Pinaupo nya ako sa isang bench. Nasa park na kasi kami ng Subdivision namin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya ng pumwesto sya sa likuran ko. Nagulat ako ng tanggalin nya sa pagkakatali ang buhok ko.
"Hey! What you're doing?"
Hindi sya sumagot. Instead, naramdaman ko na lang na may kung ano siyang ginagawa sa buhok ko.
"Wahhh ang sweet naman nung guy. Sya nag aayos ng buhok ni girl"
"Oo nga ang sweet.Boyfriend siguro sya ni ate girl"
Napatingin ako sa dalawang estudyanteng dumaan sa harap ko. Teka, kami ba pinag uusapan nila? Sa amin kasi sila nakatingin
"She's my Wife, girls" Saad ni Firro sa kanila.
Tumili naman 'yung dalawang babae dahil sa sobrang kilig. Hindi ko alam kung saan sila kinilig eh. Dahil ba sa sinabi ni Firro na asawa nya ako o dahil sa kinausap sila nito. Tsk! Uminit yata bigla ang ulo ko.
"Done"
Hinawakan ko ang buhok ko. okay?Bakit parang ang ganda yata ng pagkakaayos nya.
Kinuha ko ang mini mirror ko sa bag at tinignan ang itsura ko. Wow! Nagmukha yata akong Tao. Hindi ko alam na may talent pala itong si Firro sa pag aayos ng buhok.
"You knew how to braid?" I asked him. Nakabraid kasi ang kulot kong buhok. Ang ganda ng pagkakabraid nya. Hindi kaya bading sya? Wew. Hindi naman siguro.
"Yeah" Hinawakan nyang muli ang kamay ko at dahan dahan akong hinila patayo.
"Let's go"
Tumango na lang ako sa kanya. I can't believe na may lalaking gaya nya. He's really sweet. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng lalaking kagaya nya. I never feel alone kapag kasama ko sya.
Kung hindi ba ako nag crash sa Party nila may chance kayang makilala ko siya? sila ng mga bata? Sa palagay ko hindi.
"Uhm Firro"
Marami akong gustong itanong sa kanya. Kaya lang pinapangunahan ako ng hiya.
"Hmm?"
Lumingon sya sa akin. Umiling na lang ako. Saka na lang siguro ako magtatanong. Marami pa namang time para dyan. Sa ngayon mag e-enjoy muna ako kasama sila..
Wala na akong paki alam kahit hindi man ako ang totoo nyang asawa at totoong Ina nila Flyde.
I feel happy and complete whenever I'm with them.
Jian! Kung nasaan ka man ngayon. 'Wag ka sanang magagalit sa akin ha.
Hihiramin ko lang sandali yung pamilya mo. Pero kung okay lang sayo. Pwede bang sakin nalang sila. Hindi ka na rin naman babalik diba?. Alam kong masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Kaya pwede bang sakin nalang sila?
I smiled. Para akong tanga. Bakit Jadell?
Bagay ba sila Firro na pwede mong hiramin at hingiin. Tsk! Napaka boba mo talaga!
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa school. Ramdam ko ang mga tingin ng estudyante sa amin ni Firro.
Wala akong pakialam. Ang alam naman nilang lahat ay mag asawa kami, kaya okay lang kahit makita nila kaming magkasamang dalawa.

BINABASA MO ANG
INSTANT WIFE, INSTANT MOM
Ficção AdolescenteNag-gate crash lamang sa isang party si Jadelle pero pag-uwi niya naging Instant wife at Mommy na siya.