" aniya. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Hindi natuturuan ang puso Christian. Isang taon ka na ring naghihintay sa pagmamahal na sinasabi mo. Kung talagang kaya kitang mahalin. Matagal na dapat nangyari yun" Saad ko.

INSTANT WIFE, INSTANT MOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon